Subok sa Puso, Hindi Lang ng Strategy Series | Micro Stock Trader
Ethical and Halal-Conscious Investing in the PSE
7-Part Portfolio Series of a Muslim Retail Stock Trader. Combining Disciplined Strategy with Deep Conviction: Complete Line-Up
- 🌧️ ₱1,000,000 Walang Kapalit: Subok ng Puso, Hindi Lang ng Strategy — Series #1
- 🧭 Paghahati ng Biglaang Rizq: May Layunin ang Bawat Piso — Series #2
- 📈 Halal Core Growth Portfolio — Series #3
- 🕌 Shariah-Compliant Dividend / REIT Portfolio — Series #4
- 🔄 Ethical Turnaround Picks — Series #5
- ⚔️ Tactical Rotation Fund (Board Lot Warrior Account) — Series #6
- 🤲 Cash Reserve / Sadqah Buffer — Series #7
Nilalaman
1️⃣ Panimula
2️⃣ Mga Natutunan So Far
3️⃣ Hatol ng Batangueñong Trader
4️⃣ Reflection
Panimula
Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang simulan natin ang Subok Series, at umabot na tayo sa milestone na 22 executed trades. Pero kung tutuusin, isa pa lang ang officially closed cycle (PREIT). Dito natin narealize na ang series na ito ay hindi pala simpleng sprint — ito’y isang marathon ng disiplina at pasensya.
Kaya’t habang wala pang certainty kung kailan talaga matatapos ang buong Subok Series (dahil nakadepende ito sa market cycle ng PSE), panahon na para huminto sandali at tingnan kung ano na nga ba ang mga aral na nahugot natin sa ngayon.
Mga Natutunan So Far
1️⃣ Mabagal ang Disiplinadong Trading
Hindi pala agad-agad ma-deploy ang malaking bahagi ng kapital kung maingat ang galaw. After two months, under 25% pa lang ang naipalabas. Lesson: Quality over quantity.
2️⃣ Market Cycles Dictate Our Pace
Hindi trader ang nagdidikta ng bilis, kundi ang merkado mismo. Sa ngayon, marami pang stocks ang nasa retracement o consolidation, kaya’t natural na mabagal ang pag-layer.
3️⃣ Importance of the Hard Stop
Napagtanto natin na Hard Stop = Closed Account. Hindi ito talo kundi tanda ng integridad. Lesson: kasama sa tagumpay ang tamang pagkatalo, basta’t kontrolado.
4️⃣ Targets Are Just as Important as Stops
Kung saan ka papasok ay mahalaga, pero kung paano ka lalabas ang tunay na sukatan. Whether via targets or stops, parehong meaningful ang exit.
5️⃣ Halal-Conscious Investing Grounds Us
Mas limitado ang choices kapag Shariah-compliant stocks lang ang focus. Pero dito rin mas tumitibay ang conviction dahil malinaw na hindi lang kita, kundi character at prinsipyo ang hinahabol.
Hatol ng Batangueñong Trader
Kung ihalintulad, parang nag-aararo ka ng bukid — mabagal, paulit-ulit, at parang walang katapusan. Pero sa bawat balik ng kalabaw, alam mong may naiiwan na linya sa lupa. Ganoon din ang Subok Series: mabagal, pero may saysay bawat hakbang.
Reflection
Sa ngayon, isang cycle pa lang ang naisara, pero malinaw na: ang Subok Series ay hindi sprint, kundi marathon. Ang pacing na mabagal, ang disiplina sa stop, at ang patience sa targets ay paalala na sa trading, ang tunay na laban ay hindi lang pera kundi puso at character.
Disclaimer: This post is for informational purposes only and should not be considered financial advice. Always do your own research before making any trading decisions.
Paalala lang: Ang post na ito ay para sa informational purposes only at hindi dapat ituring na financial advice. Laging siguraduhing gumawa ng sarili mong research bago pumasok sa kahit anong trade o investment
👉 Kung handa ka nang i-level up ang iyong journey, Open your DragonFi account via Micro Stock Trader referral. Click here to join DragonFi.
DragonFi Lite: Investing Made for Everyone
Kung naghahanap ka naman ng mas magaang entry point sa stock market, bagay na bagay sa’yo ang DragonFi Lite — available na mismo sa MAYA app.
✅ Zero cash-in at cash-out fees – Sulit bawat piso, walang dagdag singil.
✅ No initial deposit – Pwede ka magsimula kahit maliit ang puhunan.
✅ All-in-one investing app – Lahat nasa iisang app na: savings, bills, at ngayon pati stocks.
Para sa isang Batangueñong Board Lot Warrior, swak ito kung gusto mo munang sumubok ng maliit na galaw bago mag-full throttle sa stock market. Para kang bumibili muna ng tingi sa palengke bago ka magpakilo-kilo.
👉 Kung wala ka pang MAYA account, pwede kang sumali gamit ang aming referral link para makuha ang perks. Pagkatapos, open mo lang ang DragonFi Lite sa:
MAYA > Grow My Money > Stocks > DragonFi
Ito ang tunay na kahulugan ng “Investing made for everyone.”
Isang tanong ang pumasok sa isip ko habang nakatingin sa chart—“Anong gagawin ko kung may mag-abot sa akin ng isang milyong piso, cash, at walang hinihinging kapalit?”
Walang kondisyon. Walang tanong. Walang habol.
Isang milyong pisong biglaang dumating.
Hindi galing sa sugal. Hindi hiram.
Malinis. Legal. Bigay.
Rizq—kung tutuusin.
Pero ang tanong ay hindi lang “anong bibilhin ko?”
O “saan ko i-invest?”
Kundi—“Kaya ko bang panindigan ang 10-Step Strategy ko, kung ganito kalaki ang hawak ko?”
Capital Allocation: ₱400,000
Objective: This portfolio seeks long-term growth from fundamentally strong, ethically aligned, and ideally Shariah-compliant businesses.
Hindi lang basta technical setup ang basehan—pinag-isipan din kung saan nanggagaling ang kita, at kung ito ba ay halal ang pinagmulan.
Objective: To generate passive income from a selection of halal-screened REITs and dividend-paying companies that pass ethical and Shariah filters.
Ito ang bahagi ng portfolio na tumatanggap ng biyaya habang natutulog ka, pero hindi mula sa haram.
Objective: To capture capital appreciation from undervalued or temporarily beaten-down companies showing signs of recovery—without crossing the ethical line.
Not every good trade is clean, and not every clean trade is good. Kaya dito sinusubok ang balance ng puso at diskarte.
Objective: To execute short- to mid-term tactical trades using ₱10,000 per board lot based on the Hybrid 10-Step Strategy, with real money and real-time conviction—under the mindset of a Board Lot Warrior.
Hindi ito simulation. Hindi ito paper trade. Ito ang totoong laban, gamit ang disiplina at dasal.
Objective: To maintain spiritual discipline and financial humility by leaving room—intentionally—for:
- 📉 Market patience
- 🤲 Giving opportunities
- ⚠️ Emergency trades
- 🛑 Delayed entry signals
- 💔 Life’s unplanned tests
This fund is not for stock picks.
This is for the moments when you choose not to act, because the best decision is sometimes to wait, or give.







































