Sa normal na market conditions, mukhang controlled ang daily price risk ni MER. Pero nang dumating ang sudden repricing, nakita natin ang malinaw na limitasyon ng historical models—and kung bakit mahalaga ang staged deployment kahit sa isang low-volatility stock.
Originally published: July 31, 2026 · Last updated: July 31, 2026
Links to related posts
- MER Stock Study, Post 1: MER Series Introduction
- MER Stock Study, Post 2: MER Fundamental Analysis
- MER Stock Study, Post 3: MER Technical Analysis
- MER Stock Study, Post 4: MER Valuation
- MER Stock Study, Post 5: MER Risk Management
- MER Stock Study, Post 6: MER Capital Allocation
Ang Punto ng Usapan
Ang MER ay kabilang sa Low Volatility Stocks group ng dating Micro Harvesting 1.0 portfolio.
Sa MH 2.0, pinag-aaralan natin kung maaari itong magkaroon ng mas malinaw na role bilang Low Volatility Dividend Harvester—isang stock na pangunahing inaasahang magbigay ng dividend income habang nagpapakita ng mas controlled na ordinaryong price movement.
Pero hindi sapat na tawagin lamang itong low volatility.
Kailangan nating malaman kung gaano kalaki ang normal daily risk nito, gaano kalalim ang historical drawdown, at ano ang maaaring mangyari kapag dumating ang isang event na wala sa ordinaryong price history.
Para maging malinis ang reconstruction, gumamit tayo ng:
261 daily closing prices mula July 2, 2025 hanggang July 24, 2026
Mula rito ay nakakuha tayo ng 260 daily returns.
Walang post-July 24 price na isinama sa estimation sample. Ibig sabihin, lahat ng original risk calculations ay nakabatay lamang sa impormasyong available bago nangyari ang gap down.
Ang Dating Paniniwala
Kapag sinabing low-volatility stock, madaling isipin na limitado rin ang downside.
May basehan naman iyon sa ordinaryong behavior ng MER.
Sa loob ng 261-day sample, karamihan ng daily price movements ay relatively modest. Hindi ito karaniwang gumagalaw na parang speculative small-cap stock.
Kaya maaaring mabuo ang dating paniniwala:
Stable ang negosyo, maliit ang normal daily volatility, kaya manageable rin ang overall risk.
Pero may kulang sa ganitong pananaw.
Ang ordinaryong volatility ay mahusay sa pagsukat ng madalas mangyari.
Hindi nito awtomatikong nasusukat ang mga biglaang pangyayari na hindi pa lumilitaw sa historical sample—gaya ng major regulatory announcement, political intervention, legal development, o ibang information shock.
Kaya hindi sapat na itanong lamang:
Magkano ang normal one-day risk?
Kailangan din nating itanong:
Ano ang mangyayari kapag hindi normal ang araw?
Ang Binagong Pananaw
Ang tamang risk reading para kay MER ay kailangang may tatlong magkahiwalay na bahagi.
Ordinary Daily Risk
Ito ang karaniwang fluctuation ng stock na sinusukat ng standard deviation at Value at Risk.
Historical Drawdown Risk
Ito ang cumulative decline mula sa prior peak hanggang sa pinakamababang point sa sample.
Event or Jump Risk
Ito ang abrupt repricing dahil sa bagong impormasyon na hindi pa makikita sa dating price behavior.
Ang unang dalawa ay kayang sukatin mula sa historical series.
Ang pangatlo ay hindi madaling hulihin ng ordinaryong model kapag wala pang comparable shock sa sample.
Kaya ang mas precise na classification para kay MER ay:
Low-volatility under normal market conditions, but still exposed to meaningful regulatory-event risk.
Paano Ito Umaandar
The 261-Day Risk Sample
Ang dataset ay nagsimula sa closing price na ₱535 noong July 2, 2025 at nagtapos sa ₱600 noong July 24, 2026.
Sa loob ng period, nakita natin ang parehong tahimik at mas volatile na phases.
Umabot ang price sa peak na ₱662 noong April 29, 2026, pagkatapos ay bumaba hanggang ₱556 noong June 5, 2026, bago muling umakyat sa ₱600 sa information cut-off.
Mahalagang makita ito dahil kahit low-volatility stock ang label, hindi ibig sabihin na wala itong extended drawdown.
