Sunday, July 26, 2026

ICT Stock Study 4: Getting to Know Its Value Through FCFF

HomeBoard Lot WarriorMicro HarvestingMicro Harvesting 2.0 › MH Application Series › ICT Stock Study › ICT FCFF Valuation

ICT Stock Study 4 showing FCFF valuation workflow, fair value, margin of safety, and buy-below price under Micro Harvesting 2.0.
Sa unang valuation application ng Micro Harvesting 2.0, sinubukan naming tukuyin ang halaga ng ICT gamit ang FCFF Discounted Cash Flow approach.

👉 Explore the full Micro Harvesting 2.0 framework
👉 Start Here | CSSC Learning Series | MH Application Series | MH Operator Journal

Matagal na naming kilala si ICT bilang pangunahing makina ng Micro Harvesting. Pero ngayong may valuation framework na tayong nakuha mula sa CSSC Module 6, panahon nang itanong: magkano nga ba ang maaaring halaga ng negosyong nasa likod ng ticker?

Originally published: July 26, 2026 · Last updated: July 26, 2026

Links to related posts

Nilalaman

Ang Punto ng Usapan

Ito ang ikaapat na bahagi ng aming ICT Stock Study at ang unang application post mula sa mga natutuhan namin sa CSSC Module 6 — Valuation.

Sa mga naunang bahagi ng pag-aaral, tiningnan namin si ICT mula sa iba’t ibang anggulo: bilang negosyo, bilang Core Anchor ng Micro Harvesting, at bilang stock na maaaring suriin gamit ang technical analysis.

Ngayon naman, haharapin natin ang mas tahimik ngunit napakahalagang tanong:

Ano ang maaaring intrinsic value ng ICT batay sa cash na kayang likhain ng negosyo?

Para rito, ginamit namin ang FCFF o Free Cash Flow to the Firm approach sa ilalim ng Discounted Cash Flow o DCF valuation.

Hindi namin ilalathala ang buong spreadsheet, bawat formula, at lahat ng intermediate computations. Ang layunin ng post na ito ay ibahagi ang workflow—kung paano namin inayos ang impormasyon, binuo ang assumptions, at ginawang valuation input ang mga natutuhan mula sa Module 6.

Katulad ito ng ginawa naming Getting to Know You exercise para sa SEVN: kilalanin ang kumpanya nang sapat upang maging mas maayos ang investment decision, pero hindi kailangang ibuhos sa isang post ang lahat ng nakita sa loob ng annual report.

Ang CSSC assignment na pinaghanguan ng ganitong approach ay humihikayat na basahin ang latest annual report, i-update ito gamit ang latest quarterly disclosure, at unahin ang quality over quantity. Kasama rin sa suggested coverage ang business model, financial statements, profitability, financial strength, valuation, at risk factors.

Ang Dating Paniniwala

Bago namin pormal na pinag-aralan ang valuation, mas nangingibabaw sa Micro Harvesting ang price behavior.

Malaking bahagi ng ICT decisions namin ay nakabatay sa:

  • technical structure;
  • refill and harvest zones;
  • TMA Gate Score;
  • average cost;
  • market liquidity;
  • at historical usefulness nito bilang Core Anchor.

May logic iyon. Hindi naman mali ang technical execution, lalo na sa isang active portfolio system.

Pero may kulang na tanong:

Ang presyo bang binabayaran natin ay suportado ng halaga ng negosyo?

Puwedeng maganda ang chart ngunit mahal ang stock.

Puwede ring mahina ang chart habang mas mababa na pala ang presyo kaysa sa conservative estimate ng intrinsic value.

Hindi kayang sagutin ng technical analysis lamang ang tanong na iyon.

Ang Binagong Pananaw

Sa MH 2.0, hindi na sapat na may technical gate lamang. Unti-unti na rin naming binubuo ang fundamental valuation gate.

Ang presyo ay market observation.

Ang valuation ay estimate ng economic worth.

Magkaiba sila, at hindi kailangang magkapareho sa lahat ng oras.

Para kay ICT, pinili namin ang FCFF approach dahil hindi dividend distribution lamang ang bumubuo sa halaga ng kumpanya. Malaki ang reinvestment nito sa terminals, equipment, concessions, acquisitions, at expansion projects.

Ang FCFF ay sumusukat sa cash flow na available sa lahat ng nagbibigay ng kapital sa negosyo—mga shareholders at lenders—pagkatapos pondohan ang operations, taxes, capital expenditures, at working-capital requirements.

Mas angkop ito kay ICT kaysa sa simpleng dividend model dahil ang malaking bahagi ng economic value nito ay nagmumula sa operating cash flows at future growth, hindi lamang sa cash dividends.

Mahalaga ring kilalanin na ang ICT ay hindi isang purely Philippine operating company.

International terminal operator ito na may negosyo sa iba’t ibang jurisdictions. Dahil dito, naaapektuhan ang valuation nito ng magkakaibang:

  • economic conditions;
  • currencies;
  • tax regimes;
  • regulatory environments;
  • concession arrangements;
  • political and country risks;
  • at infrastructure requirements.

Kaya kahit Philippine-listed ang stock, hindi Philippine environment lamang ang bumubuo sa risk at growth profile nito.

Paano Ito Umaandar

Bilang unang valuation application post ng MH 2.0, ito ang workflow na sinunod namin.

1. Starting Financial Data

Nagsimula kami sa latest reliable information available as of the valuation date.

Ang pangunahing sources ay:

  • ICTSI 2025 Annual Report;
  • ICTSI 2026 First-Quarter Report;
  • PSE Edge disclosures;
  • at January 2026 Damodaran datasets.

Ginamit ang audited 2025 figures bilang historical base. Ang 2026 first-quarter report naman ang nagsilbing update sa latest operating performance at balance-sheet position.

Mahalaga rito ang date consistency. Ang income-statement at cash-flow figures ay period-based, habang ang debt, cash, shares outstanding, at market capitalization ay point-in-time figures.

2. Calculate Normalized Base FCFF

Mula sa historical financial data, kinompute namin ang normalized base Free Cash Flow to the Firm.

Sa pinakasimpleng anyo:

After-tax operating income, plus non-cash depreciation and amortization, less capital expenditures, less additional working-capital requirements.

Ang goal ay tantiyahin ang recurring cash-generating capacity ng operating business bago isaalang-alang kung paano ito pinondohan.

3. Growth Assumptions

Pagkatapos makuha ang base FCFF, gumawa kami ng explicit growth assumptions para sa forecast period.

Hindi ito purong mechanical exercise.

Ang mathematics ay mechanical, pero ang assumptions ay analyst judgment na kailangang suportado ng:

  • historical growth;
  • latest quarterly results;
  • management guidance;
  • expansion projects;
  • reinvestment requirements;
  • at expected normalization habang lumalaki ang operating base.

4. Forecast FCFF

Ipinroject namin ang FCFF sa loob ng explicit forecast period.

Sa mas advanced na model, maaaring hiwa-hiwalay na i-forecast ang revenue, operating margins, taxes, depreciation, capital expenditures, at working capital.

Sa preliminary ICT model, pinanatili naming simple at traceable ang forecast habang malinaw na nilalagyan ng label ang analyst assumptions.

5. Estimate WACC

Ang projected FCFF ay kailangang i-discount pabalik sa present value gamit ang WACC o Weighted Average Cost of Capital.

Tatlong pangunahing bahagi ang pinag-aralan namin.

Cost of Equity

Ginamit dito ang risk-free rate, bottom-up beta, at equity-risk premium.

Ang beta ay in-adjust para sa financial leverage ng ICT. Ang equity-risk premium naman ay kumuha ng reference mula sa Damodaran dataset, kasama ang country-risk consideration.

Cost of Debt

Tinantya ang pre-tax cost of debt mula sa financing charges at average interest-bearing debt.

Pagkatapos, kinompute ang after-tax cost of debt dahil may tax benefit ang interest expense.

Capital Weights

Ginamit ang market value of equity at total interest-bearing debt upang malaman ang relative weights ng equity at debt sa capital structure.

Mula sa mga iyon, nakuha ang WACC na ginamit bilang discount rate.

6. Present Value of Forecast FCFF

Ang bawat projected FCFF ay dini-discount pabalik sa valuation date.

Mas malayo ang forecast year, mas mababa ang present value nito dahil sa time value of money at risk.

