Mula order entry at matching hanggang board lots, thresholds at circuit breakers, mas nakita namin ang machinery sa likod ng bawat PSE trade.
Originally published: August 15, 2026 · Last updated: August 15, 2026
Links to related posts
- Part 1: Arrival at the PSE Tower
- Part 2: PSE Museum Tour and PSE Events Hall Visit
- Part 3: Chinabank Securities Visit
- Part 4: Industry Briefing on PSE Stock Trading Operations
- Part 5: Seminar on SCCP Clearing and Settlement Operations
Matapos ang morning visits sa PSE Museum, PSE Events Hall, at Chinabank Securities, bumalik kami sa 8th Floor Training Room ng PSE Tower para sa afternoon seminar portion ng 17th PSE-Ateneo CSSC Industry Briefing.
Ang unang seminar, mula 1:30 PM hanggang 3:00 PM, ay tungkol sa PSE Stock Trading Operations.
Ito marahil ang bahagi ng activity na pinakamalapit sa araw-araw na experience natin bilang trader.
Pero may malaking pagkakaiba.
Sa brokerage screen, ang nakikita natin ay simple lamang:
Buy. Sell. Price. Quantity. Order Status.
Sa seminar, nakita namin kung ano ang nasa likod ng mga button na iyon.
Hindi Basta Buy at Sell ang Nangyayari
Ang presentation ng Philippine Stock Exchange ay umikot sa apat na pangunahing bahagi:
Trading Hours, Trading Mechanism, Order and Trade Management, at Securities and Market Management.
Sa unang tingin, parang operational details lamang ang mga ito.
Pero habang tumatagal ang discussion, mas naging malinaw na ang stock market ay hindi simpleng lugar kung saan nagtatagpo ang gustong bumili at gustong magbenta.
Isa itong rules-based system.
May oras kung kailan maaaring mag-enter ng order.
May oras kung kailan puwedeng mag-modify o mag-cancel.
May rules kung aling order ang mauuna.
May minimum board lots at allowable price increments.
May controls laban sa abnormal price movements.
May classifications para sa iba't ibang account at transaction.
At bago maging isang trade ang isang order, kailangan muna itong dumaan sa trading engine at ma-match ayon sa mga patakaran ng Exchange.
Ang Trading Day ay May Iba't Ibang Yugto
Bilang retail trader, madalas iniisip lang natin ang market bilang open o closed.
Pero mas maraming phases ang trading day kaysa roon.
May Pre-Open, kung saan maaaring magpasok, mag-modify at mag-cancel ng orders pero wala pang matching.
May Pre-Open No Cancel, kung saan maaari pang mag-enter ng order pero hindi na ito maaaring i-cancel o baguhin.
Pagdating ng Continuous Trading, doon na tuloy-tuloy na mina-match ng system ang orders.
May market recess sa tanghali bago bumalik sa afternoon continuous trading.
At bago tuluyang magsara ang market, mayroon pang Pre-Close, Pre-Close No Cancel, Trading-at-Last, at Closing VWAP Session bago ang final market close.
Para kay Micro Stock Trader, magandang reminder ito na hindi pare-pareho ang behavior ng market sa bawat minuto ng trading day.
May mga panahon kung kailan price discovery ang nangyayari.
May panahon kung kailan may orders pero wala pang matching.
At may mga sandali kung kailan locked na ang ilang actions tulad ng cancellation.
Kaya mahalaga hindi lang ang tanong na:
Anong presyo tayo bibili o magbebenta?
Mahalaga rin ang:
Kailan natin ipapasok ang order?
Order Muna Bago Trade
Isa sa simpleng distinctions sa seminar na madaling ma-overlook ay ang pagkakaiba ng order at trade.
Ang order ay instruction lamang na ipinasok sa Trading Engine.
Hindi pa iyon transaction.
Nagiging trade lamang kapag may nag-match na valid buy at sell orders at nabuo ang isang binding transaction sa system.
Simple ang distinction, pero mahalaga ito sa actual trading.
Kapag naglagay tayo ng limit buy at hindi ito na-hit, wala pa tayong trade.
Kapag partial lamang ang na-execute, bahagi lamang ng order ang naging transaction.
At kapag naglagay tayo ng isang order sa maling price o quantity, ang epekto nito ay depende kung pending pa ba ito o na-execute na.
Para sa isang trading system tulad ng Micro Harvesting, malaking bagay ang distinction na iyon.
Ang intention ay hindi pa execution.
At ang order ay hindi pa trade.
Bakit May Nauuna sa Order Book?
Isa rin sa pinakamahalagang bahagi ng discussion ang order prioritization.
