Showing posts with label Portfolio Governance. Show all posts
Showing posts with label Portfolio Governance. Show all posts

Friday, January 9, 2026

RTS Refill Rules Using Percent Net Unrealized Gain (Loss)

HomeMicro Harvesting › Core Rules & Governance › RTS Refill Rules Using % Net Unrealized Gain (Loss)

Illustration of a Micro Harvesting portfolio showing unrealized gains and losses used as the sole basis for RTS refill decisions.
Paano bumabalik ang RTS sa Micro Harvesting—hindi sa hula, kundi sa malinaw na kondisyon.

👉 Explore the full Micro Harvesting framework →

Sa Micro Harvesting, ang RTS (Rotating Trading Shares) ang bahagi ng posisyon na sadyang umiikot—binibili, inaani, at ibinabalik ayon sa malinaw na kondisyon.
Ipinapaliwanag ng post na ito kung paano bumabalik ang RTS gamit lamang ang % Net Unrealized Loss, para manatiling mekanikal, boring, at walang hulaan ang sistema.

← Previous | Next → | 📘 Micro Harvesting Series Index


Links to Related Posts


Nilalaman

  • Ang Punto ng Usapan

  • Ang Dating Paniniwala

  • Ang Binagong Pananaw

  • Paano Ito Umaandar

  • Pangwakas na Kaisipan


Ang Punto ng Usapan

Sa Micro Harvesting, malinaw na kung kailan nag-aani: kapag naabot ang tamang % Net Unrealized Gain at pasado sa RGOC band.
Ang mas madalas na tanong ay ito: kailan babalik ang RTS matapos magbenta?

Kung walang malinaw na sagot, bumabalik ang emosyon—“mura na ba?”, “baka maiwan?”, “sayang kung hindi pumasok.”
Ito mismo ang iniiwasan ng sistemang ito.


Ang Dating Paniniwala

Karaniwan, ganito ang iniisip ng trader:

“Kapag nakabenta na, hahanap agad ng magandang balik-presyo.”

Ang problema rito:

  • nagiging subjective ang entry

  • nagkakalkula ng kung anu-ano

  • nasisira ang ritmo ng sistema

Madalas, mas komplikado pa ang pagbabalik kaysa sa mismong pagbenta.


Ang Binagong Pananaw

Sa Micro Harvesting, pareho ang sukatan ng pag-ani at pagbabalik.
Isang metric lang ang binabasa:

% Net Unrealized Gain (Loss) — kung ano mismo ang ipinapakita ng broker.

At para mas maging boring at mekanikal ang sistema, malinaw ang desisyon:

RTS refill bands are defined exclusively using the % Net Unrealized (Loss).
Positive o near-zero unrealized values ay hindi refill trigger.

Ibig sabihin, kung hindi pa pula, hindi pa oras.


Paano Ito Umaandar

Ang RTS refill ay reaksyon, hindi inisyatiba.
Nangyayari lang ito pagkatapos ng valid harvest, at kapag ang presyo ay bumalik sa kahinaan ayon sa volatility ng stock.

High Volatility Stocks

(hal. ABA, WLCON, DNL, FNI, PCOR)

Ang mga stock na ito ay mabilis gumalaw, pataas man o pababa.
Kaya ang refill ay hinihintay lamang kapag malinaw na pumasok na sa negative % Net Unrealized (Loss) na sapat para sa normal na pullback—hindi panic, hindi bagsak.

Context

  • Harvest band: +3.0% to +5.0%

  • These stocks retrace quickly but not always deeply

🎯 RTS Refill Bands

  • –1.5% to –3.0% → ✅ STANDARD REFILL ZONE

  • –3.0% to –5.0% → ⚠️ Fast / partial refill only

  • Above –1.5% → ❌ NO REFILL

Why does this fits Micro Harvesting

  • Captures normal pullbacks, not collapses

  • Keeps inventory cycling

  • Preserves harvested margin

  • Avoids SDA-style waiting

Hindi kailangan ng bagsak — sapat na ang hinga.

Dito mahalagang tandaan:
Ang high-volatility stocks ay inaasahang magbigay ng sapat na margin, hindi ng madalas na galaw.

Hindi minamadali ang balik; hinahayaan munang huminga ang presyo.


Medium Volatility Stocks

(hal. DMC, SCC, RFM, MONDE, URC, ICT, CREIT)

Ito ang gulugod ng rotation.
Mas madalas ang galaw, mas makitid ang range, kaya mas malapit din sa zero ang refill bands.