Daily Volatility
Batay sa 260 daily returns, ang estimated daily volatility ni MER ay humigit-kumulang:
1.54%
Kapag annualized, ito ay nasa paligid ng:
24.37%
Para sa isang stock na inilalagay natin sa low-volatility group, hindi ibig sabihin nito na napakaliit ng risk. Ang classification ay relative sa ibang stocks sa portfolio, hindi absolute guarantee ng stability.
Maaari pa ring magkaroon ng meaningful fluctuation ang MER, lalo na kapag nagbabago ang market perception sa regulation, earnings, dividends, o capital allocation.
One-Day 99% Delta-Normal VaR
Gamit ang daily return volatility at normal-distribution assumption, ang estimated one-day 99% Delta-Normal VaR ay:
3.52% ng position value
Sa July 24 market price na ₱600 at 10 shares, ang gross market exposure ay:
₱6,000
Ang equivalent one-day 99% VaR ay humigit-kumulang:
₱211
Ang ibig sabihin nito:
Sa ilalim ng normal market assumptions, tinatayang may 1% chance na ang one-day loss ay lalampas sa humigit-kumulang ₱211.
Pero mahalagang malinaw:
Hindi maximum possible loss ang VaR.
Isa lamang itong threshold estimate batay sa historical volatility at distribution assumption.
One-Day 99% Historical VaR
Gumamit din tayo ng Historical VaR, na nakabatay sa actual return observations sa sample sa halip na normal-distribution assumption.
Ang estimated one-day 99% Historical VaR ay:
3.83%
Para sa ₱6,000 market exposure:
Approximately ₱230
Bahagyang mas mataas ito kaysa Delta-Normal VaR, dahil mas direktang kinukuha nito ang behavior ng actual downside observations.
Pero may limitasyon din ito.
Kapag walang extreme regulatory gap sa historical sample, hindi rin kayang mag-produce ng model ng risk estimate na katumbas ng isang event na hindi pa nangyayari.
Expected Shortfall
Ang Expected Shortfall ay tumitingin sa average loss kapag nalampasan na ang VaR threshold.
Ang estimated 99% Expected Shortfall ay:
4.66%
Para sa ₱6,000 position:
Approximately ₱280
Mas informative ito kaysa VaR dahil hindi lamang nito tinatanong kung saan nagsisimula ang worst tail. Tinitingnan din nito kung gaano kalaki ang average loss sa pinakamasamang observations.
Pero tulad ng VaR, nakatali pa rin ito sa risk behavior na nakita sa historical sample.
Worst Historical One-Day Decline
Ang pinakamalaking one-day decline sa 261-day pre-event sample ay mula:
- ₱618 noong November 24, 2025
- patungong ₱588 noong November 25, 2025
Ang decline ay humigit-kumulang:
4.85%
Para sa ₱6,000 position, ang equivalent loss ay:
Approximately ₱291
Ito ang historical extreme na nakita ng model bago ang July event.
Kaya natural lamang na ang VaR at Expected Shortfall estimates ay nasa paligid ng 3.5% hanggang 4.7%.
Ang problema ay hindi maling computation.
Ang problema ay hindi pa kasama sa sample ang isang tunay na jump event.
Maximum Drawdown
Ang pinakamalaking peak-to-trough decline sa pre-event sample ay mula:
- ₱662 noong April 29, 2026
- patungong ₱556 noong June 5, 2026
Ang maximum drawdown ay:
Approximately 16.01%
Ito ang isa sa pinakamahalagang findings ng risk study.
Kahit bago ang gap down, ipinakita na ng historical series na kayang bumaba ng MER nang higit sa 16% mula sa recent peak.
Pero ang drawdown na ito ay gradual.
Nangyari ito sa loob ng ilang linggo, hindi sa loob ng isang trading session.
May pagkakataon ang technical indicators, valuation process at operator na makita ang deterioration habang unti-unting bumababa ang presyo.
Iba ang event risk.
Kapag abrupt ang repricing, maaaring mawala agad ang dating support structure bago pa makapag-adjust ang ordinaryong indicators.
What the Pre-Event Model Could Tell Us
Batay sa July 24 cut-off, kaya ng risk model na sabihin na:
- ordinary daily volatility was manageable;
- a 3.5% to 3.8% one-day loss was a meaningful tail event;
- a one-day decline near 5% had already happened;
- at isang 16% cumulative drawdown was historically possible.