Hindi random ang pila sa order book.
Sa basic sense, mas magandang presyo ang nauuna, at kapag pareho ang presyo, mahalaga rin kung alin ang nauna sa queue.
Sa buy side, mas mataas na bid ang mas competitive.
Sa sell side, mas mababang offer ang mas competitive.
At kapag pareho ang presyo, pumapasok ang time priority.
Tinalakay rin ang Price-Broker-Time Matching, na nagpapakita na may malinaw na rules kung paano pinipili ng trading engine kung aling orders ang unang mae-execute.
Dito mas madaling maintindihan ang isang common retail-trader experience:
“Nasa parehong presyo naman ang order ko. Bakit hindi ako na-fill?”
Hindi sapat na tama ang presyo.
May queue rin.
Board Lots: Isang Rule na Lagi Nating Ginagamit
Isa sa pinakapamilyar na topics sa Micro Stock Trader ay ang board lot.
Halos araw-araw natin itong ginagamit sa portfolio planning.
At sa briefing, nakita namin ito bilang bahagi ng formal trading rules ng Exchange.
Nagbabago ang minimum board lot at tick size depende sa price range ng security.
Halimbawa, sa ilang price ranges ay 100 shares ang normal board lot; sa mas mataas na presyo maaari itong maging 10 o 5 shares. Ang price increment o tick size ay nagbabago rin habang tumataas ang stock price.
Simple itong rule, pero napakalaki ng practical effect nito.
Hindi lahat ng quantity ay puwedeng ipasok sa normal board.
Hindi rin lahat ng presyo ay valid.
Kaya kapag gumagawa tayo ng capital allocation o layer sizing, hindi puwedeng puro theoretical pesos lamang.
Kailangang maging executable ang plano ayon sa actual board lot at tick-size rules ng stock.
One Lot One Share: Mukhang Papalapit na ang Pagbabago
May isang development sa board-lot structure na matagal na nating binabantayan sa Micro Stock Trader:
ang tinatawag na One Lot One Share.
Una natin itong tinalakay noong July 11, 2025 sa post na Pera Mo, Pwede Na Sa PSE? – Board Lot Reforms at CMEPA Law Para sa Micro Stock Trader, kung saan pinag-usapan natin kung paano maaaring makatulong ang pagbabago sa board-lot rules para maging mas accessible ang Philippine stock market sa mas maliliit na investors.
Sa CSSC, dalawang beses na kaming nagkaroon ng pagkakataong direktang magtanong tungkol dito.
Una, noong Module 14: Recent Developments in the Capital Markets, tinanong namin si PSE Corporate Planning and Research Department Head Mica Ella N. Cu tungkol sa implementation ng One Lot One Share structure.
Ang sagot niya: target itong ma-implement sa fourth quarter ng 2026.
Pagdating naman sa PSE Stock Trading Operations Industry Briefing, muli naming itinanong ang parehong issue sa resource person.
Pareho ang general direction ng sagot:
fourth quarter of 2026.
Pero may mahalagang dagdag:
hintayin pa ang further updates tungkol sa implementing guidelines.
Ibig sabihin, habang wala pang final guidelines na inilalabas, hindi pa natin dapat ituring na operational rule ang One Lot One Share.
Pero dalawang magkahiwalay na PSE discussions na ang nagbigay ng parehong target period.
Kaya mas concrete na ngayon ang posibilidad na mangyari talaga ang One Lot One Share within 2026.
Bakit Mahalaga Ito sa Micro Stock Trader?
Sa kasalukuyang board-lot system, nag-iiba ang minimum tradable quantity depende sa presyo ng stock.
Kaya may mga stocks na kahit gusto lamang subukan ng isang maliit na investor, kailangan pa rin niyang bumili ng maraming shares dahil sa prescribed board lot.
Kung maipatupad ang One Lot One Share, magiging mas simple ang basic unit:
isang share, isang lot.
Malaki ang potential implication nito para sa small-capital investors.
Mas magiging granular ang position sizing.
Mas madaling gumawa ng staged accumulation.
Mas magiging flexible ang capital allocation.
At sa ilang high-priced stocks, mas mabababa nang malaki ang minimum cash requirement para makapag-build ng position.
Para sa Micro Harvesting 2.0, particularly interesting ito dahil marami sa ating rules tungkol sa layer sizing, capital blocks, allocation at execution ay kailangang i-convert ngayon mula peso targets tungo sa executable board lots.
Kung maging one-share ang minimum unit, mas magiging precise ang implementation ng maraming allocation decisions.
Pero hindi rin ibig sabihin na awtomatikong magiging mas magandang investment ang isang stock dahil mas madali na itong bilhin.
