Sa Micro Harvesting, ang RTS (Rotating Trading Shares) ang bahagi ng posisyon na sadyang umiikot—binibili, inaani, at ibinabalik ayon sa malinaw na kondisyon.
Ipinapaliwanag ng post na ito kung paano bumabalik ang RTS gamit lamang ang % Net Unrealized Loss, para manatiling mekanikal, boring, at walang hulaan ang sistema.
← Previous | Next → | 📘 Micro Harvesting Series Index
Links to Related Posts
Nilalaman
Ang Punto ng Usapan
-
Ang Dating Paniniwala
-
Ang Binagong Pananaw
-
Paano Ito Umaandar
-
Pangwakas na Kaisipan
Ang Punto ng Usapan
Sa Micro Harvesting, malinaw na kung kailan nag-aani: kapag naabot ang tamang % Net Unrealized Gain at pasado sa RGOC band.
Ang mas madalas na tanong ay ito: kailan babalik ang RTS matapos magbenta?
Kung walang malinaw na sagot, bumabalik ang emosyon—“mura na ba?”, “baka maiwan?”, “sayang kung hindi pumasok.”
Ito mismo ang iniiwasan ng sistemang ito.
Ang Dating Paniniwala
Karaniwan, ganito ang iniisip ng trader:
“Kapag nakabenta na, hahanap agad ng magandang balik-presyo.”
Ang problema rito:
-
nagiging subjective ang entry
-
nagkakalkula ng kung anu-ano
-
nasisira ang ritmo ng sistema
Madalas, mas komplikado pa ang pagbabalik kaysa sa mismong pagbenta.
Ang Binagong Pananaw
Sa Micro Harvesting, pareho ang sukatan ng pag-ani at pagbabalik.
Isang metric lang ang binabasa:
% Net Unrealized Gain (Loss) — kung ano mismo ang ipinapakita ng broker.
At para mas maging boring at mekanikal ang sistema, malinaw ang desisyon:
RTS refill bands are defined exclusively using the % Net Unrealized (Loss).
Positive o near-zero unrealized values ay hindi refill trigger.
Ibig sabihin, kung hindi pa pula, hindi pa oras.
Paano Ito Umaandar
Ang RTS refill ay reaksyon, hindi inisyatiba.
Nangyayari lang ito pagkatapos ng valid harvest, at kapag ang presyo ay bumalik sa kahinaan ayon sa volatility ng stock.
High Volatility Stocks
(hal. ABA, WLCON, DNL, FNI, PCOR)
Ang mga stock na ito ay mabilis gumalaw, pataas man o pababa.
Kaya ang refill ay hinihintay lamang kapag malinaw na pumasok na sa negative % Net Unrealized (Loss) na sapat para sa normal na pullback—hindi panic, hindi bagsak.
Context
-
Harvest band: +3.0% to +5.0%
-
These stocks retrace quickly but not always deeply
🎯 RTS Refill Bands
-
–1.5% to –3.0% → ✅ STANDARD REFILL ZONE
-
–3.0% to –5.0% → ⚠️ Fast / partial refill only
-
Above –1.5% → ❌ NO REFILL
Why does this fits Micro Harvesting
-
Captures normal pullbacks, not collapses
-
Keeps inventory cycling
-
Preserves harvested margin
-
Avoids SDA-style waiting
Hindi kailangan ng bagsak — sapat na ang hinga.
Dito mahalagang tandaan:
Ang high-volatility stocks ay inaasahang magbigay ng sapat na margin, hindi ng madalas na galaw.
Hindi minamadali ang balik; hinahayaan munang huminga ang presyo.
Medium Volatility Stocks
(hal. DMC, SCC, RFM, MONDE, URC, ICT, CREIT)
Ito ang gulugod ng rotation.
Mas madalas ang galaw, mas makitid ang range, kaya mas malapit din sa zero ang refill bands.
Context
-
Harvest band: +1.8% to +3.0%
-
These rotate inside tighter ranges
🎯 RTS Refill Bands
-
–1.0% to –2.5% → ✅ STANDARD REFILL ZONE
-
–2.5% to –4.0% → ⚠️ Staggered refill
-
Above –1.0% → ❌ NO REFILL
Why this fits
-
Matches their rotation rhythm
-
Avoids over-waiting
-
Keeps RHER alive
Kapag pumasok sa negative % Net Unrealized (Loss) na akma sa kanilang asal, saka lang bumabalik ang RTS.
Hindi kailangang malalim ang bagsak—sapat na ang normal na atras.
Low Volatility Stocks
(hal. RCR, MREIT, DDMPR, MER, TEL, PGOLD, CNPF)
Tahimik ang mga ito, at sinasadya ‘yon.
Ang RTS dito ay hindi pang-araw-araw na ikot, kundi pang-bihirang pagkakataon.
Context
-
Harvest band: 0.3% – 0.8%
-
These barely move
🎯 RTS Refill Bands
-
–0.5% to –1.5% → ✅ REFILL ONLY IF RTS WAS SOLD
-
–1.5% to –2.5% → ⚠️ Careful refill
-
Above –0.5% → ❌ NO REFILL
Why this fits
-
Prevents overtrading
-
Still allows inventory restoration
-
Keeps them boring (as intended)
Konting atras lang, sapat na.
Kaya ang refill ay nangyayari lang kapag:
-
may naunang harvest, at
-
malinaw na nasa negative % Net Unrealized (Loss) na lampas sa ingay
Hindi sila para sa tubo.
Ang silbi nila ay:
-
pampakalma ng takbo
-
pampagaan ng isip
-
pambawas ng kaba kapag may drawdown
Kung zero ang RGOC dito, tama lang ‘yon.
Pangwakas na Kaisipan
Sa Micro Harvesting, hindi mahalaga kung gaano ka kadalas gumalaw.
Mas mahalaga kung kailan ka hindi gumagalaw.
Ang RTS refill rules na nakabatay lang sa % Net Unrealized (Loss) ay sadyang ginawa para:
-
alisin ang hula
-
bawasan ang desisyon
-
pabagalin ang kamay
Karamihan ng araw, walang refill.
At kapag wala kang ginawa, madalas tama ka.
🔗 Quick Links
Micro Stock Trader Global Index · Micro Harvesting Master Index
📌 Shariah Compliance Advisory (Updated Nov 26, 2025)
The PSE has confirmed that its Shariah screening program is currently paused, with no new lists to be released until their internal review is completed. Although news outlets reported quarterly updates up to mid-2025, these later lists are no longer accessible on the PSE website.
For now, the PSE’s Shariah-Compliant Securities page and all past lists have been removed from the public website. The December 24, 2024 list is the last official version in Micro Stock Trader’s possession, downloaded before the page was taken down, although other investors may still hold later copies such as the reported July 4, 2025 release.
All halal-focused strategies under Micro Stock Trader will use a conservative, self-screened approach until official guidance resumes, in shā’ Allāh.
Disclaimer
This post is for educational and documentation purposes only. It is not investment advice. Perform your own due diligence and consult qualified financial professionals before making investment decisions. All strategies, frameworks, and examples described here reflect the personal methodologies of Micro Stock Trader and are not guarantees of future performance.
Home | About Us | Contact Us | Privacy Policy | Terms of Use | Disclaimer





No comments:
Post a Comment