Hindi nito kayang sabihin kung anong exact catalyst ang darating.
Hindi rin nito kayang sabihin na may darating na double-digit gap.
Pero may naibigay itong importanteng warning:
Kahit low-volatility stock ang MER, kaya pa rin nitong mawalan ng malaking value over time.
Ang kulang ay isang separate event-risk layer.
The Missing Layer: Stress Testing
Hindi dapat alisin ang VaR dahil lamang hindi nito kayang hulihin ang lahat ng shocks.
Useful pa rin ang VaR para sa ordinary daily risk.
Pero para sa isang regulated utility, dapat itong samahan ng explicit stress scenarios.
Isang practical MER stress ladder ay maaaring ganito:
Normal Stress: 5%
Ito ay malapit sa worst historical one-day decline.
Sa 10-share position valued at ₱6,000:
Possible loss: ₱300
Moderate Event Stress: 10%
Ito ay para sa sudden regulatory, political, o sentiment-driven repricing.
Sa ₱6,000 position:
Possible loss: ₱600
Severe Event Stress: 15%
Ito ay para sa major uncertainty sa future earnings, refunds, allowed recoveries, o regulatory treatment.
Sa ₱6,000 position:
Possible loss: ₱900
Extreme Event Stress: 20%
Ito ay para sa full valuation reset or major market derating.
Sa ₱6,000 position:
Possible loss: ₱1,200
Ang stress ladder ay hindi prediction.
Hindi nito sinasabi kung alin ang mangyayari.
Ang purpose nito ay malaman kung kayang tanggapin ng portfolio ang damage kapag naganap ang isang severe scenario.
Impact of Position Size
As of the July 24 information cut-off, ang MH position ay:
- Capital Allocation: ₱100,000
- Capital Deployed: ₱5,963.86
- Position: 10 shares
- Average Price Net: ₱596.386
- Deployment: approximately 6%
Mahalagang distinction ito.
Ang ₱100,000 ay approved capital allocation.
Hindi iyon nangangahulugang ₱100,000 na agad ang actual exposure.
Dahil 10 shares lamang ang hawak, nananatiling maliit ang portfolio damage kahit maliitin ng model ang isang future shock.
Kung buong ₱100,000 ang deployed, ang same stress scenarios ay magiging:
- 5% decline: ₱5,000 loss
- 10% decline: ₱10,000 loss
- 15% decline: ₱15,000 loss
- 20% decline: ₱20,000 loss
Dito makikita kung bakit ang position sizing ay hindi simpleng execution detail.
Ito ang huling depensa kapag kulang ang forecast.
Why the Small Probe Was Reasonable
Hindi pa kumpleto ang stock study noong July 24.
May bullish TMA Gate Score na 7, pero nasa loob pa rin ng EMA-200 ribbon ang presyo. Ang valuation estimate ay nasa paligid ng market price, kaya wala ring malinaw na margin of safety.
Kasabay nito, ang fundamental study ay nagpakita ng:
- regulatory sensitivity;
- large capital requirements;
- rising debt;
- at growing exposure sa generation projects.
Kaya reasonable ang actual decision na:
No action. Maintain the 10-share visibility position.
Hindi ito dahil nahulaan natin ang future event.
Tama ito dahil hindi pa kumpleto ang justification para sa larger deployment.
Iyan ang mas mahalagang governance lesson.
Could We Have Anticipated the Magnitude?
Through Delta-Normal VaR?
Hindi.
Ang model ay nakabase sa ordinaryong volatility at normal-distribution assumption.
Through Historical VaR?
Hindi rin nang eksakto.
Walang comparable double-digit one-day decline sa 261-day sample.
Through Maximum Drawdown?
Partly.
Ang 16.01% maximum drawdown ay nagpakitang may capacity ang MER for substantial downside. Pero hindi nito sinabi na puwedeng mangyari nang napakabilis.
Through Fundamental Analysis?
Conceptually, yes.
Nakita na natin na ang MER distribution business ay exposed sa regulatory decisions, allowed rates, refunds, recoveries at political attention.
Hindi nito hinulaan ang exact event, pero sapat iyon para sabihing kailangan ang regulatory stress scenario.
Through Valuation Sensitivity?
Mas malinaw ang sagot dito.