Accessibility is not valuation.
Smaller minimum order size is not a buy signal.
At mas granular na execution does not remove risk.
Ang magandang epekto ng reform, kung matutuloy, ay mas maraming execution choices—hindi mas kaunting pangangailangan para sa discipline.
Mula 2025 Speculation Tungo sa 2026 Implementation Watch
Noong isinulat natin ang tungkol sa board-lot reform noong July 2025, ang topic ay higit na tungkol sa kung ano ang maaaring mangyari at kung paano ito maaaring makaapekto sa micro investors.
Ngayon, ibang stage na ang usapan.
Dalawang beses na nating narinig mula sa PSE side ang Q4 2026 bilang target implementation period.
Kaya ang One Lot One Share ay hindi na lamang interesting concept para sa atin.
Isa na itong implementation watch item.
Hihintayin natin ang formal guidelines.
At kapag inilabas na ang final mechanics, saka natin muling titingnan kung ano ang kailangang baguhin sa execution side ng Micro Harvesting 2.0.
May Iba't Ibang Buhay ang Isang Order
Tinalakay rin ang iba't ibang order validity.
May Day order na hanggang trading day lamang.
May Good Till Cancelled.
May Good Till Date.
At mayroon ding Fill and Kill, kung saan ang maaaring ma-execute agad ay tatanggapin at ang natitirang unexecuted portion ay aalisin.
Para sa retail trader, hindi lang ito convenience feature.
Bahagi ito ng execution strategy.
Ang isang order na gusto mong bantayan lamang ngayong araw ay iba sa isang order na gusto mong manatili habang hinihintay ang isang specific price level.
At dito nagiging mahalaga ang pagiging intentional sa order entry.
Kapag Binago ang Order, Maaaring Magbago ang Pila
May rules din sa modification at cancellation.
Hindi lahat ng pagbabago ay neutral sa position ng order sa queue.
May modifications na maaaring makaapekto sa order priority, habang may mga fields na hindi basta maaaring palitan. May mga panahon din sa Pre-Open at Pre-Close kung kailan hindi pinapayagan ang cancellation o modification.
Ito ang isa sa mga operational details na may practical lesson para sa atin:
Huwag gawing casual ang pag-edit ng orders.
Bawat pagbabago ay dapat may dahilan.
At kung may trading plan na bago pa mag-order, mas maliit ang pangangailangan para sa impulsive modification pagkatapos.
Hindi Lahat ng Transaction ay Ordinaryong Buy at Sell
Isa sa mas interesting na bahagi ng seminar ay ang iba't ibang transaction structures sa market.
Tinalakay ang cross transactions, auto-cross transactions, block sales, VWAP trading, at ang done-through transactions na nabanggit natin sa Part 3.
Sa block sales, halimbawa, may special rules para sa malalaking pre-negotiated transactions at kinakailangan ang approval ng Exchange. May minimum transaction values din para sa regular at special block sales.
Dito muling nagkaroon ng context ang sinabi sa amin sa Chinabank Securities tungkol sa transactions na maaaring umabot sa tens of millions of pesos.
Habang lumalaki ang transaction, hindi lang quantity ang nagbabago.
Maaari ring magbago ang execution mechanism.
Done-Through: Nagkaroon ng Pangalan ang Narinig Namin sa Umaga
Sa Chinabank Securities visit, nabanggit ni Ms. Flor B. Prochina na may pagkakataong nag-e-execute sila ng transactions para sa ibang Trading Participants.
Noong hapon, doon namin nakita ang formal term:
Done-Through Transaction.
Sa seminar, ipinaliwanag na maaaring mag-execute ang isang Trading Participant ng transaction sa pamamagitan ng ibang TP, at client orders lamang ang maaaring maging subject nito. May designated accounts at reporting requirements din para sa ganitong transactions.
Ito iyong magandang pagkakataon na nag-connect ang morning experience at afternoon lecture.
Sa umaga, nakita namin ang practical side.
Sa hapon, nakita namin ang rulebook side.
May Guardrails ang Price Movement
Marahil isa sa pinakamahalagang realizations sa seminar ay kung gaano karaming controls ang nakapalibot sa price movement.
May Static Threshold, o trading band, na nagtatakda ng maximum at minimum prices na maaaring maabot ng isang security relative sa reference price.
Sa briefing material, ang upper static threshold ay 50% above the reference price, habang ang lower static threshold ay 30% below the reference price.