7. Terminal Value

Hindi natatapos ang kumpanya pagkatapos ng explicit forecast period.

Kaya kinompute ang terminal value upang katawanin ang halaga ng cash flows pagkatapos ng forecast horizon.

Ginamit namin ang perpetual-growth approach, kung saan ipinapalagay na ang kumpanya ay patuloy na lalago sa isang sustainable long-term rate.

Ito rin ang isa sa pinakasensitive na bahagi ng DCF. Maliit na pagbabago sa terminal growth o WACC ay maaaring magdulot ng malaking pagbabago sa estimated value.

8. Enterprise Value

Pinagsama namin ang:

  • present value ng explicit forecast FCFF; at
  • present value ng terminal value.

Ang resulta ay estimated enterprise value—ang halaga ng buong operating business na available sa debt at equity capital providers.

9. Convert Enterprise Value to Equity Value

Mula sa enterprise value, ibinawas ang net debt at iba pang relevant claims upang makuha ang value attributable sa equity holders.

Dito kailangang maging maingat sa paggamit ng latest available debt at cash figures.

10. Equity Value per Share

Ang estimated equity value ay hinati sa latest shares outstanding.

Dahil US dollars ang pangunahing presentation currency ng ICT financial reports, ginamit ang USD/PHP conversion rate upang makuha ang fair value sa Philippine pesos.

11. Sensitivity Analysis

Hindi namin itinuring ang DCF output bilang isang eksaktong sagot na hindi na maaaring kuwestiyunin.

Gumawa kami ng sensitivity analysis gamit ang iba’t ibang combinations ng:

  • WACC; at
  • terminal growth rate.

Para sa terminal growth, sinubukan namin ang 2%, 3%, 4%, at 5%.

Ipinakita nito na ang estimated fair value ay maaaring magbago nang malaki depende sa assumptions. Kaya mas tama ang pagtingin sa valuation bilang range o scenario kaysa bilang isang mahiwagang eksaktong numero.

12. Margin of Safety and Buy-Below Price

Pagkatapos makuha ang fair value, nilapatan namin ito ng Margin of Safety.

Ang Margin of Safety ay discount na inilalagay sa estimated fair value upang magbigay ng allowance para sa:

  • forecasting errors;
  • unexpected business risks;
  • model limitations;
  • at uncertainty sa long-term assumptions.

Sa conservative case namin, gumamit kami ng 4% terminal growth at 5% Margin of Safety.

ICT Valuation Snapshot

Valuation date: July 24, 2026
Quarterly data used: First Quarter 2026
Annual data used: Full Year 2025
USD/PHP rate: ₱61.50
WACC: 8.65%
Terminal growth: 4.00%

Estimated fair value: ₱995.00
Margin of Safety: 5%
Valuation-based buy-below price: ₱945.00
Last traded price: ₱969.00

Sa ₱969 last traded price, nasa ibaba si ICT ng ₱995 conservative fair value, pero nasa ibabaw pa rin ng ₱945 valuation-based buy-below level.

Ibig sabihin:

Nasa fair-value holding zone si ICT, pero hindi pa nito naaabot ang mas mahigpit na valuation entry threshold.

Hindi ito automatic sell signal.

Hindi rin ito automatic instruction na bumili kapag umabot sa ₱945.

Ang buy-below price ay pahintulot lamang na pumasa sa valuation gate. Kailangan pa ring tingnan ang technical condition, portfolio concentration, available cash, liquidity requirements, at iba pang MH governance rules.

Paano Natin Tinitingnan ang Existing Position?

Bago pa matapos ang FCFF study, nakaipon na kami ng 500 ICT shares sa average net cost na ₱973.5377.

Hindi namin ito huhusgahan retroactively na para bang umiiral na noon ang ₱945 valuation threshold.

Ang accumulation ay ginawa gamit ang governance tools na available noong panahong iyon:

  • Core Anchor architecture;
  • technical price location;
  • TMA Gate Score;
  • layer governance;
  • at liquidity objectives.

Batay sa bagong valuation, ang ₱973.5377 average cost ay malapit sa ₱995 conservative fair value ngunit nasa ibabaw ng ₱945 buy-below level.

Kaya ang mas patas na classification ay:

Existing Core Anchor position accumulated near conservative fair value, but without the full valuation margin of safety now required for fresh valuation-led deployment.

Hindi nito pinapawalang-bisa ang existing position.

Ang ginagawa nito ay nagtatakda ng mas malinaw na standard para sa susunod na capital decision.

Isang Bagong MH 2.0 Valuation Template

Mula sa post na ito, maaari na nating gamitin ang sumusunod na simple structure para sa mga susunod na stock valuation studies:

Kilalanin ang Negosyo

Maikling introduction sa business model, operating environment, at dahilan kung bakit mahalaga ang stock sa MH portfolio.

Piliin ang Angkop na Valuation Method

Hindi lahat ng method ay bagay sa lahat ng kumpanya. Kailangang ipaliwanag kung bakit FCFF, dividend model, relative valuation, o ibang approach ang ginamit.

Tukuyin ang Data at Valuation Date

Ilista ang annual report, quarterly report, disclosures, market data, at external datasets na ginamit.

Ipakita ang Workflow, Hindi Lahat ng Spreadsheet

Ikuwento ang major steps, assumptions, at judgment points nang hindi inilalathala ang buong operating model.

Ibigay ang Valuation Snapshot

Fair value, sensitivity range, Margin of Safety, buy-below level, at market-price comparison.

Iugnay sa MH Governance

Ipaliwanag kung paano nakakaapekto ang valuation sa:

  • capital allocation;
  • additional deployment;
  • holding decisions;
  • concentration control;
  • at possible rebalancing.

Ito ang magiging valuation-post format ng MH 2.0: sapat upang maunawaan ang proseso, pero hindi kailangang ipakita ang bawat formula at bawat cell ng spreadsheet.

Pangwakas na Kaisipan

Ang unang FCFF valuation namin kay ICT ay hindi pagtatangkang patunayan na may isang eksaktong tamang presyo ang stock.

Mas mahalaga ang process.

Natutuhan naming paghiwalayin ang:

  • market price;
  • estimated fair value;
  • valuation-based buy-below price;
  • at actual portfolio cost.

Sa conservative case, lumabas ang ₱995 fair value at ₱945 buy-below price. Ang ₱969 market price at ₱973.5377 average cost namin ay parehong nasa pagitan ng dalawang reference point.

Hindi masyadong mura.

Hindi rin malinaw na mahal.

Nasa lugar kung saan ang valuation ay nagsasabing maaaring hawakan, pero ang bagong capital ay dapat maging mas mapili.

Pero bago natin gamitin ang valuation bilang basehan ng capital allocation, kailangan muna nating sagutin ang isa pang mahalagang tanong:

Ano ang mga risk na kaakibat ng paghawak kay ICT bilang isang concentrated Core Anchor position?

Ang ICT valuation ay hindi matatapos bilang isolated spreadsheet exercise. Gagamitin natin ito bilang input sa mas malawak na assessment ng market risk, valuation risk, liquidity risk, concentration risk, business risk, at operator risk.

Dahil kahit maganda ang kumpanya at suportado ng valuation ang presyo, hindi pa rin sapat iyon kung masyadong malaki ang exposure, kulang ang dry powder, o hindi kayang dalhin ng portfolio ang downside kapag mali ang assumptions natin.

Aba’y hindi na lamang pala tanong kung maganda ang kumpanya.

Kailangan din nating itanong:

Maganda nga ang kumpanya—pero gaano kalaking risk ang kasama sa paghawak nito?

Iyan ang susunod nating pag-aaralan sa:

ICT Stock Study 5: Risk Management ng Isang Core Anchor

Pagkatapos noon, saka natin pagsasamahin ang fundamental analysis, technical analysis, valuation, at risk assessment upang makarating sa culmination ng ICT Stock Study:

ICT Capital Allocation.


Shariah Compliance Advisory (Updated Nov 26, 2025)

The PSE has confirmed that its Shariah screening program is currently paused, with no new lists to be released until their internal review is completed. Although news outlets reported quarterly updates up to mid-2025, these later lists are no longer accessible on the PSE website.

For now, the PSE’s Shariah-Compliant Securities page and all past lists have been removed from the public website. The December 24, 2024 list is the last official version in Micro Stock Trader’s possession, downloaded before the page was taken down, although other investors may still hold later copies such as the reported July 4, 2025 release.