Sa valuation study, nakita natin na kapag nag-contract ang multiple o tumaas ang required dividend yield, maaaring bumaba ang reasonable value mula around ₱600 papunta sa low-₱500s o high-₱400s.
Hindi nito hinulaan ang timing.
Pero ipinakita nito ang possible magnitude ng derating.
Proposed MH 2.0 Risk Treatment for MER
Batay sa reconstruction, hindi kailangang alisin ang MER sa Low Volatility Dividend Harvester candidate list.
Pero kailangang mas precise ang risk treatment.
Historical VaR
Gamitin para sa ordinary daily risk.
Expected Shortfall
Gamitin para makita ang severity ng normal historical tail.
Maximum Drawdown
Gamitin para sa cumulative downside capacity.
Regulatory Event Stress Ladder
Gamitin para sa 5%, 10%, 15% at 20% abrupt repricing scenarios.
Staged Deployment
Panatilihin upang hindi maging full-position problem ang isang unexpected event.
Capital Allocation Cap
Ibase hindi lamang sa dividend yield at historical volatility, kundi pati sa regulatory exposure, debt, capital intensity at project execution risk.
Preliminary Risk Conclusion
Batay sa 261 daily closing prices ending July 24, 2026:
Daily volatility: approximately 1.54%
Annualized volatility: approximately 24.37%
One-day 99% Delta-Normal VaR: 3.52%
One-day 99% Historical VaR: 3.83%
99% Expected Shortfall: 4.66%
Worst historical daily decline: 4.85%
Maximum drawdown: 16.01%
Ang tamang conclusion ay:
MER showed relatively controlled ordinary daily volatility, but its historical drawdown and regulatory exposure justified additional event stress testing and staged deployment.
Hindi sapat ang VaR bilang stand-alone risk measure.
Pero hindi rin ito dapat itapon.
Ang tamang upgrade ay ilagay ito sa loob ng mas malawak na framework.
Pangwakas na Kaisipan
Bago nangyari ang gap down, walang ordinaryong historical model na malinaw na magsasabing may paparating na extraordinary repricing.
Ang VaR ay nasa paligid ng 3.5% hanggang 3.8%.
Ang worst historical one-day loss ay 4.85%.
Pero ang maximum drawdown ay 16.01%, malinaw na paalala na kahit tahimik ang daily movement, puwedeng maging malaki ang cumulative downside.
Dito natin mas nauunawaan ang tunay na gamit ng risk management.
Hindi ito paraan para hulaan ang bawat shock.
Hindi rin nito kayang gawing harmless ang isang stock.
Ang ginagawa nito ay tulungan tayong pumili ng position size na kayang mabuhay kahit mali ang ating estimate.
Sa MER, ang 10-share probe ay hindi nagtanggal ng risk.
Pero pinanatili nitong manageable ang consequence.
Aba’y minsan, hindi natin kailangang malaman kung kailan darating ang bagyo.
Ang kailangan natin ay huwag munang itayo ang buong bahay sa tabing-ilog.
We do not need to predict every shock. We need a position that can survive being surprised.
Sa susunod na post, pagsasamahin natin ang fundamental, technical, valuation at risk findings upang tukuyin kung may permanenteng lugar ba ang MER sa Low Volatility Dividend Harvester bucket—and kung gaano kalaking capital lamang ang dapat nitong hawakan.
The PSE has confirmed that its Shariah screening program is currently paused, with no new lists to be released until their internal review is completed. Although news outlets reported quarterly updates up to mid-2025, these later lists are no longer accessible on the PSE website.
For now, the PSE’s Shariah-Compliant Securities page and all past lists have been removed from the public website. The December 24, 2024 list is the last official version in Micro Stock Trader’s possession, downloaded before the page was taken down, although other investors may still hold later copies such as the reported July 4, 2025 release.
All halal-focused strategies under Micro Stock Trader will use a conservative, self-screened approach until official guidance resumes, in shā’ Allāh.
This post is for educational and documentation purposes only. It is not investment advice. Perform your own due diligence and consult qualified financial professionals before making investment decisions. All strategies, frameworks, and examples described here reflect the personal methodologies of Micro Stock Trader and are not guarantees of future performance.
Home | About Us | Contact Us | Privacy Policy | Terms of Use | Disclaimer