Mayroon ding Dynamic Threshold, na tumitingin naman sa allowable movement mula sa last traded price patungo sa susunod na trade. Nag-iiba ang threshold depende sa trading-frequency classification ng security. Kapag na-breach ang dynamic threshold, maaaring pansamantalang mapunta ang security sa Frozen state habang ina-address ng market system ang abnormal movement.
Dito nagiging malinaw na ang market ay hindi basta hinahayaan ang anumang presyo na tumalon kahit saan.
May built-in mechanisms para sa orderly trading.
At Kapag Buong Market ang Problema?
Hindi lamang individual securities ang may protection mechanisms.
Tinalakay rin ang Circuit Breakers para sa mas malalaking pagbaba ng PSEi.
Sa briefing, ang levels ay:
10% decline — 15-minute halt
15% decline — 30-minute halt
20% decline — 60-minute halt
Ang bawat level ay may sariling duration at ginagamit bilang market-wide safeguard kapag sobrang bilis at laki ng pagbaba ng index.
Para sa trader, mahalagang perspective ito.
Kapag extreme na ang market movement, hindi lamang individual risk management ang gumagana.
Mayroon ding market-level risk controls.
Ang Trading Engine Bilang Governance System
Pagkatapos ng seminar, isang bagay ang mas naging malinaw para kay Micro Stock Trader:
ang stock exchange mismo ay isang malaking governance system.
May rules para sa orders.
May rules para sa account classification.
May rules para sa price movement.
May rules para sa queueing.
May rules para sa large transactions.
May rules para sa extraordinary market conditions.
Hindi nito inaalis ang uncertainty ng market.
Hindi nito pinipigilan ang losses.
At hindi nito sinasabing magiging rational ang presyo sa bawat sandali.
Pero ginagawa nitong orderly, traceable at rule-governed ang proseso kung paano nagiging transaction ang buy at sell instructions ng market participants.
At malaking insight iyon para sa paraan natin ng pagtingin sa sariling trading system.
Isang Simpleng Parallel sa Micro Harvesting 2.0
Hindi natin kailangang kopyahin ang complexity ng Exchange sa personal portfolio.
Sa katunayan, kabaligtaran.
Mas gusto natin ang mas kaunting rules, malinaw na rules, at maliit na operator discretion.
Pero pareho ang underlying principle:
hindi sapat ang magandang idea kung walang maayos na execution framework.
Sa PSE, may trading rules bago maging valid transaction ang isang order.
Sa Micro Harvesting 2.0, gusto rin nating may governance bago maging actual portfolio action ang isang signal.
Ang presyo ay trigger lamang.
Ang execution ay dapat dumaan pa rin sa rules.
Mas Marami Palang Nangyayari Pagkatapos Nating Pindutin ang Buy
Bilang retail trader, napakadaling maging ordinaryo ng Buy at Sell buttons.
Isang click.
Confirmation.
Filled.
Tapos.
Pero pagkatapos ng PSE Stock Trading Operations briefing, mas mahirap nang tingnan ito bilang simpleng button press.
Sa likod nito ay may trading account classification, order type, validity, board lot, tick size, priority, matching mechanism, price thresholds, market states at controls na sabay-sabay na gumagana.
Hindi natin kailangang isipin ang lahat ng iyon sa bawat trade.
Iyon nga ang trabaho ng infrastructure.
Pero bilang participant sa market, magandang malaman na naroon sila.
At dito nagtapos ang unang afternoon seminar.
Naipadala na ang order.
Na-match na ang trade.
Pero hindi pa pala tapos ang kuwento.
Dahil pagkatapos ng execution, kailangan pa nitong dumaan sa isa pang mahalagang bahagi ng capital-market machinery:
clearing at settlement.
Sa Part 5: SCCP Clearing and Settlement Operations.
The PSE has confirmed that its Shariah screening program is currently paused, with no new lists to be released until their internal review is completed. Although news outlets reported quarterly updates up to mid-2025, these later lists are no longer accessible on the PSE website.
For now, the PSE’s Shariah-Compliant Securities page and all past lists have been removed from the public website. The December 24, 2024 list is the last official version in Micro Stock Trader’s possession, downloaded before the page was taken down, although other investors may still hold later copies such as the reported July 4, 2025 release.
All halal-focused strategies under Micro Stock Trader will use a conservative, self-screened approach until official guidance resumes, in shā’ Allāh.
This post is for educational and documentation purposes only. It is not investment advice. Perform your own due diligence and consult qualified financial professionals before making investment decisions. All strategies, frameworks, and examples described here reflect the personal methodologies of Micro Stock Trader and are not guarantees of future performance.
Home | About Us | Contact Us | Privacy Policy | Terms of Use | Disclaimer




No comments:
Post a Comment