Showing posts with label SCCP. Show all posts
Showing posts with label SCCP. Show all posts

Saturday, August 15, 2026

17th PSE-Ateneo CSSC Industry Briefing, Part 5: Ano ang Nangyayari Pagkatapos ng Trade?

HomeBoard Lot WarriorMicro HarvestingMicro Harvesting 2.0 › CSSC Learning Series › 17th PSE-Ateneo CSSC Industry Briefing Series › Part 5: SCCP Clearing and Settlement

SCCP clearing and settlement seminar at the PSE Tower, with the presentation question “What happens when you click Buy?” displayed on screen.
The SCCP seminar begins with a deceptively simple question: What happens when you click “Buy”? The answer leads into clearing, settlement, cash movement, share delivery and market risk controls.

👉 Explore the full Micro Harvesting 2.0 framework
👉 Start Here | CSSC Learning Series | MH Application Series | MH Operator Journal

Pagkatapos ma-fill ang order, may clearing, settlement, cash movement, share delivery at risk controls pang kailangang gumana sa likod ng trade.

Originally published: August 15, 2026 · Last updated: August 15, 2026

Links to related posts


Nilalaman

Matapos ang seminar tungkol sa PSE Stock Trading Operations, dumiretso kami sa huling bahagi ng 17th PSE-Ateneo CSSC Industry Briefing: ang seminar tungkol sa SCCP Clearing and Settlement Operations, na naka-schedule mula 3:00 PM hanggang 4:30 PM sa PSE Tower Training Room.

Kung ang Part 4 ay sumagot sa tanong na:

“Paano nagiging trade ang isang order?”

ang Part 5 naman ang sumagot sa kasunod na tanong:

“Pagkatapos ma-match ang trade, ano naman ang nangyayari?”

At doon namin mas na-appreciate na ang isang executed buy o sell ay hindi pa pala katapusan ng proseso.

What Happens When You Click Buy?

Ito mismo ang tanong na ginamit sa SCCP presentation.

Kapag pinindot natin ang Buy button at na-execute ang order, parang tapos na ang transaction sa perspective ng retail investor.

Makikita na natin ang shares sa portfolio.

Makikita ang cash movement sa account.

At kadalasan, lilipat na agad ang attention natin sa price action.

Pero sa likod ng brokerage screen, kailangan pang tiyakin ng market infrastructure na ang cash ay mapupunta sa tamang panig at ang shares ay mapupunta sa tamang account.

Dito pumapasok ang Securities Clearing Corporation of the Philippines o SCCP.

Ano ang SCCP?

Ang SCCP ay isang registered clearing agency at wholly owned subsidiary ng Philippine Stock Exchange. Itinatag ito upang matiyak ang orderly settlement ng equity trades na ginagawa sa PSE. Ayon sa presentation, nagpatupad din ito ng bagong clearing and settlement system noong 2023 at lumipat sa T+2 settlement cycle noong August 24, 2023.

Sa simpleng salita:

ang PSE ang lugar kung saan nagkakaroon ng trade;

ang SCCP naman ang tumutulong para makumpleto ang trade.

At napakaganda ng shorthand sa presentation tungkol sa SCCP functions:

Complete the trades.
Safety net.
Prevents problems.
Resolves problems.

Sa isang slide lang, halos buo na ang role nito.

Delivery versus Payment: Walang Bayad, Walang Shares

Isa sa pinakamalinaw na concepts sa briefing ang Delivery versus Payment o DVP.

Sa mission statement ng SCCP, ang settlement ay ginagawa sa DVP basis upang matiyak ang finality at irrevocability ng trades.

At ginawang sobrang simple sa slide:

DVP = No Payment, No Shares
Finality = Transactions Cannot Be Reversed
Risk Management = Protect the Market

Para kay Micro Stock Trader, ito marahil ang pinaka-importanteng simplification ng buong seminar.

Kapag may buyer, hindi sapat na may intent lang bumili.

Kailangang may corresponding payment.

Kapag may seller, hindi sapat na may sell execution.

Kailangang ma-deliver ang securities.

Ang settlement infrastructure ang nag-uugnay sa dalawang obligasyong iyon.

T+2: Hindi Agad Tapos sa Trade Date

Ang settlement cycle na ginagamit sa PSE trades ay T+2 rolling settlement.

Ibig sabihin, kung ang trade date ang T, ang settlement ay nangyayari makalipas ang dalawang settlement days, at ang settlement deadline ay 12:00 noon ng T+2.

Ito iyong part na madaling maging invisible sa retail trader.