All halal-focused strategies under Micro Stock Trader will use a conservative, self-screened approach until official guidance resumes, in shā’ Allāh.

Ang post na ito ay bahagi ng aming personal learning journey sa securities analysis at portfolio governance. Ang mga konseptong may kaugnayan sa interest-based instruments, conventional bonds, preferred shares, o iba pang financial arrangements ay binabanggit lamang bilang bahagi ng academic coverage ng module at hindi bilang rekomendasyon o endorsement.

Disclaimer

This post is for educational and documentation purposes only. It is not investment advice. Perform your own due diligence and consult qualified financial professionals before making investment decisions. All strategies, frameworks, and examples described here reflect the personal methodologies of Micro Stock Trader and are not guarantees of future performance.


Illustration of a calm, disciplined trader reviewing charts and layered ladders, symbolizing the transformation of the Board Lot Warrior ecosystem in 2025.
Micro Stock Trader Blog
Board Lot Warrior
Ang Inyong Batangueñong Retail Stock Trader

Home | About UsContact Us | Privacy Policy | Terms of Use | Disclaimer

ICT Stock Study, Post 3: ICT Technical Analysis sa Lens ng MH 2.0 TMA Gate Score

HomeBoard Lot WarriorMicro HarvestingMicro Harvesting 2.0 › MH Application Series › ICT Stock Study › ICT Technical Analysis

Banner image for ICT Stock Study, Post 3, showing an ICT port scene, an annotated daily stock chart, MACD and RSI indicators, and the MH 2.0 TMA Gate Score with a total score of 5.5 and a Technical Test Probe decision.


ICT annotated daily chart through July 23, 2026, with TMA Gate Score assessment updated as of July 24, 2026, 3:00 PM

Annotated ICT daily chart and port visuals representing the MH 2.0 TMA Gate Score reading for ICT as of July 23, 2026.

👉 Explore the full Micro Harvesting 2.0 framework
👉 Start Here | CSSC Learning Series | MH Application Series | MH Operator Journal

Sa ikatlong post ng ating ICT Stock Study, chart naman ang kaharap natin. Hindi para manghula ng susunod na kandila, kundi para basahin kung nasaang kondisyon ang presyo, gaano kalakas ang trend, at kung paano natin ilalagay sa tamang governance context ang galaw ng ICT.

Originally published: July 26,2026 · Last updated: July 26, 2026

Links to related posts


Nilalaman

Ang Punto ng Usapan

Kung ang fundamental analysis ang tanong ay, “Magandang negosyo ba ito?” ang technical analysis naman ang tanong ay, “Ano ang kalagayan ng presyo ngayon?”

Sa Micro Harvesting 2.0, hindi hiwalay ang dalawang iyan. Magkausap sila. Ang fundamentals ang tumutulong sa atin para maintindihan ang negosyo. Ang chart naman ang tumutulong para makita kung ang market ay umaalalay, nag-aalinlangan, o nagpapahinga lang. Sa madaling sabi, ang technical analysis sa MH 2.0 ay hindi crystal ball. Isa itong reading tool.

Sa case ng ICT as of July 23, 2026, 3:00 PM, ang tanong natin ay hindi kung tataas ba agad bukas. Ang tanong natin ay mas simple: acceptable ba ang kasalukuyang technical condition sa ilalim ng ating sariling MH 2.0 TMA Gate Score?


Ang Dating Paniniwala

Noong mas maaga pa sa ating trading journey, madali talagang mahulog sa karaniwang pananaw tungkol sa charting. Kapag green ang candles, feeling bullish. Kapag pula, feeling delikado. Kapag may moving average crossover, parang may automatic signal na agad. Kapag bumaba ang RSI, tingin agad bargain. Kapag umakyat, tingin agad sell zone.

Hindi naman totally mali ang pagtingin sa chart. Pero kulang kapag ganoon lang. Dahil kapag signal lang ang habol, nawawala ang mas importanteng usapan: nasaan tayo sa mas malaking trend, gaano kalayo ang suporta sa ibaba, at ano ang ibig sabihin nito sa actual governance ng position?

At sa MH, mahalaga iyan. Lalo na kung may tunay ka nang hawak na shares, may average cost ka na, may allocation ceiling ka, at may cash flow needs ka sa totoong buhay. Hindi sapat na sabihin lang na “bullish” o “bearish.” Kailangan mas grounded.


Ang Binagong Pananaw

Dito pumasok ang MH 2.0 TMA Gate Score. Ito ang sarili nating simpleng framework para hindi puro kutob ang gamit sa pagbabasa ng chart. Apat lang ang pangunahing tinitingnan natin:

  • SMA-50 para sa medium-term trend support
  • EMA-200 Ribbon para sa long-term structural support
  • MACD para sa momentum condition
  • RSI para sa strength o neutrality ng kasalukuyang galaw

Bawat isa ay may score, at ang total ang nagbibigay ng decision band. Hindi nito pinapalitan ang judgment, pero nagbibigay ito ng mas maayos na baseline.

Para sa ICT noong July 23, 2026, ito ang naging reading:

  • SMA-50: Price above rising SMA-50
    Interpretation: medium-term uptrend support
    Score: 2
  • EMA-200 Ribbon: Price above ribbon
    Interpretation: long-term support below price
    Score: 2
  • MACD: Below signal but tapering
    Interpretation: weak but improving
    Score: 0.5
  • RSI: Near 50 and holding
    Interpretation: neutral support
    Score: 1

Total TMA Score: 5.5
Decision Band: 5 to below 7
Meaning: Good but not perfect
Mechanical Decision: TECHNICAL TEST PROBE

Iyan ang mahalagang punto: good but not perfect. Hindi basag ang chart. Pero hindi rin ito iyong tipong all-clear, full-throttle condition. May structural support, pero may konting pag-iingat pa rin sa momentum.


Paano Ito Umaandar

Sa actual chart ng ICT, makikita na ang presyo ay nasa paligid ng ₱957.00. Nasa ibabaw ito ng SMA-50 na nasa bandang ₱889.5, kaya malinaw na may medium-term uptrend support pa rin sa ilalim. Sa MH reading, magandang bagay iyan dahil hindi tayo basta nakasabit sa presyong nasa ibaba ng pangunahing trend line.

Mas mahalaga pa roon, malayo pa rin ang presyo sa EMA-200 ribbon, na nasa paligid ng ₱680 hanggang ₱702 area. Ibig sabihin, sa mas malaking picture, hindi naman sira ang structure ng stock. Sa totoo lang, structurally acceptable pa rin ang ICT. Kapag ganito ang itsura, hindi ito iyong chart na kailangang tingnan na agad bilang breakdown candidate. Nasa mas mataas pa rin itong zone kumpara sa long-term support base.

Pero pagdating sa momentum, medyo mas maingat ang basa. Ang MACD ay below signal pa rin, kaya hindi pa natin masasabing fully restored na ang short-term thrust. Ang maganda lang, ayon sa ating reading, ito ay tapering, kaya mahina pero may senyales ng pag-improve. Hindi pa ito lakas na lakas; kumbaga, may buhay pa, pero hindi pa todo ang apak.

Ang RSI na nasa 53.35 ay isa ring mahalagang detalye. Hindi ito overbought, at hindi rin ito bagsak. Nasa gitnang bahagi siya at near 50 and holding, kaya binabasa natin ito bilang neutral support. Sa Batangas pa, parang hindi pa nagdedeklara ng saya, pero hindi rin naman umaayaw. Nandoon lang sa mahinahong posisyon.

May dagdag pang isang obserbasyon: ang volume sa araw na iyon ay nasa 1.281M, habang ang 50-day average volume ay nasa 1.768M. Ibig sabihin, hindi ito iyong galaw na sinusuportahan ng napakalakas na turnover. Kaya kahit acceptable ang structure, wala pa ring dahilan para sabihing sobrang conviction-heavy ng araw na ito. Minsan kasi, ang tahimik na volume ay paalala rin na huwag masyadong ma-excite.

Sa ilalim ng ating MH 2.0 portfolio context, mahalagang tandaan na ang ICT allocation natin ay ₱390,000, habang ang deployment ay 115% na. Ang nakahawak na posisyon ay 500 anchor shares na may average net cost na ₱973.5377. Ibig sabihin, hindi tayo tumitingin sa chart na parang blangkong papel. May aktuwal nang capital na naka-commit.

