Board Lot Warrior › Jimmy Series › ₱5,000 Seed › Midweek Update
Jimmy Series Midweek Note – September 17, 2025 banner with candlestick chart, rising arrow, and balance scales symbolizing trading discipline.
Mga kasama, unang linggo pa lang ng Jimmy Series pero pakiramdam natin parang isang buwan na ang dumaan. Ang daming aral, daming galaw, at higit sa lahat, dumoble na ang laman ng ating portfolio. Ngayon, hindi na lang si ABA ang dala ng Board Lot Warrior — pumasok na rin si MREIT para magbigay ng balanse.
Nilalaman
1️⃣ Quick Portfolio Recap
2️⃣ Midweek Technical Highlights
3️⃣ Hatol ng Batangueñong Trader
4️⃣ Next Steps (Tactical Plan)
5️⃣ LIVE TRADE LOG
6️⃣ Midweek Reflection
1️⃣ Quick Portfolio Recap
-
ABA (Speculative Centavo Play):
-
3,000 shares accumulated @ avg ₱0.54 (Trades #1–3).
-
Weekly close ₱0.55 (+7.84%) with 61M volume (vs 50-MA 38M).
-
✅ Layer 4 breakout volume trigger already met. Next step: price confirmation at ₱0.57–₱0.60.
-
-
MREIT (Defensive REIT Entry):
-
100 shares @ ₱13.92 (Trade #4, Sept 17 morning session, ₱1,396.11 cost).
-
Weekly close ₱13.90, halos flat sa entry.
-
Defensive support held sa ₱13.81 (200-MA). Conviction volume spike confirms Layer 1.
-
Portfolio Totals (as of Sept 17, 2025):
-
Seed Capital: ₱5,000
-
Deployed Capital: ₱3,030.92
-
Remaining Cash: ₱1,969.08
-
Equity Value: ₱3,027.99
-
Unrealized P/L: -₱2.93 (flat, defensive start)
-
Active Positions: 2 (speculative ABA + stable MREIT)
2️⃣ Midweek Technical Highlights
ABA Weekly Chart
-
Green bounce candle with 61M volume (1.6x 50-MA).
-
Above-average participation signals Layer 4 trigger activated.
-
Susunod na bantayan: break and sustain sa MA20 ₱0.58 at MA50 ₱0.62.
MREIT Weekly Chart
-
Malakas na red candle pero nag-hold sa ₱13.81 (200-MA).
-
Entry executed @ ₱13.92 with conviction volume (15M+ weekly).
-
Technical story: kapit sa ugat ng lupa, defensive entry confirmed.
3️⃣ Hatol ng Isang Batangueñong Retail Trader
Eto na ang tunay na simula, mga kasama. May hawak tayong barako shot (ABA) na muling nagpapakita ng lakas matapos ang matinding pagbagsak, at mainit na kape (MREIT) na steady sa depensa. Magkaibang lasa, pero parehong kailangan para mabuo ang isang malakas na umaga.
Hindi perpekto ang market ngayong linggo — pulang-pula ang sentiment, mabigat ang galaw. Pero sa Jimmy Series, pinakita natin na may paraan para makahanap ng opportunity kahit saan. Ang sikreto? Disiplina, timing, at lakas ng loob na bumili sa gitna ng takot.
4️⃣ Next Steps
-
ABA: Monitor follow-through. Layer 4 breakout volume confirmed, susunod ang price confirmation sa ≥₱0.57–₱0.60.
-
MREIT: Layer 2 add kung makatawid ulit sa ₱14.75 with strong volume.
-
Portfolio: Dalawa na ang active stocks, cash pa rin intact para sa susunod na laban.
5️⃣ LIVE TRADE LOG – Jimmy Series (as of Sept 17, 2025)
-
Trade #1 – ABA (Sept 15, 2025): 1,000 shares @ ₱0.53 | ₱531.56 cost | Active, part of 3,000 shares
-
Trade #2 – ABA (Sept 15, 2025): 1,000 shares @ ₱0.52 | ₱521.53 cost | Active, part of 3,000 shares
-
Trade #3 – ABA (Sept 16, 2025): 1,000 shares @ ₱0.58 | ₱581.72 cost | Active, part of 3,000 shares
-
Trade #4 – MREIT (Sept 17, 2025 AM): 100 shares @ ₱13.92 | ₱1,396.11 cost | Active, Layer 1 filled
6️⃣ Midweek Reflection
Ang Jimmy Series ay hindi lang tungkol sa presyo ng stocks — ito ay tungkol sa proseso ng paglago. Sa loob ng ilang araw, nakapagpakita tayo ng dalawang klase ng laban: isang speculative centavo na muling bumabangon, at isang defensive REIT na tumayo sa gitna ng bagyo. Para tayong nagsasanay sa dalawang uri ng laro: mabilis at agresibo, mabagal at matibay.