Kapag bumili tayo ngayon, parang pag-aari na agad natin ang position dahil lumalabas na ito sa brokerage dashboard.

Pero sa market infrastructure level, may proseso pa ng clearing, netting, cash movement at securities delivery bago maging fully settled ang transaction.

Sa SCCP presentation, malinaw ang buong settlement flow: nagsisimula ang system interaction sa PDTC at settlement banks, dumadaan sa processing at settlement deadline, at pagkatapos ay kino-credit ang due broker entitlements.

Sino ang Gumagalaw ng Pera?

Isa pang simpleng tanong sa presentation:

Who moves the money?

Ang sagot: Settlement Banks.

Sila ang tumatanggap ng funds para sa payment ng securities bought, nagko-confirm ng payment obligations, at nagde-debit ng buyer cash accounts habang kino-credit ang seller cash accounts sa settlement. May role din sila sa cash collateral requirements ng Clearing Members.

Dito mas naging malinaw na hindi lang broker at exchange ang nasa likod ng isang trade.

Kasama rin ang banking infrastructure.

Ang isang simpleng buy order pala ay nag-uugnay sa:

investor → broker → exchange → clearing system → depository → settlement bank.

At lahat ng iyon kailangang sabay-sabay na gumana nang maayos.

Sino naman ang Gumagalaw ng Shares?

Kung settlement banks ang gumagalaw sa cash side, ang central securities depository naman ang nasa securities side.

Sa presentation, ang Philippine Depository & Trust Corp. o PDTC ang tinukoy bilang depository na nagsasagawa ng book-entry transfer ng securities mula seller papunta buyer sa settlement ng exchange trades.

At dito naging mas tangible ang digital nature ng modern market.

Hindi naman literal na may stock certificate na nililipat kada trade.

Book-entry movement ang nangyayari sa depository system.

Ito iyong isa sa mga bagay na halos hindi na napapansin ng retail investor dahil seamless ang interface.

Pero sa infrastructure level, iyon mismo ang “delivery” sa Delivery versus Payment.

Bakit Mahalaga ang Multilateral Netting?

Isa sa mas technical pero interesting na concepts ay ang multilateral netting.

Sa halip na isa-isahin ang settlement ng bawat bilateral trade, pinagsasama ng system ang mga obligations para maging net receipt o net delivery position ng bawat Clearing Member sa isang security. Ganoon din sa cash side: ang debits at credits ay tine-net sa isang net cash position.

Sa practical sense, mas kaunti ang kailangang settlement movements kaysa kung bawat individual trade ay hiwalay na aasikasuhin.

At dito naging malinaw kung bakit mahalaga ang clearing layer:

hindi lang ito taga-transfer.

Nag-aayos din ito ng napakaraming transactions para maging mas efficient ang settlement.

SCCP Bilang Central Counterparty

Isa pang mahalagang concept ang Central Counterparty o CCP.

Sa pamamagitan ng novation, ang SCCP ang pumapagitna sa buyers at sellers.

Sa presentation, simple ang visual:

SCCP acts as buyer to every seller, at seller to every buyer.

Ibig sabihin, ang original buyer at seller ay hindi na directly nakatingin sa isa’t isa para sa settlement obligation.

Sa halip, may claim o obligation sila against SCCP bilang central counterparty.

Ito ang isa sa pinakamahalagang risk-management features ng clearing system.

Sa halip na kalat ang counterparty risk sa bawat individual pair ng participants, may centralized structure na nagma-manage ng settlement obligations.

Ano Kapag May Hindi Nakabayad o Hindi Nakapag-deliver?

Dito nagiging mas interesting ang discussion.

Hindi naman ideal world ang market.

Puwedeng may delayed cash.

Puwedeng may delayed securities delivery.

Puwedeng may Clearing Member na magkaroon ng settlement problem.

Kaya hindi lang settlement ang trabaho ng SCCP.

May risk monitoring at fails management din ito.

Ayon sa presentation, mino-monitor araw-araw ang compliance sa cash at securities settlement obligations, at may reporting din sa Securities and Exchange Commission.

May risk monitoring din para sa unusual settlement activity at recurring or habitual fails.

Sa madaling salita, hindi hinihintay na lumaki muna ang problema bago ito pansinin.

May monitoring bago pa magkaroon ng mas malaking disruption.

Collateral Bilang Unang Proteksiyon

Bahagi ng risk-management framework ng SCCP ang Mark-to-Market Collateral Deposit System.

Kapag may negative exposure ang isang Clearing Member, maaaring magkaroon ng collateral requirement.

Ayon sa presentation, maaaring cash, eligible securities, o early delivery ng stocks ang gamitin bilang collateral depende sa applicable rules.