At dito lumalabas ang isa sa pinakamahalagang aral ng MH 2.0: allowed is not required. Ang mechanical decision na TECHNICAL TEST PROBE ay hindi automatic utos na bumili. Isa lamang itong pahintulot na, kung may dahilan at kung may kapasidad, puwedeng isaalang-alang ang maliit at maingat na action. Pero dahil over 100% na ang deployment relative sa current capital allocation, may valid ding dahilan para mag-hold at mag-watch muna.

Ito rin ang dahilan kung bakit lagi nating sinasabi sa MH na the layers provide the map, not the trigger. Ang chart ang nagbibigay ng kondisyon. Ang governance ang nagsasabi kung paano kikilos, kung kikilos man.

Sa kabuuan, ganito ang basa natin sa ICT chart noong July 23:

  • Trend: maayos pa rin
  • Structure: acceptable
  • Momentum: humina, pero may pag-asa ng pagbuti
  • RSI posture: neutral, hindi delikado
  • Volume: hindi agresibo
  • Overall score: 5.5, kaya maayos pero hindi perpekto

At sa totoo lang, iyan ang klase ng reading na gusto natin sa isang framework: hindi OA, hindi rin sabaw. May nuance.


Pangwakas na Kaisipan

Ang technical analysis ng ICT sa puntong ito ay hindi nagsasabing siguradong ito ang mangyayari sa susunod. Hindi ganoon ang gamit natin dito. Ang sinasabi lamang nito ay ito: maayos pa ang technical structure ng ICT, pero hindi pa ito full-strength momentum setup.

Sa ilalim ng MH 2.0 TMA Gate Score, pumasa ito bilang TECHNICAL TEST PROBE. May sapat na dahilan para sabihing hindi sira ang trend, pero may sapat ding dahilan para manatiling disiplinado. At para sa atin, mahalaga ang ganyang klase ng basa, lalo na kung ang hawak natin ay 500 anchor shares na at ang deployment ay lampas na sa nominal allocation.

Kung may ambag ang technical analysis sa ICT Stock Study na ito, marahil iyon ay ito: tinutulungan tayong maging mas mahinahon. Hindi lahat ng galaw ay kailangang habulin. Hindi lahat ng pullback ay kailangang katakutan. At hindi lahat ng “allowed” ay kailangang i-exercise.

Sa susunod na post, doon naman tayo lilipat sa mas tahimik pero mabigat na tanong: kung ganito ang negosyo at ganito ang chart, magkano nga ba ang reasonable value ng ICT?


Shariah Compliance Advisory (Updated Nov 26, 2025)

The PSE has confirmed that its Shariah screening program is currently paused, with no new lists to be released until their internal review is completed. Although news outlets reported quarterly updates up to mid-2025, these later lists are no longer accessible on the PSE website.

For now, the PSE’s Shariah-Compliant Securities page and all past lists have been removed from the public website. The December 24, 2024 list is the last official version in Micro Stock Trader’s possession, downloaded before the page was taken down, although other investors may still hold later copies such as the reported July 4, 2025 release.

All halal-focused strategies under Micro Stock Trader will use a conservative, self-screened approach until official guidance resumes, in shā’ Allāh.

Ang post na ito ay bahagi ng aming personal learning journey sa securities analysis at portfolio governance. Ang mga konseptong may kaugnayan sa interest-based instruments, conventional bonds, preferred shares, o iba pang financial arrangements ay binabanggit lamang bilang bahagi ng academic coverage ng module at hindi bilang rekomendasyon o endorsement.

Disclaimer

This post is for educational and documentation purposes only. It is not investment advice. Perform your own due diligence and consult qualified financial professionals before making investment decisions. All strategies, frameworks, and examples described here reflect the personal methodologies of Micro Stock Trader and are not guarantees of future performance.


Illustration of a calm, disciplined trader reviewing charts and layered ladders, symbolizing the transformation of the Board Lot Warrior ecosystem in 2025.
Micro Stock Trader Blog
Board Lot Warrior
Ang Inyong Batangueñong Retail Stock Trader

Home | About UsContact Us | Privacy Policy | Terms of Use | Disclaimer

ICT Stock Study, Post 2: ICT Fundamental Analysis—Pagkilala sa Negosyong Nasa Likod ng Ticker

HomeBoard Lot WarriorMicro HarvestingMicro Harvesting 2.0 › MH Application Series › ICT Stock Study › ICT Fundamental Analysis

ICT Stock Study Post 2 banner showing global container terminals, port operations, financial growth, cash flow, debt, and business analysis.
ICT Fundamental Analysis: pagtingin sa global port network, earnings growth, cash generation, expansion, leverage, at business risks.

👉 Explore the full Micro Harvesting 2.0 framework
👉 Start Here | CSSC Learning Series | MH Application Series | MH Operator Journal

Bago natin basahin ang chart o tantiyahin ang value ng ICT, kailangan muna nating maintindihan kung anong klaseng negosyo ang hawak natin. Sa post na ito, titingnan natin ang business model, growth, cash flows, expansion, leverage, at risks—hindi para ma-in love sa kumpanya, kundi para malaman kung matibay ba ang pundasyon ng ating Core Anchor thesis.

Originally published: July 26, 2026 · Last updated: July 26, 2026

Links to related posts


Nilalaman

Ang Punto ng Usapan

Kapag nakikita natin ang ticker na ICT, madaling isipin na port operator lang ito. May barko, may containers, may cranes, tapos kumikita sa paggalaw ng cargo.

Tama naman, pero sobrang ikli niyan para ilarawan ang negosyo.

Ang International Container Terminal Services, Inc. ay developer, manager, at operator ng container terminals sa iba’t ibang bansa. Sa pagtatapos ng 2025, sangkot ang grupo sa 34 terminal operations at development projects sa 20 bansa, na nakakalat sa Asia, Americas, at Europe, Middle East and Africa. Ang core business nito ay cargo handling, kasama ang storage, refrigerated-container services, weighing, inspection, at iba pang ancillary services.

Sa MH 2.0, mahalagang maintindihan ito dahil hindi ordinaryong domestic company ang ICT. Ang earnings nito ay hindi nakatali lamang sa Philippine economy o sa volume ng Manila port.

Global ang negosyo. Global din ang opportunity. At siyempre, global din ang risk.


Ang Dating Paniniwala

Noong mas simple pa ang ating stock analysis, madalas sapat na ang ganitong kuwento:

Malaking kumpanya.
Maganda ang earnings.
Tumataas ang presyo.
May growth story.
Kaya magandang hawakan.

Hindi naman mali ang mga obserbasyong iyan. Pero kapag may malaking capital allocation na, hindi sapat ang general impression.

Kailangan nating malaman:

Saan talaga nanggagaling ang kita?
Organic ba ang growth o acquisition-driven?
Lumalaki ba ang cash flow kasabay ng earnings?
Kayang suportahan ng balance sheet ang expansion?
May pricing power ba?
At gaano kalaki ang downside kapag nagkamali ang assumptions?

Dahil maaaring lumaki ang revenue habang humihina ang cash generation. Maaari ring tumaas ang earnings pero kasabay naman ng mabilis na pagtaas ng debt, lease liabilities, o capital commitments.

Kaya hindi sapat na sabihing “maganda ang ICT.” Ang mas tamang tanong ay:

Ano mismo ang nagpapaganda sa negosyo, at ano ang maaaring sumira sa thesis?


Ang Binagong Pananaw

Sa MH 2.0, ang fundamental analysis ay hindi lamang company appreciation exercise.

Isa itong business-quality gate.

Hindi pa nito sinasagot kung kailan bibili. Iyan ang trabaho ng Technical Analysis. Hindi rin nito sinasagot kung magkano ang fair value. Iyan ang trabaho ng Valuation. At lalong hindi nito awtomatikong sinasabi kung gaano kalaking capital ang dapat ilaan.

Ang fundamental analysis ang unang filter:

May sapat bang kalidad, growth, durability, at cash-generation capacity ang negosyo para paglaanan ng seryosong portfolio attention?

Para sagutin iyan, tiningnan natin ang limang bagay:

  • business model at market position;
  • operating growth;
  • profitability at cash generation;
  • expansion at reinvestment;
  • leverage, liquidity, at pangunahing risks.