Context

  • Harvest band: +1.8% to +3.0%

  • These rotate inside tighter ranges

🎯 RTS Refill Bands

  • –1.0% to –2.5% → ✅ STANDARD REFILL ZONE

  • –2.5% to –4.0% → ⚠️ Staggered refill

  • Above –1.0% → ❌ NO REFILL

Why this fits

  • Matches their rotation rhythm

  • Avoids over-waiting

  • Keeps RHER alive

Kapag pumasok sa negative % Net Unrealized (Loss) na akma sa kanilang asal, saka lang bumabalik ang RTS.
Hindi kailangang malalim ang bagsak—sapat na ang normal na atras.


Low Volatility Stocks

(hal. RCR, MREIT, DDMPR, MER, TEL, PGOLD, CNPF)

Tahimik ang mga ito, at sinasadya ‘yon.
Ang RTS dito ay hindi pang-araw-araw na ikot, kundi pang-bihirang pagkakataon.

Context

  • Harvest band: 0.3% – 0.8%

  • These barely move

🎯 RTS Refill Bands

  • –0.5% to –1.5% → ✅ REFILL ONLY IF RTS WAS SOLD

  • –1.5% to –2.5% → ⚠️ Careful refill

  • Above –0.5% → ❌ NO REFILL

Why this fits

  • Prevents overtrading

  • Still allows inventory restoration

  • Keeps them boring (as intended)

Konting atras lang, sapat na.

Kaya ang refill ay nangyayari lang kapag:

  • may naunang harvest, at

  • malinaw na nasa negative % Net Unrealized (Loss) na lampas sa ingay

Hindi sila para sa tubo.

Ang silbi nila ay:

  • pampakalma ng takbo

  • pampagaan ng isip

  • pambawas ng kaba kapag may drawdown

Kung zero ang RGOC dito, tama lang ‘yon.


Pangwakas na Kaisipan

Sa Micro Harvesting, hindi mahalaga kung gaano ka kadalas gumalaw.
Mas mahalaga kung kailan ka hindi gumagalaw.

Ang RTS refill rules na nakabatay lang sa % Net Unrealized (Loss) ay sadyang ginawa para:

  • alisin ang hula

  • bawasan ang desisyon

  • pabagalin ang kamay

Karamihan ng araw, walang refill.
At kapag wala kang ginawa, madalas tama ka.


🔗 Quick Links

Micro Stock Trader Global Index · Micro Harvesting Master Index


📌 Shariah Compliance Advisory (Updated Nov 26, 2025)

The PSE has confirmed that its Shariah screening program is currently paused, with no new lists to be released until their internal review is completed. Although news outlets reported quarterly updates up to mid-2025, these later lists are no longer accessible on the PSE website.

For now, the PSE’s Shariah-Compliant Securities page and all past lists have been removed from the public website. The December 24, 2024 list is the last official version in Micro Stock Trader’s possession, downloaded before the page was taken down, although other investors may still hold later copies such as the reported July 4, 2025 release.

All halal-focused strategies under Micro Stock Trader will use a conservative, self-screened approach until official guidance resumes, in shā’ Allāh.


Disclaimer

This post is for educational and documentation purposes only. It is not investment advice. Perform your own due diligence and consult qualified financial professionals before making investment decisions. All strategies, frameworks, and examples described here reflect the personal methodologies of Micro Stock Trader and are not guarantees of future performance.


Illustration of a calm, disciplined trader reviewing charts and layered ladders, symbolizing the transformation of the Board Lot Warrior ecosystem in 2025.
Micro Stock Trader Blog
Board Lot Warrior
Ang Inyong Batangueñong Retail Stock Trader

Home | About UsContact Us | Privacy Policy | Terms of Use | Disclaimer

Thursday, January 8, 2026

Target RGOC Bands per Volatility Class (Why “Good” Depends on the Stock)


Home › Micro Harvesting Series › Metrics & Governance › Target RGOC Bands per Volatility Class

Equities portfolio table displaying stock codes, market prices, average prices, and percentage gains or losses, illustrating how unrealized gains become realized gain on cost under the Micro Harvesting system.
A live portfolio snapshot showing how unrealized gains and losses are evaluated as potential RGOC only when a stock is actually sold.

👉 Explore the full Micro Harvesting framework →

Sa Micro Harvesting, hindi sapat ang tanong na “kumita ba?”
Mas mahalaga ang tanong na “tama ba ang kinita, ayon sa papel ng stock?”
Dito pumapasok ang RGOC—hindi bilang scorecard, kundi bilang panukat ng tamang galaw.