Interesting ito dahil ang principle ay very familiar kahit sa personal portfolio level:

kapag may risk exposure, kailangan ng buffer.

Sa institutional clearing system, ang buffer ay collateral.

Sa personal trading, maaaring cash reserve, dry powder, position limits, o risk caps ang katumbas na principle.

Magkaiba ang scale, pero pareho ang idea:

huwag hayaang walang protection ang exposure.

Ang Clearing and Trade Guaranty Fund

Kapag may failed trade dahil hindi kayang mag-settle ng isang Clearing Member, may isa pang protection layer:

ang Clearing and Trade Guaranty Fund o CTGF.

Pero mahalagang distinction sa presentation na hindi ito ordinaryong lending facility.

Itinuturing itong last-resort protection mechanism at isang layer lamang ng mas malawak na risk-management framework.

Iyan ang magandang governance point dito.

Hindi dahil may safety net ay puwede nang maging relaxed ang primary controls.

Ang safety net ay hindi kapalit ng discipline.

Last resort siya.

Kapag Talagang Nag-fail ang Settlement

May formal fails management mechanisms din ang SCCP.

Kasama rito ang temporary credit facilities with settlement banks para sa funding problems, securities lending and borrowing para sa securities delivery fails, at paggamit ng CTGF bilang last-resort tool.

Mayroon ding buy-in at sell-out mechanisms depende kung securities delivery fail o cash payment fail ang nangyari.

At hindi rin trivial ang consequences ng repeated or unresolved failure.

Ang presentation ay naglatag ng fines, penalties, at posibilidad ng preventive suspension ng defaulting Clearing Member kung hindi ma-resolve ang cash o securities settlement obligation sa required timeline.

Dito mas nakita namin na ang clearing system ay hindi lang back-office processing.

May teeth ang governance.

Ang Trade ay Hindi Tapos Kapag “Filled” na

Ito marahil ang pinakamalaking takeaway ng Part 5.

Sa brokerage screen, may tendency tayong isipin na tapos na ang transaction kapag nakita natin ang salitang:

Filled.

Pero technically, execution at settlement ay dalawang magkaibang yugto.

Sa execution, nag-match ang order.

Sa settlement, tinutupad ang obligations.

Cash moves.

Shares move.

Netting happens.

Counterparty risk is managed.

Collateral is monitored.

Fails are addressed.

At saka pa lang tunay na nakukumpleto ang transaction.

Isang Mas Malaking Lesson sa Governance

Para kay Micro Stock Trader, may isang magandang parallel ulit dito sa Micro Harvesting 2.0.

Sa trading, hindi sapat ang signal.

Hindi rin sapat ang execution.

Kailangan din ng completion, reconciliation, at control.

Sa MH 2.0, ginagawa natin ito sa sarili nating maliit na paraan kapag nire-reconcile natin ang broker records, internal ledger, realized gains, anchor shares, rotational shares at available cash.

Hindi natin ginagawa ang trabaho ng SCCP, siyempre.

Pero pareho ang philosophy:

ang isang transaction ay hindi dapat ituring na complete hangga’t hindi malinaw ang epekto nito sa buong system.

At iyon marahil ang pinakamagandang pagtatapos sa limang-parteng CSSC Industry Briefing series.

Nagsimula tayo sa entrance ng PSE Tower, sa tabi ng Path to Prosperity.

Dumaan tayo sa kasaysayan ng Philippine stock market.

Nakita natin ang brokerage side ng trading.

Inaral natin kung paano nagiging valid trade ang isang order.

At sa huling seminar, nakita naman natin kung paano tinitiyak na ang trade na iyon ay tunay na nakukumpleto.

Mula order hanggang execution.

Mula execution hanggang clearing.

Mula clearing hanggang settlement.

At sa likod ng lahat ng iyon ay isang malinaw na principle:

ang maayos na market ay hindi lamang nakasalalay sa pagkakataong makabili at makabenta. Nakasalalay rin ito sa rules, infrastructure, risk controls, at institutions na tumitiyak na ang bawat obligasyon ay natutupad.

Iyon ang isang lesson na magandang dalhin pauwi mula sa PSE Tower.


Shariah Compliance Advisory (Updated Nov 26, 2025)

The PSE has confirmed that its Shariah screening program is currently paused, with no new lists to be released until their internal review is completed. Although news outlets reported quarterly updates up to mid-2025, these later lists are no longer accessible on the PSE website.

For now, the PSE’s Shariah-Compliant Securities page and all past lists have been removed from the public website. The December 24, 2024 list is the last official version in Micro Stock Trader’s possession, downloaded before the page was taken down, although other investors may still hold later copies such as the reported July 4, 2025 release.