Paano Ito Umaandar

Isang global gateway-terminal business

Ang ICT ay pangunahing nag-ooperate ng origin-and-destination terminals, hindi lamang transshipment hubs. Mahalaga ito dahil ang cargo ay karaniwang may tunay na destination market. Kung magpalit man ng shipping line ang cargo owner, hindi naman basta nawawala ang pangangailangan na maihatid ang cargo sa parehong bansa o economic area.

May long-term concession structure din ang negosyo. Ayon sa 2025 annual report, ang average remaining concession term ng grupo ay humigit-kumulang 22 years noong March 2026. Ang mahahabang concession periods ay nagbibigay ng operating visibility, bagama’t may kapalit itong contractual obligations at regulatory dependence.

Hindi rin concentrated sa isang customer ang revenue. Walang iisang customer na nagbigay ng higit sa 10% ng consolidated gross revenues noong 2023 hanggang 2025. Sa isang industriya kung saan lumalaki ang buying power ng major shipping lines, magandang proteksiyon ang customer diversification.

May geographic diversification din. Noong 2025:

  • Asia contributed 53.3% of consolidated volume at 41.3% of gross revenue;
  • Americas contributed 28.7% of volume at 40.4% of gross revenue;
  • EMEA contributed 18.0% of volume at 18.3% of gross revenue.

Makikita rito na hindi pare-pareho ang revenue productivity ng bawat region. Mas maliit ang volume share ng Americas kaysa Asia, pero halos kapantay nito ang revenue contribution. Posibleng indikasyon ito ng differences sa tariff, cargo mix, ancillary income, at economics ng mga terminal.

Malakas ang 2025 operating performance

Noong 2025, nag-handle ang ICTSI ng 14.50 million TEUs, mas mataas ng 11.0% mula sa 13.07 million TEUs noong 2024.

Hindi lamang volume ang lumaki.

Ang gross revenues from port operations ay umabot sa US$3.235 billion, up 18.1%. Ang EBITDA ay umakyat sa US$2.144 billion, up 20.5%, habang ang net income attributable to equity holders of the parent ay umabot sa US$1.048 billion, up 23.3%. Basic earnings per share rose from US$0.408 to US$0.511.

Mas mabilis ang revenue growth kaysa volume growth. Ibig sabihin, hindi lamang mas maraming containers ang nahawakan. Nakatulong din ang:

  • favorable container mix;
  • tariff adjustments;
  • higher ancillary revenues;
  • at improvements across multiple terminals.

Mas mabilis din ang EBITDA growth kaysa revenue growth. Umangat ang EBITDA margin mula 65.0% to 66.3%, habang ang EBIT margin ay tumaas mula 54.0% to 56.2%.

Ito ang isa sa pinakamalinaw na positive signals sa 2025 results: hindi lamang lumalaki ang negosyo—may operating leverage din.

Hindi lang Asia ang humatak sa growth

Sa 2025 volume growth:

  • Asia rose 8.8%;
  • Americas rose 18.9%;
  • EMEA rose 6.1%.

Sa gross revenue:

  • Asia increased 17.2%;
  • Americas increased 21.3%;
  • EMEA increased 13.3%.

Particularly strong ang Americas, helped by volume recovery in Ecuador, new services in Mexico, ancillary revenues, at growth across other terminals.

Magandang makita na hindi lamang isang geographic segment ang bumubuhat sa consolidated results. Mas diversified ang growth, kaya mas matibay kaysa sa scenario na isang terminal lamang ang pinanggagalingan ng improvement.

Nagpatuloy ang momentum sa unang quarter ng 2026

Hindi huminto sa year-end ang growth.

Sa first quarter ng 2026, consolidated volume reached 4.085 million TEUs, up from 3.472 million TEUs a year earlier. Iyan ay growth na humigit-kumulang 17.7%.

Gross revenues increased from US$745.4 million to US$961.1 million, or roughly 28.9%. EBITDA rose from US$489.6 million to US$617.9 million, about 26.2%, while net income attributable to equity holders of the parent increased from US$239.5 million to US$293.6 million, or approximately 22.6%.

Basic earnings per share increased from US$0.116 to US$0.143.

Malakas ang topline at earnings growth, pero mahalagang tingnan kung ano ang bahagi ng bagong operations dito. Nagsimula ang formal operation ng Durban Gateway Terminal in South Africa noong January 1, 2026. Sa unang quarter, nag-contribute ang DGT ng US$68.0 million in gross revenue, pero US$1.5 million lamang ang net income attributable to the parent.

Ibig sabihin, visible agad ang revenue contribution ng bagong acquisition, pero nasa maagang bahagi pa lamang ang earnings contribution. Normal ito sa isang newly consolidated operation, pero kailangan itong bantayan sa mga susunod na quarters.

Cash generation ang isa sa pinakamalakas na bahagi ng story

Earnings are good. Cash is better.

Noong Q1 2026, net cash provided by operating activities reached US$610.9 million, up 36.1% from US$449.0 million in Q1 2025. Cash generated from operations before taxes was US$698.4 million.

Ito ang mahalagang confirmation: hindi lamang accounting earnings ang lumalaki. Gumagawa rin ng malaking operating cash ang negosyo.

Sa parehong quarter, capital expenditures and related investing outflows remained meaningful. Net cash used in investing activities rose to US$144.2 million, while reported capital spending for ongoing expansion was approximately US$117.9 million, slightly lower than the comparable period.

Ang malaking operating cash flow ang tumutulong sa ICT na pondohan ang expansion, dividends, debt service, at acquisitions. Pero hindi ibig sabihin nito na free cash flow ay walang pressure. Capital-intensive ang port business. Kailangan ng cranes, berths, yards, technology systems, at maintenance.

Kaya dapat maging maingat sa paggamit ng EBITDA bilang parang discretionary cash. Mismong annual report ang nagsasabing hindi nito kinukuha ang capital expenditures, working-capital requirements, lease payments, interest, at asset replacement needs.

Aggressive reinvestment remains part of the model

Hindi passive infrastructure owner ang ICT. Patuloy itong nag-e-expand.

Ang estimated capital expenditures para sa 2026 ay US$740 million, intended for projects including:

  • expansion in Mexico;
  • ongoing works at MICT, Manila North Harbor, Mindanao, at South Luzon Container Terminal;
  • expansion in Brazil and DR Congo;
  • equipment acquisitions and upgrades;
  • at new expansion projects in Honduras, Australia, Ecuador, at Mexico.

Noong Q1 2026, lumaki rin ang balance sheet dahil sa consolidation ng Durban Gateway Terminal.

Total assets increased from US$9.077 billion to US$9.622 billion. Intangibles rose by 36.1% to US$3.474 billion, property and equipment increased to US$2.616 billion, at right-of-use assets rose to US$1.186 billion. Malaking bahagi nito ay concession rights, goodwill, port assets, at lease arrangements connected with DGT.

Ang DGT acquisition itself involved a purchase consideration of US$618 million, with provisional goodwill of US$248.1 million.

Maganda ang expansion kapag nagbubunga. Pero habang tumataas ang acquisition activity, lumalaki rin ang integration risk, valuation risk, at possibility na hindi agad maabot ng bagong terminal ang expected return.

Malakas ang negosyo, pero hindi magaan ang balance sheet

As of March 31, 2026, total interest-bearing debt stood at US$3.162 billion, nearly unchanged from US$3.151 billion at year-end 2025.

The debt-to-equity ratio increased from 1.27 to 1.32, while the current ratio declined from 1.42 to 1.07. Current assets fell to US$1.353 billion, while current liabilities rose to US$1.270 billion.

Hindi pa ito automatic red flag. May strong operating cash generation ang kumpanya, at 92% of long-term debt matures in 2027 or later. Compliant din ang grupo sa loan covenants, including the requirement that debt-to-EBITDA remain within the stated limit when incurring additional debt.

Pero hindi rin dapat balewalain ang liquidity compression. Ang current ratio na 1.07 ay manipis kumpara sa 1.42 three months earlier.

May context naman: malaking dividend declaration, investing activity, at balance-sheet effects ng DGT acquisition. Still, para sa fundamental analysis, kailangan nating tandaan na ang ICT ay isang high-quality cash generator na gumagamit din ng malaking capital at leverage para patuloy na lumago.

Hindi ito debt-free compounder. Isa itong capital-intensive global infrastructure operator.