← Previous | Next → | 📘 Micro Harvesting Series Index


Related Posts


Nilalaman

  1. Ang Punto ng Usapan
  2. Ang Dating Paniniwala
  3. Ang Binagong Pananaw
  4. Paano Ito Umaandar
  5. Pangwakas na Kaisipan


Ang Punto ng Usapan

Maraming traders ang nasasanay na iisang sukatan lang ang gamit:
mas mataas, mas magaling.

Pero sa Micro Harvesting, hindi pantay ang trabaho ng bawat stock.
Kaya hindi rin dapat pantay ang basa sa RGOC.

RGOC (Realized Gain on Cost) ay ang sukatan ng kalidad ng paglabas, hindi ng galaw ng presyo. Simple lang ang tanong nito: kapag ibinenta ang stock, gaano kalinis at kapakinabangan ang naging exit kumpara sa aktwal na puhunan na inilabas? Mahalaga ito dahil sa Micro Harvesting, hindi lahat ng galaw ay dapat anihin. Ang RGOC ang nagsisilbing filter kung ang isang galaw ay sulit gawing realized gain, o dapat munang palampasin at hayaan ang volatility na magtrabaho pa. 


Ang Dating Paniniwala

Dati, parang ganito ang implicit rule:

“Mas mataas ang RGOC, mas mahusay ang stock.”

Ang problema?
Pinagkukumpara ang:

  • high-volatility sa low-volatility

  • pang-burst sa pang-stabilize

  • pang-galaw sa pang-hawak

Diyan nasisira ang disiplina.


Ang Binagong Pananaw

RGOC (Realized Gain on Cost)
sukat ng kalidad ng exits, hindi ng galing ng stock

Hindi ito ranking tool.
Isa itong role-fulfillment check, at ang role ay nakabase sa volatility.


Paano Ito Umaandar

🟥 HIGH VOLATILITY STOCKS

(Impulse / Burst Harvesters)

Halimbawa: ABA, WLCON, DNL, FNI, PCOR
Asal: biglaang galaw, uneven timing, mataas ang optionality

Target RGOC Bands:

  • Below 1.5% → ❌ Underutilized volatility

  • 1.5% – 3.0% → ⚠️ Acceptable but conservative

  • 3.0% – 5.0% → ✅ Healthy / On-target

  • 5.0% – 8.0% → 🟢 Strong execution

  • 8.0%+ → 🟡 Exceptional (monitor sustainability)

Pagbasa:
Hindi dami ng galaw ang hinihingi sa high-volatility stocks, kundi lalim ng bawat ani.
Kapag mababa ang RGOC dito, kadalasan:

Ito ang mga stock na pang-hila pataas ng RGOC ng buong sistema.


🟨 MEDIUM VOLATILITY STOCKS

(Core Rotational Engine)

Halimbawa: DMC, SCC, RFM, MONDE, URC, ICT, CREIT
Asal: madalas gumalaw, pero mas siksik ang range

Target RGOC Bands:

  • Below 1.0% → ❌ Poor exit quality

  • 1.0% – 1.8% → ⚠️ Functional but thin

  • 1.8% – 3.0% → ✅ Healthy / Ideal

  • 3.0% – 4.5% → 🟢 Strong discipline

  • 4.5%+ → 🟡 Possible over-holding

Pagbasa:
Hindi laki ng kita ang panalo dito, kundi ulit-ulit na tama.
Kapag sobrang taas ng RGOC:

  • baka late na ang exit,

  • o bumabagal na ang ikot ng kapital.

Ang papel nila: patatagin ang RHER, hindi magpa-wow.


🟦 LOW VOLATILITY STOCKS

(Stabilizers / Anchors / Capital Parking)

Halimbawa: RCR, MREIT, DDMPR, MER, TEL, PGOLD, CPNF
Asal: tahimik, bihira ang harvest

Target RGOC Bands:

  • Below 0.3% → ⚠️ Possibly friction-only

  • 0.3% – 0.8% → ✅ Healthy / Correct

  • 0.8% – 1.5% → 🟢 Opportunistic success

  • 1.5%+ → 🟡 Rare event

Pagbasa:
Hindi naman sila para sa tubo.
Ang silbi nila ay:

  • pampakalma ng takbo

  • pampagaan ng isip

  • pambawas ng kaba kapag may drawdown

Kaya kung zero ang RGOC dito, hindi ‘yan palpak.
Ibig sabihin, ginagawa lang nila kung ano ang tama para sa sistema.