At gaya ng lagi nating sinasabi: “Hindi lahat ng pagkakataon ay dapat sunggaban. Minsan, ang disiplina sa paghihintay ang tunay na panalo.”
📑 Jimmy Series Link Hub
Stock Price Review
Trade ReviewMidweek Note
Validation FridayMore Posts
Disclaimer: This post is for informational purposes only and should not be considered financial advice. Always do your own research before making any trading decisions.
Paalala lang: Ang post na ito ay para sa informational purposes only at hindi dapat ituring na financial advice. Laging siguraduhing gumawa ng sarili mong research bago pumasok sa kahit anong trade o investment
👉 Kung handa ka nang i-level up ang iyong journey, Open your DragonFi account via Micro Stock Trader referral. Click here to join DragonFi.
DragonFi Lite: Investing Made for Everyone
Kung naghahanap ka naman ng mas magaang entry point sa stock market, bagay na bagay sa’yo ang DragonFi Lite — available na mismo sa MAYA app.
✅ Zero cash-in at cash-out fees – Sulit bawat piso, walang dagdag singil.
✅ No initial deposit – Pwede ka magsimula kahit maliit ang puhunan.
✅ All-in-one investing app – Lahat nasa iisang app na: savings, bills, at ngayon pati stocks.
Para sa isang Batangueñong Board Lot Warrior, swak ito kung gusto mo munang sumubok ng maliit na galaw bago mag-full throttle sa stock market. Para kang bumibili muna ng tingi sa palengke bago ka magpakilo-kilo.
👉 Kung wala ka pang MAYA account, pwede kang sumali gamit ang aming referral link para makuha ang perks. Pagkatapos, open mo lang ang DragonFi Lite sa:
MAYA > Grow My Money > Stocks > DragonFi
Ito ang tunay na kahulugan ng “Investing made for everyone.”
Isang tanong ang pumasok sa isip ko habang nakatingin sa chart—“Anong gagawin ko kung may mag-abot sa akin ng isang milyong piso, cash, at walang hinihinging kapalit?”
Walang kondisyon. Walang tanong. Walang habol.
Isang milyong pisong biglaang dumating.
Hindi galing sa sugal. Hindi hiram.
Malinis. Legal. Bigay.
Rizq—kung tutuusin.
Pero ang tanong ay hindi lang “anong bibilhin ko?”
O “saan ko i-invest?”
Kundi—“Kaya ko bang panindigan ang 10-Step Strategy ko, kung ganito kalaki ang hawak ko?”
Capital Allocation: ₱400,000
Objective: This portfolio seeks long-term growth from fundamentally strong, ethically aligned, and ideally Shariah-compliant businesses.
Hindi lang basta technical setup ang basehan—pinag-isipan din kung saan nanggagaling ang kita, at kung ito ba ay halal ang pinagmulan.
Objective: To generate passive income from a selection of halal-screened REITs and dividend-paying companies that pass ethical and Shariah filters.
Ito ang bahagi ng portfolio na tumatanggap ng biyaya habang natutulog ka, pero hindi mula sa haram.
Objective: To capture capital appreciation from undervalued or temporarily beaten-down companies showing signs of recovery—without crossing the ethical line.
Not every good trade is clean, and not every clean trade is good. Kaya dito sinusubok ang balance ng puso at diskarte.
Objective: To execute short- to mid-term tactical trades using ₱10,000 per board lot based on the Hybrid 10-Step Strategy, with real money and real-time conviction—under the mindset of a Board Lot Warrior.
Hindi ito simulation. Hindi ito paper trade. Ito ang totoong laban, gamit ang disiplina at dasal.
Objective: To maintain spiritual discipline and financial humility by leaving room—intentionally—for:
- 📉 Market patience
- 🤲 Giving opportunities
- ⚠️ Emergency trades
- 🛑 Delayed entry signals
- 💔 Life’s unplanned tests
This fund is not for stock picks.
This is for the moments when you choose not to act, because the best decision is sometimes to wait, or give.






















No comments:
Post a Comment