Dividend growth supports shareholder returns, pero hindi ito dividend-harvester stock

ICT declared cash dividends of:

  • ₱9.35 per share in 2024;
  • ₱14.16 per share in 2025;
  • ₱17.85 per share in 2026.

Malinaw na lumalaki ang dividend kasabay ng earnings.

Pero sa MH portfolio architecture, hindi pangunahing role ng ICT ang pagiging Low Volatility Dividend Harvester. Ang dividend ay supplemental return. Ang core thesis ay mas nakasandal sa business growth, valuation expansion or realization, at strategic portfolio role.

Hindi mawawala ang risks dahil maganda ang numbers

Ang global footprint ay strength at risk at the same time.

Kasama sa material business risks ang:

  • economic slowdown at weaker global trade;
  • political and economic instability in emerging markets;
  • dependence on concessions and government contracts;
  • limits on tariff increases;
  • competition from other terminal operators at shipping-line-owned terminals;
  • acquisition and integration risk;
  • foreign-exchange translation and transaction risk;
  • systems failure and cyber or operational disruption;
  • natural disasters, climate-related events, war, at civil unrest;
  • at regulatory, environmental, and safety compliance.

May concentration din sa execution. Kapag lumalaki nang mabilis ang network, kailangang mapanatili ang operating standards sa maraming jurisdiction na may magkakaibang labor laws, currencies, regulators, at political conditions.

Sa Q1 2026, ibinenta rin ng ICTSI ang 51% stake nito sa Yantai terminal in China for total consideration of around US$116 million, resulting in a reported US$14.7 million loss, largely because of the reclassification of accumulated foreign-currency translation adjustments. The terminal represented less than 5% of consolidated assets, liabilities, and revenue, kaya hindi material sa whole group, pero magandang halimbawa ito na hindi lahat ng international investments ay forever holdings.


Pangwakas na Kaisipan

Batay sa 2025 annual report at Q1 2026 results, may malinaw na fundamental case kung bakit maaaring magkaroon ng espesyal na papel ang ICT sa MH 2.0 portfolio.

Ang kumpanya ay may:

  • diversified global terminal network;
  • long-duration concessions;
  • strong market positions in several locations;
  • double-digit volume and revenue growth;
  • expanding margins;
  • rising net income and earnings per share;
  • at robust operating cash generation.

Sa kabilang banda, kasama sa package ang:

  • capital-intensive expansion;
  • more than US$3.1 billion in interest-bearing debt;
  • substantial lease and concession obligations;
  • acquisition and integration demands;
  • regulatory dependence;
  • currency exposure;
  • at geopolitical and emerging-market risks.

Kaya ang fundamental conclusion natin ay hindi simpleng “magandang kumpanya kaya bumili.”

Mas maingat ang conclusion:

ICT remains a high-quality global infrastructure growth business with strong operating cash generation, but its capital intensity, leverage, and acquisition program require disciplined valuation and portfolio sizing.

Sa sariling MH 2.0 language, pasado ang ICT sa business-quality gate. May sapat na ebidensiya para ipagpatuloy ang mas malalim na pag-aaral at suportahan ang classification nito bilang Core Anchor / Special Engine candidate.

Pero hindi pa ito portfolio decision.

Hindi pa natin alam mula sa fundamental analysis lamang kung attractive ang current market price. Hindi rin nito sinasabi kung maganda ang timing o kung sapat ang margin of safety.

Kaya sa susunod na post, lilipat tayo mula negosyo papunta sa market behavior:

Ano ang sinasabi ng ICT chart, at paano natin ito babasahin gamit ang sarili nating MH 2.0 TMA Gate Score?


Shariah Compliance Advisory (Updated Nov 26, 2025)

The PSE has confirmed that its Shariah screening program is currently paused, with no new lists to be released until their internal review is completed. Although news outlets reported quarterly updates up to mid-2025, these later lists are no longer accessible on the PSE website.

For now, the PSE’s Shariah-Compliant Securities page and all past lists have been removed from the public website. The December 24, 2024 list is the last official version in Micro Stock Trader’s possession, downloaded before the page was taken down, although other investors may still hold later copies such as the reported July 4, 2025 release.

All halal-focused strategies under Micro Stock Trader will use a conservative, self-screened approach until official guidance resumes, in shā’ Allāh.

Ang post na ito ay bahagi ng aming personal learning journey sa securities analysis at portfolio governance. Ang mga konseptong may kaugnayan sa interest-based instruments, conventional bonds, preferred shares, o iba pang financial arrangements ay binabanggit lamang bilang bahagi ng academic coverage ng module at hindi bilang rekomendasyon o endorsement.

Disclaimer

This post is for educational and documentation purposes only. It is not investment advice. Perform your own due diligence and consult qualified financial professionals before making investment decisions. All strategies, frameworks, and examples described here reflect the personal methodologies of Micro Stock Trader and are not guarantees of future performance.


Illustration of a calm, disciplined trader reviewing charts and layered ladders, symbolizing the transformation of the Board Lot Warrior ecosystem in 2025.
Micro Stock Trader Blog
Board Lot Warrior
Ang Inyong Batangueñong Retail Stock Trader

Home | About UsContact Us | Privacy Policy | Terms of Use | Disclaimer

ICT Stock Study, Post 1: Mula Pagkilala sa Negosyo Hanggang Portfolio Decision

HomeBoard Lot WarriorMicro HarvestingMicro Harvesting 2.0 › MH Application Series › ICT Stock Study › Series Introduction

ICT Stock Study series roadmap covering fundamental analysis, technical analysis, valuation, risk management, and capital allocation.
Ang ICT Stock Study ay isang anim na post na MH 2.0 application series—mula business analysis hanggang capital-allocation decision.

👉 Explore the full Micro Harvesting 2.0 framework
👉 Start Here | CSSC Learning Series | MH Application Series | MH Operator Journal

Hindi sapat na sabihing gusto natin ang isang kumpanya o maganda ang galaw ng chart nito. Sa ICT Stock Study, susundan natin ang buong MH 2.0 decision chain—mula negosyo, presyo, valuation, at risk hanggang sa tanong na pinakamabigat sa portfolio: gaano kalaking capital ang nararapat ilaan?

Originally published: July 26, 2026 · Last updated: July 26, 2026

Links to related posts


Nilalaman

Ang Punto ng Usapan

Ito ang unang post ng ating ICT Stock Study, isang application series kung saan susubukan nating dalhin sa isang aktuwal na stock ang mga bagong aral at governance upgrades ng Micro Harvesting 2.0.

Hindi ito simpleng company profile. Hindi rin ito isang mahabang stock recommendation na nagtatapos sa “buy,” “hold,” o “sell.” Ang layunin natin ay mas process-oriented: tingnan kung paano dapat dumaan ang isang mahalagang portfolio position sa isang mas kumpletong decision workflow.

Sa pagkakataong ito, ang pag-aaralan natin ay International Container Terminal Services, Inc., o ICT—isang stock na may espesyal na papel sa ating portfolio bilang Core Anchor / Special Engine.

Sa oras ng pagbuo ng series na ito, mayroon tayong:

  • 500 ICT shares
  • Average net cost na ₱973.5377
  • Capital allocation na ₱390,000
  • Deployment na humigit-kumulang 115%
  • Approximate capital deployed na ₱448,000
  • Portfolio role na mas malaki kaysa sa karaniwang medium-volatility position

Ibig sabihin, hindi na ito theoretical exercise lamang. May tunay nang capital na nakataya, kaya kailangan nating maging mas organisado sa pagsusuri.


Ang Dating Paniniwala

Noong mas simple pa ang ating paraan, puwedeng magsimula at matapos ang pagtingin sa stock sa ilang tanong lamang:

Maganda ba ang kumpanya?
Umaakyat ba ang presyo?
May pagkakataon bang kumita?
May cash pa ba para bumili?

Functional naman ang mga tanong na iyan. Pero habang lumalaki ang position at tumataas ang portfolio concentration, nagiging bitin na ang ganoong approach.

Halimbawa, maaaring maganda ang kumpanya pero mahal na ang presyo. Maaari ring mura sa valuation pero mahina pa ang chart. Posible ring parehong maganda ang fundamentals at technical condition, ngunit hindi na kayang tanggapin ng portfolio ang dagdag na concentration.

May isa pang panganib: kapag nauna ang conviction kaysa proseso, madali nating mahanapan ng dahilan ang gusto na nating gawin.