Pagbasa ng RGOC Kapag Inapply sa Aktwal na Portfolio

High Volatility Stocks (Impulse / Burst Harvesters)

Sa high-volatility group, malinaw ang hinihingi ng sistema: kailangang bayaran ng margin ang galaw. Gamit ang kasalukuyang % Gain/Loss bilang proxy ng magiging RGOC kung isasara ang posisyon ngayon, iisa lamang ang umabot at lumagpas sa target band na 3.0%–5.0%.

May isang posisyon na pumasok sa exceptional range, malinaw na nagpapakita na ang volatility ay na-monetize na. Ang iba—kahit may kaunting galaw—ay alinman sa negatibo o masyadong manipis para masabing pasado sa papel nila. Ibig sabihin, hindi pa hinihingi ng sistema ang pag-ani.

Sa puntong ito, malinaw ang tamang kilos:
ang valid lamang ay pag-ani ng RTS sa nagbigay ng sapat na RGOC, at walang gagawin sa iba. Ang pagbebenta sa natitirang high-volatility names ay magiging paglabag sa role logic, hindi disiplina.

Ito ang eksaktong inaasahan sa Micro Harvesting: kakaunti ang ani, kahit maraming galaw.


Medium Volatility Stocks (Core Rotational Engine)

Sa medium-volatility stocks, mas makitid ang target RGOC band (1.8%–3.0%), at dito mas lalong lumilitaw ang halaga ng framework. Dalawang posisyon ang pumasok sa ideal range, may isang borderline na maaaring galawin lamang kung RTS-heavy, at ang natitira ay alinman sa masyadong manipis o wala pang sapat na exit quality.

Dito malinaw na hindi hinahabol ang laki ng kita, kundi ang repeatability ng tamang paglabas. Kapag pinilit pang pataasin ang RGOC sa grupong ito, kadalasan ay nauuwi iyon sa late exits at bumabagal na capital rotation.

Ang tamang kilos ay simple:
ani lang kung pasado sa band, optional micro-harvest kung borderline, at walang aksyon sa iba. Ganito napo-protektahan ang RHER nang hindi sinasakal ang ikot ng kapital.


Low Volatility Stocks (Stabilizers / Capital Parking)

Sa low-volatility group, mas mababa ang inaasahan: 0.3%–0.8% RGOC ay sapat na. Sa aktwal na aplikasyon, iisa lamang ang umabot sa opportunistic range. Ang iba ay wala pang RGOC o bahagyang galaw lamang—at ayon sa framework, hindi ito kabiguan.

Ang mga stock na ito ay hindi idinisenyo para mag-produce ng ani araw-araw. Ang papel nila ay stability, psychological relief, at drawdown dampening. Kapag walang ani dito, normal iyon. Kapag may lumabas na pagkakataon, saka lamang kumikilos.

Dito malinaw ang disiplina: huwag pilitin ang tubo kung ang papel ay proteksyon.


Ano ang Ipinapakita ng Buong Exercise na Ito

Kapag inapply ang Target RGOC Bands sa totoong portfolio, lumalabas na kakaunti lang talaga ang “valid sell” sa kahit anong araw. Hindi dahil mahina ang portfolio, kundi dahil hindi pa hinihingi ng sistema ang aksyon.

Kung ibebenta ang lahat ng berde:

  • masisira ang volatility roles

  • lalabnaw ang RGOC quality

  • at sa huli, masisira ang RHER

Sa Micro Harvesting, ang tunay na disiplina ay hindi sa pag-ani, kundi sa hindi pag-ani kapag hindi pa oras.


Decision Walkthrough: Pagbasa ng RGOC Bands sa Isang Live Portfolio Snapshot

Ang sumusunod ay isang aktwal na decision-making walkthrough gamit ang Target RGOC Bands per Volatility Class. Ang ginamit na batayan ay ang kasalukuyang % Gain / (Loss) ng bawat posisyon, na tinuring bilang proxy ng magiging RGOC kung isasara ang posisyon sa presyong iyon.

Hindi ito rekomendasyon na magbenta.
Ito ay pagdodokumento kung paano nagde-desisyon ang sistema kapag may hawak na numero at kailangang pumili kung kikilos o hindi.