All halal-focused strategies under Micro Stock Trader will use a conservative, self-screened approach until official guidance resumes, in shā’ Allāh.

Ang post na ito ay bahagi ng aming personal learning journey sa securities analysis at portfolio governance. Ang mga konseptong may kaugnayan sa interest-based instruments, conventional bonds, preferred shares, o iba pang financial arrangements ay binabanggit lamang bilang bahagi ng academic coverage ng module at hindi bilang rekomendasyon o endorsement.

Disclaimer

This post is for educational and documentation purposes only. It is not investment advice. Perform your own due diligence and consult qualified financial professionals before making investment decisions. All strategies, frameworks, and examples described here reflect the personal methodologies of Micro Stock Trader and are not guarantees of future performance.


Illustration of a calm, disciplined trader reviewing charts and layered ladders, symbolizing the transformation of the Board Lot Warrior ecosystem in 2025.
Micro Stock Trader Blog
Board Lot Warrior
Ang Inyong Batangueñong Retail Stock Trader

Home | About UsContact Us | Privacy Policy | Terms of Use | Disclaimer

GAWLOO: Ang Lugawang May Sarap ng Southeast Asia — Gawa ng Batangueñong Galing Abroad

Kung taga-Rosario, Batangas ka at nag-crave ka ng lugaw na may level-up na twist—eto na ang sagot sa panalangin ng sikmura mo: GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience.

Kung taga-Rosario, Batangas ka at nag-crave ka ng lugaw na may level-up na twist—eto na ang sagot sa panalangin ng sikmura mo: GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience.

GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience facade

📍 Matatagpuan sa V. Escaño St., Brgy. C, Rosario Batangas, si GAWLOO ay hindi lang basta kainan — isa siyang kwento ng pangarap, passion, at panlasang umikot sa Asia.


GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience Dine-In

Ang may-ari, si Jay Ubana, ay isang Batangueñong cook na nagtrabaho sa Singapore at Dubai ng 12 taon. Sa dami ng napuntahan niyang bansa—Hong Kong, Taiwan, Singapore—natutunan niyang i-appreciate ang iba't ibang bersyon ng congee. “Paborito talaga ng mga Pinoy ang lugaw,” wika ni Jay, “Kahit anong oras, kahit anong pakiramdam—masarap maglugaw.”

⭐ Lasa't Alaala sa Bawat Higop

Hindi lang basta lugaw, kundi southeast Asian-inspired congee na may toppings na mala-ulam sa sarap.

🍲 Seafood Gawloo at Lechon Gawloo — ang kanilang best-sellers na puwedeng pang-breakfast o pang-dinner.

🍛 Mix & Match Toppings: Tuwalya, Chicharon Bulaklak, Atay, Chicken, Fried Tokwa at iba pa.

🍗 Rice Meals tulad ng Chao Fan with Pork Siomai, Chicharon Bulaklak, o Lechon Kawali — swak sa mga ayaw ng sabaw pero gusto pa rin ng siksik sa lasa.

🧋 Drinks? May Black Gulaman at Lychee para pampawi ng uhaw habang humihigop ka ng mainit-init na lugaw.

💸 Presyo na Kayang-Kaya

Hindi mo kailangang bumyahe pa sa abroad para matikman ang ganitong congee—abot kaya lang ang Small Bowl na may 1 Topping, at kung mas gutom ka, may Large Bowl para iyo at para sa inyong lahat. Pwede ka ring magpa-top up ng 2, 3 o 4 na toppings para sa ultimate lugaw overload!

🤳 Para sa mga G na umorder online

Pwede kang magpa-deliver! Text o tawag lang sa 09397785658. Hanapin lang ang GAWLOO sa Facebook para sa menu at updates.


Sa totoo lang, sa bawat higop ng lugaw sa GAWLOO, parang may yumayakap sa’yo—maalala mo si Nanay o si Lola na nagluluto ng lugaw tuwing masama ang pakiramdam mo. Ngayon, kahit wala si Nanay sa tabi mo, may GAWLOO ka sa Rosario.

Supportahan natin ang lokal! Tikman ang lugaw na may kwento. Tikman ang GAWLOO.

Featured Post

17th PSE-Ateneo CSSC Industry Briefing, Part 5: Ano ang Nangyayari Pagkatapos ng Trade?

Home › Board Lot Warrior › Micro Harvesting › Micro Harvesting 2.0 › CSSC Learning Series › 17th PSE-Ateneo CSSC Industry Briefing Serie...