Kapag gusto nating bumili, makikita natin ang bullish factors. Kapag gusto nating mag-hold, makikita natin ang long-term story. Kapag gusto nating magbenta, mapapansin naman natin ang risks.

Kaya sa MH 2.0, kailangan nating ayusin hindi lamang ang sagot—kundi pati ang pagkakasunod-sunod ng mga tanong.


Ang Binagong Pananaw

Ang bagong ICT Stock Study ay susunod sa limang magkakaugnay na pagsusuri:

Understand the business → Read the chart → Estimate value → Define the risks → Allocate capital

Hindi dapat mauna ang capital allocation. Ito ang magiging conclusion, hindi opening assumption.

Hindi rin dapat gamitin ang isang analysis para burahin ang mensahe ng iba. Halimbawa:

  • Hindi sapat ang magandang fundamentals para balewalain ang valuation.
  • Hindi sapat ang malakas na chart para kalimutan ang business risk.
  • Hindi sapat ang mataas na estimated fair value para awtomatikong magdagdag ng shares.
  • Hindi sapat ang conviction para i-override ang liquidity at concentration limits.

Ang bawat post ay may sariling tanong. Ngunit sa dulo, kailangan silang pagsamahin upang makabuo ng isang coherent portfolio decision.


Paano Ito Umaandar

ICT Stock Study, Post 2: ICT Fundamental Analysis

Dito natin sisimulan ang pagsusuri sa mismong negosyo.

Titingnan natin ang:

  • business model ng ICT;
  • geographic diversification;
  • revenue at earnings drivers;
  • operating margins;
  • cash flow generation;
  • debt and financing structure;
  • capital expenditure requirements;
  • acquisition-led growth;
  • at mga pangunahing business risks.

Ang layunin ay hindi lamang patunayan na malaking kumpanya ang ICT. Ang mas mahalagang tanong ay kung ang kalidad ng negosyo, cash flows, at growth runway nito ay sapat para suportahan ang papel nito bilang isang major portfolio holding.

Sa puntong ito, hindi pa tayo magdedesisyon ng target allocation. Itinatayo pa lamang natin ang business case.

ICT Stock Study, Post 3: ICT Technical Analysis

Pagkatapos maintindihan ang negosyo, lilipat naman tayo sa galaw ng presyo.

Gagamitin natin ang sarili nating MH 2.0 TMA Gate Score, na nakabatay sa:

  • SMA-50;
  • EMA-200 ribbon;
  • MACD;
  • RSI;
  • at supporting volume context.

Sa annotated daily chart noong July 24, 2026, ang ICT ay nagsara sa ₱957.00.

Ang TMA reading ay:

  • SMA-50: 2 points
  • EMA-200 ribbon: 2 points
  • MACD: 0.5 point
  • RSI: 1 point

Total TMA Gate Score: 5.5

Ito ay nasa TECHNICAL TEST PROBE band—isang setup na structurally acceptable ngunit hindi pa perfect ang momentum.

Mahalaga ang salitang probe. Hindi ito automatic buy instruction. Ito ay permission lamang na maaaring isaalang-alang ang maliit at controlled action kung may portfolio capacity.

Sa ating kaso, mayroon nang 500 anchor shares at nasa 115% deployment na ang ICT. Kaya kahit technically allowed ang probe, hindi ibig sabihin na kailangan pa nating gamitin agad ang option.

ICT Stock Study, Post 4: ICT Valuation

Sa ikaapat na post, susubukan nating sagutin ang isa sa pinakamahirap na tanong:

Magkano ang reasonable value ng ICT batay sa operating assumptions at future cash flows?

Gagamit tayo ng FCFF, o Free Cash Flow to the Firm, discounted cash flow approach.

Hindi natin kailangang ilantad ang bawat spreadsheet cell o lahat ng intermediate computation. Mas mahalaga ang workflow:

  • starting financial data;
  • normalization of operating figures;
  • forecast assumptions;
  • revenue and margin estimates;
  • capital expenditure;
  • working capital requirements;
  • tax assumptions;
  • cost of debt;
  • cost of equity;
  • weighted average cost of capital;
  • terminal value;
  • enterprise value;
  • equity value;
  • at implied value per share.

Ang valuation ay magbibigay sa atin ng range, hindi prophecy.

At kahit lumabas na mas mataas ang estimated intrinsic value kaysa sa market price, hindi pa rin iyon automatic instruction na i-maximize ang position. Ang valuation ay nagsasabi kung may potential margin of safety. Hindi nito sinasabi kung kaya ng portfolio ang exposure.

ICT Stock Study, Post 5: ICT Risk Management

Pagkatapos ng valuation, saka natin haharapin ang downside.

Kasama rito ang:

  • concentration risk;
  • acquisition and integration risk;
  • currency risk;
  • country and regulatory risk;
  • leverage and refinancing risk;
  • capital expenditure risk;
  • valuation-model risk;
  • liquidity risk;
  • drawdown risk;
  • at operational risk sa mismong execution ng trader.

May practical portfolio issue rin tayo: ang ICT ay hindi maliit na exploratory position. Ang 500 shares at ₱973.5377 average net cost ay kumakatawan sa humigit-kumulang ₱486,769 na net cost basis.

Samantala, ang current capital allocation nito ay ₱390,000. Kaya ang position ay nasa roughly 125% of allocation by cost basis, bagama’t ang working deployment figure natin ay 115% batay sa portfolio monitoring method na ginagamit sa araw ng assessment.

Ang simpleng mensahe: mayroon nang concentration. Kaya ang susunod na action ay kailangang maging mas maingat kaysa noong 100 o 200 shares pa lamang ang hawak.

ICT Stock Study, Post 6: ICT Capital Allocation

Ito ang magiging culmination ng series.

Dito natin pagsasamahin ang:

  • business quality mula sa Fundamental Analysis;
  • trend and momentum mula sa Technical Analysis;
  • estimated value mula sa Valuation;
  • downside and portfolio constraints mula sa Risk Management;
  • at liquidity needs ng buong MH portfolio.

Ang capital allocation ay hindi reward sa paboritong stock. Isa itong governance decision.

Ang tanong ay hindi lang:

“Maganda ba ang ICT?”

Ang tamang tanong ay:

“Given its quality, price, valuation, risks, and our existing exposure, gaano kalaking bahagi ng portfolio ang nararapat nating ipagkatiwala rito?”


Preliminary ICT Portfolio Decision

Batay sa mga conclusion na bubuuin at palalawakin sa susunod na limang posts, ito ang preliminary consolidated decision ng ICT Stock Study:

Portfolio role

Mananatili ang ICT bilang Core Anchor / Special Engine ng Micro Harvesting 2.0 portfolio.

Hindi ito ituturing na ordinaryong rotation stock lamang. Ang business quality, earnings growth potential, liquidity, at historical contribution nito sa realized gains ay nagbibigay-katwiran sa mas mataas na allocation kaysa sa karaniwang MH position.

Existing position

Ang kasalukuyang 500 shares ang ituturing na established anchor position.

  • Average net cost: ₱973.5377
  • Total cost basis: approximately ₱486,769
  • July 24 closing price: ₱969.00
  • Approximate market value: ₱482,586.23
  • Approximate unrealized position: −₱4,182.63, net of selling costs
  • Approximate price difference from average cost: −0.86%

Hindi ito severe impairment. Malapit pa rin ang market price sa average cost, habang nananatiling above rising SMA-50 at above EMA-200 ribbon ang presyo.

Technical decision

Ang TMA Gate Score na 5.5 ay nagbibigay lamang ng TECHNICAL TEST PROBE permission.

Gayunman, dahil mayroon nang 500 shares at overdeployed na ang position relative sa ₱390,000 allocation, ang practical implementation ay:

HOLD / WATCH ang 500-share anchor; huwag munang magdagdag sa kasalukuyang price zone nang walang malinaw na valuation margin at bagong capital-allocation authority.

Ibig sabihin, ang technical permission to probe ay hindi ie-exercise automatically.

Allocation decision

Ang ₱390,000 allocation ay maaari nang ituring na fully utilized at temporarily exceeded.

Ang 500-share position ay hindi kailangang bawasan solely dahil lampas ito sa nominal allocation. Ang oversizing ay allowed sa MH 2.0 kapag:

  • malinaw ang portfolio role;
  • documented ang dahilan;
  • manageable ang downside;
  • at hindi nito sinisira ang liquidity plan.