1️⃣ High Volatility Stocks — Impulse / Burst Harvesters

Target RGOC: 3.0% – 5.0% (healthy)

  • ABA (−2.20%)
    ❌ Below threshold.
    Decision: Do not sell. May galaw, pero hindi pa nababayaran ang volatility risk. Hindi hinog.

  • DNL (−0.94%)
    ❌ Underutilized volatility.
    Decision: Hold. Nandoon ang volatility profile, pero wala pang margin. Hintayin ang expansion.

  • FNI (+11.48%)
    🟡 Exceptional.
    Decision: Valid harvest zone. Pasok at lampas sa hinihinging RGOC ng high-volatility role. RTS may be harvested.

  • WLCON (−2.77%)
    ❌ Failed capture.
    Decision: No harvest. May volatility pero hindi pa nagbabayad.

  • PCOR (+0.51%)
    ❌ Too thin.
    Decision: Ignore. Green man sa papel, hindi pasado sa RGOC band.

Interpretation:
Sa high-volatility group, iisa lang ang pumasa. Ibig sabihin, iisa lang ang hinihingan ng aksyon ng sistema. Ang natitira, tahimik muna. Ito ang inaasahang asal ng Micro Harvesting: hindi lahat ng gumagalaw ay inaani.

Correct action:
✔ Harvest FNI RTS only
✖ Do nothing on the rest

Ito ang textbook Micro Harvesting behavior.


2️⃣ Medium Volatility Stocks — Core Rotational Engine

Target RGOC: 1.8% – 3.0% (ideal)

  • DMC (+0.08%)
    ❌ Too thin.
    Decision: No sell. Walang exit quality.

  • ICT (+1.26%)
    ⚠️ Functional but thin.
    Decision: Optional micro-harvest lamang kung RTS-heavy; hindi obligasyon.

  • MONDE (+2.37%)
    ✅ Ideal.
    Decision: Valid harvest. Sakto ang exit quality para sa papel nito.

  • MER (−0.19%)
    ❌ No.
    Decision: Hold. Walang dahilan gumalaw.

  • RFM (−1.09%)
    ❌ No.
    Decision: Hold.

  • SCC (+3.97%)
    🟢 Strong.
    Decision: Valid harvest. Lampas sa ideal band, pero hindi pa over-extended.

  • URC (+0.54%)
    ❌ Too thin.
    Decision: No sell.

Interpretation:
Sa medium-volatility stocks, dalawa lang ang malinaw na pasado, isa ang borderline, at ang iba ay hindi pa hinihingan ng aksyon. Dito makikita na ang Micro Harvesting ay hindi naghahabol ng laki ng kita, kundi ng tamang kalidad ng paglabas.

Correct action:
✔ Harvest MONDE and SCC
ICT → optional micro-harvest only
✖ Leave the rest untouched

Ito ang nagpe-preserve ng rotation velocity nang hindi sinasakal ang sistema.


3️⃣ Low Volatility Stocks — Stabilizers / Capital Parking

Target RGOC: 0.3% – 0.8% (correct)

  • CNPF (+0.87%)
    🟢 Opportunistic.
    Decision: Valid harvest. Rare but acceptable.

  • DDMPR (−0.13%)
    ❌ No.
    Decision: Hold.

  • MREIT (−1.11%)
    ❌ No.
    Decision: Hold.

  • PGOLD (+0.09%)
    ⚠️ Friction-only.
    Decision: Ignore.

  • RCR (−1.89%)
    ❌ No.
    Decision: Hold.

  • TEL (−1.31%)
    ❌ No.
    Decision: Hold.

Interpretation:
Low-volatility stocks ay hindi profit engines. Kapag walang ani dito, normal iyon. Kapag may lumabas na pagkakataon tulad ng CNPF, saka lamang kikilos. Walang pilitan.

Correct action:
✔ Harvest CNPF only
✖ Never force harvests here
✔ Their value is stability, not excitement


4️⃣ Buod: Ano ang Sinasabi ng Sistema

Valid harvest candidates (by rule):

  • FNI — High volatility, exceptional

  • MONDE — Medium volatility, ideal

  • SCC — Medium volatility, strong

  • CNPF — Low volatility, opportunistic

Optional / micro-harvest:

  • ICT — borderline, RTS-dependent

Do not touch:
Lahat ng iba — kahit berde pa sa screen.


5️⃣ Bakit Mahalaga Ito

Kung ibebenta ang lahat ng berde:

  • masisira ang volatility roles

  • lalabnaw ang RGOC quality

  • at sa bandang huli, masisira ang RHER

Sa Micro Harvesting, hindi ang dami ng aksyon ang sukatan ng galing, kundi ang kakayahang kumilos lamang kapag pasado sa papel ng stock.


