Panimula
Sa bawat review natin gamit ang Hybrid 10-Step Strategy, lagi tayong may total score na lumalabas. Pero paano ba natin gagamitin ang score na ‘yan para mag-desisyon? Buy ba agad? Hintay muna? O baka dapat magbawas na ng hawak?
Dito papasok ang ating bagong Decision Criteria. Para hindi lang siya numbers sa dulo ng analysis, ginawan natin ng malinaw na gabay kung paano kikilos depende sa score. Ang target: consistent na plano, hindi emosyon, ang magdidikta ng aksyon.
Nilalaman
1️⃣ Bakit Mahalaga ang Decision Criteria
2️⃣ Ang Score Ranges at Kanilang Kahulugan
3️⃣ Connection sa Accumulation Plan (Buy vs. Wait)
4️⃣ Connection sa Exit Plan (Sell vs. Hold)
5️⃣ Special Rule Kapag Umabot na sa Target Price
6️⃣ Visual Decision Matrix Guide
7️⃣ Final Reflection
1️⃣ Bakit Mahalaga ang Decision Criteria
Hindi sapat na alam natin kung mataas o mababa ang score. Ang mahalaga ay paano siya nagta-translate sa actual trading decision. Ito ang role ng criteria—isang bridge mula analysis papunta sa action plan.
2️⃣ Ang Score Ranges at Kanilang Kahulugan
-
80–100 points → Strong Buy
Aggressive accumulation. I-activate agad ang mga buy layers, lalo na kung may support confirmation. -
65–79 points → Conditional Buy
Puwedeng mag-base buys, pero dahan-dahan. Hintayin ang dagdag na confirmation bago magdagdag. -
50–64 points → Wait / Watchlist Mode
Iwasan muna ang dagdag na buys. Bantayan ang chart para sa reversal o breakdown clues. -
Below 50 points → Weak / Risk Off
Suspend buying. Magbawas ng hawak at unahin ang preservation ng capital.
3️⃣ Connection sa Accumulation Plan (Buy vs. Wait)
-
80–100 → Proceed sa susunod na layers.
-
65–79 → Buy base layer only, stagger ang susunod.
-
50–64 → Hold muna cash buffer.
-
Below 50 → Suspend accumulation.
4️⃣ Connection sa Exit Plan (Sell vs. Hold)
-
80–100 → Hold; exits lang kapag sobrang taas na o target hit.
-
65–79 → Hold pero maging handa sa staged exits.
-
50–64 → Trim small portions kapag may weakness.
-
Below 50 → Execute staged exit or full sell.
5️⃣ Special Rule Kapag Umabot na sa Target Price
📌 Target price = Automatic Sell Trigger.
Hindi na mahalaga ang score sa puntong ito—discipline na ang masusunod.
Pero may nuance:
-
80–100: Partial trim lang, hold balance for breakout.
-
65–79: Trim heavier, at least 50%.
-
50–64: Exit majority.
-
Below 50: Defensive exit, preserve capital, but retain a 20% core as strategy allowance.
6️⃣ Visual Decision Matrix Guide
7️⃣ Final Reflection
Sa trading, maraming emosyon at tukso. Kaya mahalaga ang decision criteria—ito ang compass na nagpapaalala kung kailan bibili, hihinto, o magbebenta. Kahit simple, dala nito ang disiplina at konsistensya.
Sa dulo, ang tunay na laban ay hindi lang sa market kundi sa sarili. Ang criteria na ito ay gabay para manatiling matatag at mapagpasensya, habang umaasa ng halal at makatarungang kita sa tamang panahon.
Disclaimer: This post is for informational purposes only and should not be considered financial advice. Always do your own research before making any trading decisions.
Paalala lang: Ang post na ito ay para sa informational purposes only at hindi dapat ituring na financial advice. Laging siguraduhing gumawa ng sarili mong research bago pumasok sa kahit anong trade o investment
👉 Kung handa ka nang i-level up ang iyong journey, Open your DragonFi account via Micro Stock Trader referral. Click here to join DragonFi.
DragonFi Lite: Investing Made for Everyone
Kung naghahanap ka naman ng mas magaang entry point sa stock market, bagay na bagay sa’yo ang DragonFi Lite — available na mismo sa MAYA app.
✅ Zero cash-in at cash-out fees – Sulit bawat piso, walang dagdag singil.
✅ No initial deposit – Pwede ka magsimula kahit maliit ang puhunan.
✅ All-in-one investing app – Lahat nasa iisang app na: savings, bills, at ngayon pati stocks.
Para sa isang Batangueñong Board Lot Warrior, swak ito kung gusto mo munang sumubok ng maliit na galaw bago mag-full throttle sa stock market. Para kang bumibili muna ng tingi sa palengke bago ka magpakilo-kilo.
👉 Kung wala ka pang MAYA account, pwede kang sumali gamit ang aming referral link para makuha ang perks. Pagkatapos, open mo lang ang DragonFi Lite sa:
MAYA > Grow My Money > Stocks > DragonFi
Ito ang tunay na kahulugan ng “Investing made for everyone.”
Isang tanong ang pumasok sa isip ko habang nakatingin sa chart—“Anong gagawin ko kung may mag-abot sa akin ng isang milyong piso, cash, at walang hinihinging kapalit?”
Walang kondisyon. Walang tanong. Walang habol.
Isang milyong pisong biglaang dumating.
Hindi galing sa sugal. Hindi hiram.
Malinis. Legal. Bigay.
Rizq—kung tutuusin.
Pero ang tanong ay hindi lang “anong bibilhin ko?”
O “saan ko i-invest?”
Kundi—“Kaya ko bang panindigan ang 10-Step Strategy ko, kung ganito kalaki ang hawak ko?”
Capital Allocation: ₱400,000
Objective: This portfolio seeks long-term growth from fundamentally strong, ethically aligned, and ideally Shariah-compliant businesses.
Hindi lang basta technical setup ang basehan—pinag-isipan din kung saan nanggagaling ang kita, at kung ito ba ay halal ang pinagmulan.
Objective: To generate passive income from a selection of halal-screened REITs and dividend-paying companies that pass ethical and Shariah filters.
Ito ang bahagi ng portfolio na tumatanggap ng biyaya habang natutulog ka, pero hindi mula sa haram.
Objective: To capture capital appreciation from undervalued or temporarily beaten-down companies showing signs of recovery—without crossing the ethical line.
Not every good trade is clean, and not every clean trade is good. Kaya dito sinusubok ang balance ng puso at diskarte.
Objective: To execute short- to mid-term tactical trades using ₱10,000 per board lot based on the Hybrid 10-Step Strategy, with real money and real-time conviction—under the mindset of a Board Lot Warrior.
Hindi ito simulation. Hindi ito paper trade. Ito ang totoong laban, gamit ang disiplina at dasal.
Objective: To maintain spiritual discipline and financial humility by leaving room—intentionally—for:
- 📉 Market patience
- 🤲 Giving opportunities
- ⚠️ Emergency trades
- 🛑 Delayed entry signals
- 💔 Life’s unplanned tests
This fund is not for stock picks.
This is for the moments when you choose not to act, because the best decision is sometimes to wait, or give.






