Ngunit hindi rin natin itataas agad ang position mula 500 to 600 shares.

Ang additional 100-share capacity ay magiging conditional reserve, hindi automatic next buy.

Sa presyo na humigit-kumulang ₱969 per share, ang dagdag na 100 shares ay mangangailangan ng halos ₱96,900, excluding fees. Dadalhin nito ang gross position sa humigit-kumulang:

  • 600 shares
  • Approximate market exposure na ₱581,400
  • At materially higher concentration sa portfolio

Kaya bago i-authorize ang 600-share level, kailangan munang matugunan ang tatlong kondisyon:

  1. Ang valuation study ay magpakita ng sapat na upside o margin of safety.
  2. Ang TMA Gate Score ay manatili sa probe-or-better band, nang walang structural breakdown.
  3. Ang portfolio liquidity at October 2026 cash requirement ay hindi malalagay sa alanganin.

Price-location governance

Hindi natin hahabulin ang presyo dahil lamang gumanda ang momentum.

Ang current position ay nasa isang zone na malapit sa average cost. Kung magkaroon ng deeper pullback, ang mga susunod na action ay dapat nakatali sa updated price location at governance—not merely sa desire na pababain ang average cost.

Ang dating Layer 2 reference area na humigit-kumulang ₱876.5–₱924.5 ay maaaring maging mas relevant na review zone kaysa sa pagbili nang agresibo malapit sa ₱957–₱974 area.

Ngunit kahit maabot ang price zone, hindi pa rin iyon automatic trigger. Kailangan pa ring pumasa sa TMA Gate Score, valuation check, at capital-capacity review.

Preliminary consolidated output

ICT Portfolio Decision: RETAIN 500-SHARE CORE ANCHOR; NO AUTOMATIC ADD.

Ang 500 shares ay mananatili habang acceptable ang business thesis at hindi nasisira ang long-term technical structure. Ang dagdag na 100 shares ay option lamang, subject to valuation margin, technical confirmation, at portfolio liquidity.

Sa isang linya:

Maintain the 500-share ICT anchor, preserve the right—but not the obligation—to expand toward 600 shares, and let valuation and risk capacity decide whether that option should ever be exercised.

Iyan ang abstract ng magiging conclusion ng limang susunod na posts. Hindi pa ito final forever. Pero sapat itong malinaw para gabayan ang kasalukuyang position habang kinukumpleto natin ang buong ICT Stock Study.


Pangwakas na Kaisipan

Ang pinakamalaking pagbabago sa MH 2.0 ay hindi lamang pagdami ng indicators, formulas, o spreadsheets. Ang tunay na pagbabago ay ang pagkakaroon ng tamang sequence.

Hindi na tayo basta nagsisimula sa tanong na, “Bibili pa ba?”

Nagsisimula na tayo sa:

Ano ang negosyo?
Ano ang sinasabi ng chart?
Ano ang reasonable value?
Ano ang maaaring magkamali?
At saka lamang—gaano karaming capital ang dapat ilaan?

Sa ICT, may conviction tayo. Pero ang conviction ay kailangan pa ring dumaan sa governance.

May 500 shares na tayo. May option tayong palakihin ito. Pero sa MH 2.0, ang option ay karapatan lamang—hindi obligasyon.

At marahil iyan ang pinakamahalagang tema ng buong series na ito: hindi lamang natin pinag-aaralan ang ICT. Pinag-aaralan din natin kung paano maging mas maayos na operator ng sarili nating portfolio.


Shariah Compliance Advisory (Updated Nov 26, 2025)

The PSE has confirmed that its Shariah screening program is currently paused, with no new lists to be released until their internal review is completed. Although news outlets reported quarterly updates up to mid-2025, these later lists are no longer accessible on the PSE website.

For now, the PSE’s Shariah-Compliant Securities page and all past lists have been removed from the public website. The December 24, 2024 list is the last official version in Micro Stock Trader’s possession, downloaded before the page was taken down, although other investors may still hold later copies such as the reported July 4, 2025 release.

All halal-focused strategies under Micro Stock Trader will use a conservative, self-screened approach until official guidance resumes, in shā’ Allāh.

Ang post na ito ay bahagi ng aming personal learning journey sa securities analysis at portfolio governance. Ang mga konseptong may kaugnayan sa interest-based instruments, conventional bonds, preferred shares, o iba pang financial arrangements ay binabanggit lamang bilang bahagi ng academic coverage ng module at hindi bilang rekomendasyon o endorsement.

Disclaimer

This post is for educational and documentation purposes only. It is not investment advice. Perform your own due diligence and consult qualified financial professionals before making investment decisions. All strategies, frameworks, and examples described here reflect the personal methodologies of Micro Stock Trader and are not guarantees of future performance.


Illustration of a calm, disciplined trader reviewing charts and layered ladders, symbolizing the transformation of the Board Lot Warrior ecosystem in 2025.
Micro Stock Trader Blog
Board Lot Warrior
Ang Inyong Batangueñong Retail Stock Trader

Home | About UsContact Us | Privacy Policy | Terms of Use | Disclaimer

GAWLOO: Ang Lugawang May Sarap ng Southeast Asia — Gawa ng Batangueñong Galing Abroad

Kung taga-Rosario, Batangas ka at nag-crave ka ng lugaw na may level-up na twist—eto na ang sagot sa panalangin ng sikmura mo: GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience.

Kung taga-Rosario, Batangas ka at nag-crave ka ng lugaw na may level-up na twist—eto na ang sagot sa panalangin ng sikmura mo: GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience.

GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience facade

📍 Matatagpuan sa V. Escaño St., Brgy. C, Rosario Batangas, si GAWLOO ay hindi lang basta kainan — isa siyang kwento ng pangarap, passion, at panlasang umikot sa Asia.


GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience Dine-In

Ang may-ari, si Jay Ubana, ay isang Batangueñong cook na nagtrabaho sa Singapore at Dubai ng 12 taon. Sa dami ng napuntahan niyang bansa—Hong Kong, Taiwan, Singapore—natutunan niyang i-appreciate ang iba't ibang bersyon ng congee. “Paborito talaga ng mga Pinoy ang lugaw,” wika ni Jay, “Kahit anong oras, kahit anong pakiramdam—masarap maglugaw.”

⭐ Lasa't Alaala sa Bawat Higop

Hindi lang basta lugaw, kundi southeast Asian-inspired congee na may toppings na mala-ulam sa sarap.

🍲 Seafood Gawloo at Lechon Gawloo — ang kanilang best-sellers na puwedeng pang-breakfast o pang-dinner.

🍛 Mix & Match Toppings: Tuwalya, Chicharon Bulaklak, Atay, Chicken, Fried Tokwa at iba pa.

🍗 Rice Meals tulad ng Chao Fan with Pork Siomai, Chicharon Bulaklak, o Lechon Kawali — swak sa mga ayaw ng sabaw pero gusto pa rin ng siksik sa lasa.

🧋 Drinks? May Black Gulaman at Lychee para pampawi ng uhaw habang humihigop ka ng mainit-init na lugaw.

💸 Presyo na Kayang-Kaya

Hindi mo kailangang bumyahe pa sa abroad para matikman ang ganitong congee—abot kaya lang ang Small Bowl na may 1 Topping, at kung mas gutom ka, may Large Bowl para iyo at para sa inyong lahat. Pwede ka ring magpa-top up ng 2, 3 o 4 na toppings para sa ultimate lugaw overload!

🤳 Para sa mga G na umorder online

Pwede kang magpa-deliver! Text o tawag lang sa 09397785658. Hanapin lang ang GAWLOO sa Facebook para sa menu at updates.


Sa totoo lang, sa bawat higop ng lugaw sa GAWLOO, parang may yumayakap sa’yo—maalala mo si Nanay o si Lola na nagluluto ng lugaw tuwing masama ang pakiramdam mo. Ngayon, kahit wala si Nanay sa tabi mo, may GAWLOO ka sa Rosario.

Supportahan natin ang lokal! Tikman ang lugaw na may kwento. Tikman ang GAWLOO.

Featured Post

MH Operator Journal Entry 8: ICT 15% MOS RTS Refill Amid Technical Weakness

Home › Board Lot Warrior › Micro Harvesting › Micro Harvesting 2.0 › MH Operator Journal › ICT › Journal Entry 7 › ICT 15% MOS RTS Refil...