Batangueño Plain Talk

“Hindi porke’t berde, pinitas na.
Pinitas lang yung hinog — yung iba, pinababayaan.”


Pangwakas na Kaisipan

🧠 Cross-Class Rule (Very Important)

🚫 Huwag ikumpara ang RGOC across volatility classes.

Ang 4% RGOC sa FNI ay hindi kapareho ng
4% RGOC sa TEL.

Magkaiba ang:

  • oras

  • galaw

  • bigat ng stress

Laging binabasa ang RGOC kasama ang volatility.


System-Level Benchmarks (Dashboard II)

  • Target Portfolio RGOC:
    🟢 1.8% – 2.5%
    (kasalukuyan: 2.13% — sakto)

  • Natural na inaasahan:
    high-volatility → sumasalo ng margin
    medium + low volatility → mas manipis, pero mas stable

Nangyayari na ito ngayon—hindi sa teorya, kundi sa aktwal na data.


Batangueño Plain Talk

“Hindi pare-pareho ang trabaho ng bawat stock.
Kapag pinilit mong kumita ng pareho ang lahat,
hindi galing ang lalabas—kundi gulo.”


🔗 Quick Links

Micro Stock Trader Global Index · Micro Harvesting Master Index


📌 Shariah Compliance Advisory (Updated Nov 26, 2025)

The PSE has confirmed that its Shariah screening program is currently paused, with no new lists to be released until their internal review is completed. Although news outlets reported quarterly updates up to mid-2025, these later lists are no longer accessible on the PSE website.

For now, the PSE’s Shariah-Compliant Securities page and all past lists have been removed from the public website. The December 24, 2024 list is the last official version in Micro Stock Trader’s possession, downloaded before the page was taken down, although other investors may still hold later copies such as the reported July 4, 2025 release.

All halal-focused strategies under Micro Stock Trader will use a conservative, self-screened approach until official guidance resumes, in shā’ Allāh.


Disclaimer

This post is for educational and documentation purposes only. It is not investment advice. Perform your own due diligence and consult qualified financial professionals before making investment decisions. All strategies, frameworks, and examples described here reflect the personal methodologies of Micro Stock Trader and are not guarantees of future performance.


Illustration of a calm, disciplined trader reviewing charts and layered ladders, symbolizing the transformation of the Board Lot Warrior ecosystem in 2025.
Micro Stock Trader Blog
Board Lot Warrior
Ang Inyong Batangueñong Retail Stock Trader

Home | About UsContact Us | Privacy Policy | Terms of Use | Disclaimer

Friday, December 26, 2025

FNI: SUNSET, Then Harvest

Home › Micro Harvesting Series › Case Study

Banner image showing FNI stock candlestick chart with a strong volatility move, representing a Micro Harvesting case study on SUNSET and reactivation.
FNI was first SUNSET due to lack of long-term structure, then later harvested as a volatility play under Micro Harvesting rules.

👉 Explore the full Micro Harvesting framework →

Minsan, ang tamang desisyon ay umalis.
At minsan din, ang tamang galaw ay bumalik—pero may bagong dahilan.

Ito ang kwento kung paano naging tama ang pag-SUNSET sa FNI, at naging tama rin ang muling pag-harvest nito—nang hindi sinisira ang kahit isang rule ng Micro Harvesting.

← Previous | Next → | 📘 Micro Harvesting Series Index


Related Posts


Nilalaman

1️⃣ Bakit Na-SUNSET ang FNI
2️⃣ Ano ang Ibig Sabihin ng SUNSET (at Ano ang Hindi)
3️⃣ The Daily Chart Shift: Volatility, Not Recovery
4️⃣ Fresh Thesis, Fresh Role
5️⃣ The Harvest: Execution Without Attachment
6️⃣ Ano ang Pinatunayan ng Case Study na Ito
7️⃣ Hatol ng Micro Harvester


1️⃣ Bakit Na-SUNSET ang FNI

Balikan natin ang simula.

Sa monthly chart, malinaw ang mga limitasyon ng FNI:

  • Walang sustained long-term uptrend

  • Walang dividend yield para i-justify ang mahabang capital lock

  • Walang recovery structure na pang-SDA

  • Cyclical at volatile—pero hindi compounding

Oo, bumagsak ang presyo.
Oo, kaya sanang hintayin nang matagal.

Pero dito pumasok ang isang mahalagang prinsipyo:

Ang kakayahang maghintay ay hindi automatic na recovery thesis.

Kaya ang desisyon ay malinaw:
👉 FNI was SUNSET.

Hindi dahil natalo.
Kundi dahil wala itong tamang role sa sistema sa panahong iyon.

Monthly price chart of Global Ferronickel Holdings Inc. (FNI) on the PSE showing major volatility spikes, moving averages, volume surges, and long-term price compression near the ₱1 level.
Long-term monthly chart of FNI as of December 15, 2025, highlighting repeated volatility spikes and prolonged consolidation phases over multiple market cycles.

2️⃣ Ano ang Ibig Sabihin ng SUNSET (at Ano ang Hindi)

Mahalagang linawin ito.

Ang SUNSET ay hindi:

  • Pagkalimot sa stock

  • Pagbura sa chart

  • Pag-amin ng pagkakamali

Ang SUNSET ay:

  • Pagtanggal ng obligation

  • Pag-archive ng lumang thesis

  • Pag-freeze ng emotional attachment

Nananatili ang visibility sa dashboard—
pero wala na ang pressure.

At ito ang dahilan kung bakit gumagana ang sistema.


3️⃣ The Daily Chart Shift: Volatility, Not Recovery

Fast forward to late December.

Sa daily chart, ibang kwento ang lumitaw:

  • Big downside move → liquidity flush

  • Malakas na bounce candle

  • Volume spike

  • Short-term moving averages reclaimed

Ito ay hindi recovery.
Ito ay volatility event.

At dito mahalaga ang distinction:

Same stock.
Different timeframe.
Different rulebook.

Annotated daily candlestick chart of FNI stock showing SUNSET decision point and reactivation to Level 1 after a sharp volatility move in December 2025.

FNI daily chart as of December 26, 2025, showing the original SUNSET decision and later reactivation to Level 1, highlighting a volatility-based Micro Harvesting opportunity. 


4️⃣ Fresh Thesis, Fresh Role

Hindi natin in-activate muli ang FNI dahil:

  • “Bumaba na masyado”

  • “Sayang, baka bumawi”

  • “Dating presyo ko ‘to”

Iyon ay labag sa governance.

Ang ginawa natin:

FNI was reactivated as a Level 1 volatility probe under Micro Harvesting.

Ibig sabihin:

  • Maliit na capital

  • Walang anchor rebuilding

  • Walang long-term expectation

  • Harvest-or-ignore mindset

Ito ay pumasa sa Fresh Thesis Requirement ng SUNSET Reactivation Protocol.


5️⃣ The Harvest: Execution Without Attachment

Pagkatapos noon, ginawa lang ng sistema ang trabaho nito.

  • Pumasok ang volatility

  • Gumalaw ang presyo

  • May liquidity

At tayo ay nag-harvest.

Hindi dahil “bumuti” ang FNI.
Hindi dahil mali ang pag-SUNSET dati.

Kundi dahil pinayagan tayo ng rules na makilahok—pansamantala.


6️⃣ Ano ang Pinatunayan ng Case Study na Ito

Ang nangyari sa FNI ay nagpapatunay ng tatlong mahalagang bagay:

  • Tama ang pag-SUNSET kung mali ang role

  • Tama rin ang reactivation kung bagong role ang gamit

  • Ang kita ay produkto ng disiplina, hindi ng prediction

Ito ang hindi kayang gawin ng karamihan:

  • Umalis nang walang galit

  • Bumalik nang walang attachment


7️⃣ Hatol ng Micro Harvester

Ito ang linya na gusto kong iwan:

SUNSET removes obligation.
Micro Harvesting restores optionality.

Kung hindi na-SUNSET ang FNI noon,
malamang may emotional baggage pa rin ito ngayon.

Dahil na-SUNSET ito:

  • Walang guilt

  • Walang pilit

  • Walang regret

At dahil may Micro Harvesting:

  • May pagkakataon pa ring kumita

  • Pero walang obligasyong manatili

Iyan ang tahimik na lakas ng sistema.


🔗 Quick Links

Micro Stock Trader Global Index · Micro Harvesting Master Index


📌 Shariah Compliance Advisory (Updated Nov 26, 2025)

The PSE has confirmed that its Shariah screening program is currently paused, with no new lists to be released until their internal review is completed. Although news outlets reported quarterly updates up to mid-2025, these later lists are no longer accessible on the PSE website.

For now, the PSE’s Shariah-Compliant Securities page and all past lists have been removed from the public website. The December 24, 2024 list is the last official version in Micro Stock Trader’s possession, downloaded before the page was taken down, although other investors may still hold later copies such as the reported July 4, 2025 release.

All halal-focused strategies under Micro Stock Trader will use a conservative, self-screened approach until official guidance resumes, in shā’ Allāh.


Disclaimer

This post is for educational and documentation purposes only. It is not investment advice. Perform your own due diligence and consult qualified financial professionals before making investment decisions. All strategies, frameworks, and examples described here reflect the personal methodologies of Micro Stock Trader and are not guarantees of future performance.


Illustration of a calm, disciplined trader reviewing charts and layered ladders, symbolizing the transformation of the Board Lot Warrior ecosystem in 2025.
Micro Stock Trader Blog
Board Lot Warrior
Ang Inyong Batangueñong Retail Stock Trader

Home | About UsContact Us | Privacy Policy | Terms of Use | Disclaimer

GAWLOO: Ang Lugawang May Sarap ng Southeast Asia — Gawa ng Batangueñong Galing Abroad

Kung taga-Rosario, Batangas ka at nag-crave ka ng lugaw na may level-up na twist—eto na ang sagot sa panalangin ng sikmura mo: GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience.

Kung taga-Rosario, Batangas ka at nag-crave ka ng lugaw na may level-up na twist—eto na ang sagot sa panalangin ng sikmura mo: GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience.

GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience facade

📍 Matatagpuan sa V. Escaño St., Brgy. C, Rosario Batangas, si GAWLOO ay hindi lang basta kainan — isa siyang kwento ng pangarap, passion, at panlasang umikot sa Asia.


GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience Dine-In

Ang may-ari, si Jay Ubana, ay isang Batangueñong cook na nagtrabaho sa Singapore at Dubai ng 12 taon. Sa dami ng napuntahan niyang bansa—Hong Kong, Taiwan, Singapore—natutunan niyang i-appreciate ang iba't ibang bersyon ng congee. “Paborito talaga ng mga Pinoy ang lugaw,” wika ni Jay, “Kahit anong oras, kahit anong pakiramdam—masarap maglugaw.”

⭐ Lasa't Alaala sa Bawat Higop

Hindi lang basta lugaw, kundi southeast Asian-inspired congee na may toppings na mala-ulam sa sarap:

Kung taga-Rosario, Batangas ka at nag-crave ka ng lugaw na may level-up na twist—eto na ang sagot sa panalangin ng sikmura mo: GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience.

GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience facade

🍲 Seafood Gawloo at Lechon Gawloo — ang kanilang best-sellers na puwedeng pang-breakfast o pang-dinner.

🍛 Mix & Match Toppings: Tuwalya, Chicharon Bulaklak, Atay, Chicken, Fried Tokwa at iba pa.

🍗 Rice Meals tulad ng Chao Fan with Pork Siomai, Chicharon Bulaklak, o Lechon Kawali — swak sa mga ayaw ng sabaw pero gusto pa rin ng siksik sa lasa.

🧋 Drinks? May Black Gulaman at Lychee para pampawi ng uhaw habang humihigop ka ng mainit-init na lugaw.

💸 Presyo na Kayang-Kaya

Hindi mo kailangang bumyahe pa sa abroad para matikman ang ganitong congee—₱80 lang ang Small Bowl na may 1 Topping, at kung mas gutom ka, may Large Bowl for ₱90. Pwede ka ring magpa-top up ng 2, 3 o 4 na toppings para sa ultimate lugaw overload!

🤳 Para sa mga G na umorder online

Pwede kang magpa-deliver! Text o tawag lang sa 09397785658. Hanapin lang ang GAWLOO sa Facebook para sa menu at updates.


Sa totoo lang, sa bawat higop ng lugaw sa GAWLOO, parang may yumayakap sa’yo—maalala mo si Nanay o si Lola na nagluluto ng lugaw tuwing masama ang pakiramdam mo. Ngayon, kahit wala si Nanay sa tabi mo, may GAWLOO ka sa Rosario.

Supportahan natin ang lokal! Tikman ang lugaw na may kwento. Tikman ang GAWLOO.

Featured Post

Hindi Pa Pala Tapos ang FOMO

Home › Micro Harvesting Series › Mindset & Lived Experience › Hindi Pa Pala Tapos ang FOMO Kahit may sistema na, minsan nauuna pa rin a...