Showing posts with label Price Acceptance. Show all posts
Showing posts with label Price Acceptance. Show all posts

Saturday, January 17, 2026

Ang Wick na Tinanggap

Home › Micro Harvesting › Mindset & Lived Experience › Ang Wick na Tinanggap

Illustration ng stock candlestick na may mahabang lower wick, sumisimbolo sa pagtanggap ng bentahan at price support sa Micro Harvesting context.
Isang mahabang lower wick, isang tahimik na palitan—at presyong may sumalo.

👉 Explore the full Micro Harvesting framework →

Hindi lahat ng biglang baba ay senyales ng takot.
Minsan, isa lang itong alok—at may handang tumanggap.

← Previous | Next → | 📘 Micro Harvesting Series Index | 📊 Public Dashboard II


Related Posts


Nilalaman

1️⃣ Ang Punto ng Usapan
2️⃣ Ang Dating Paniniwala
3️⃣ Ang Binagong Pananaw
4️⃣ Paano Ito Umaandar
5️⃣ Pangwakas na Kaisipan


Ang Punto ng Usapan

Ano ang ibig sabihin ng mahabang lower wick?
At bakit sa Micro Harvesting, hindi ito dahilan para matakot—kundi para umintindi?


Ang Dating Paniniwala

Kapag may mahabang wick sa baba:

  • “May masamang balita”

  • “May nagbubuhos”

  • “Delikado ’yan”

Kaya ang reflex:

Iwas. Takbo. Hintay.


Ang Binagong Pananaw

Sa Micro Harvesting, ang lower wick ay hindi babala.
Ito ay patunay na may tumanggap ng bentahan.

Hindi lahat ng gustong magbenta ay may gustong manakot.
Minsan, may gusto lang talagang lumabas.


Paano Ito Umaandar

Para humaba ang lower wick, dalawang bagay ang kailangang mangyari:

  1. May gustong magbenta sa mas mababang presyo

  2. May handang bumili sa presyong ’yon

Kung walang buyer, tuloy-tuloy lang ang bagsak.
Kung may buyer, ibinabalik ang presyo pataas.

Iyon ang wick.


Pangwakas na Kaisipan

Ang lower wick ay hindi pangako ng pag-akyat.
Ito ay paalala lang na may presyong tinanggap ng merkado.

At kung may tinatanggap—
may lugar para magtrabaho ang sistema.


☕ Isang Kwento sa Merkado

Hindi ito aral. Obserbasyon lang.

May mga sandali na biglang bumababa ang presyo.

Minsan mabilis, minsan tahimik lang.

May mga nagbebenta:

  • Dahil takot

  • Dahil pagod

  • Dahil hindi na tugma sa plano nila

At sa gitna ng lahat ng iyon,
may kandilang nag-iiwan ng mahabang buntot sa baba.

Hindi iyon sigaw.
Hindi rin drama.

Para lang itong bulong ng merkado:

“May gustong magbenta dito — salamat.”

At may sumagot:

“Sige, akin na.”

Walang palakpakan.
Walang announcement.

Pero may palitan.

Sa Micro Harvesting, sapat na ang ganitong senyales para malaman:

  • May demand

  • May sumasalo

  • May konteksto ang galaw

Hindi mo kailangang hulaan kung bottom na.
Hindi mo kailangang magmadali.

Ang mahalaga, alam mo kung nasaan ang presyong tinatanggap.


🔗 Quick Links

Micro Stock Trader Global Index · Micro Harvesting Master Index


📌 Shariah Compliance Advisory (Updated Nov 26, 2025)

The PSE has confirmed that its Shariah screening program is currently paused, with no new lists to be released until their internal review is completed. Although news outlets reported quarterly updates up to mid-2025, these later lists are no longer accessible on the PSE website.

For now, the PSE’s Shariah-Compliant Securities page and all past lists have been removed from the public website. The December 24, 2024 list is the last official version in Micro Stock Trader’s possession, downloaded before the page was taken down, although other investors may still hold later copies such as the reported July 4, 2025 release.

All halal-focused strategies under Micro Stock Trader will use a conservative, self-screened approach until official guidance resumes, in shā’ Allāh.


Disclaimer

This post is for educational and documentation purposes only. It is not investment advice. Perform your own due diligence and consult qualified financial professionals before making investment decisions. All strategies, frameworks, and examples described here reflect the personal methodologies of Micro Stock Trader and are not guarantees of future performance.


Illustration of a calm, disciplined trader reviewing charts and layered ladders, symbolizing the transformation of the Board Lot Warrior ecosystem in 2025.
Micro Stock Trader Blog
Board Lot Warrior
Ang Inyong Batangueñong Retail Stock Trader

Home | About UsContact Us | Privacy Policy | Terms of Use | Disclaimer

GAWLOO: Ang Lugawang May Sarap ng Southeast Asia — Gawa ng Batangueñong Galing Abroad

Kung taga-Rosario, Batangas ka at nag-crave ka ng lugaw na may level-up na twist—eto na ang sagot sa panalangin ng sikmura mo: GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience.

Kung taga-Rosario, Batangas ka at nag-crave ka ng lugaw na may level-up na twist—eto na ang sagot sa panalangin ng sikmura mo: GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience.

GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience facade

📍 Matatagpuan sa V. Escaño St., Brgy. C, Rosario Batangas, si GAWLOO ay hindi lang basta kainan — isa siyang kwento ng pangarap, passion, at panlasang umikot sa Asia.


GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience Dine-In

Ang may-ari, si Jay Ubana, ay isang Batangueñong cook na nagtrabaho sa Singapore at Dubai ng 12 taon. Sa dami ng napuntahan niyang bansa—Hong Kong, Taiwan, Singapore—natutunan niyang i-appreciate ang iba't ibang bersyon ng congee. “Paborito talaga ng mga Pinoy ang lugaw,” wika ni Jay, “Kahit anong oras, kahit anong pakiramdam—masarap maglugaw.”

⭐ Lasa't Alaala sa Bawat Higop

Hindi lang basta lugaw, kundi southeast Asian-inspired congee na may toppings na mala-ulam sa sarap:

Kung taga-Rosario, Batangas ka at nag-crave ka ng lugaw na may level-up na twist—eto na ang sagot sa panalangin ng sikmura mo: GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience.

GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience facade

🍲 Seafood Gawloo at Lechon Gawloo — ang kanilang best-sellers na puwedeng pang-breakfast o pang-dinner.

🍛 Mix & Match Toppings: Tuwalya, Chicharon Bulaklak, Atay, Chicken, Fried Tokwa at iba pa.

🍗 Rice Meals tulad ng Chao Fan with Pork Siomai, Chicharon Bulaklak, o Lechon Kawali — swak sa mga ayaw ng sabaw pero gusto pa rin ng siksik sa lasa.

🧋 Drinks? May Black Gulaman at Lychee para pampawi ng uhaw habang humihigop ka ng mainit-init na lugaw.

💸 Presyo na Kayang-Kaya

Hindi mo kailangang bumyahe pa sa abroad para matikman ang ganitong congee—₱80 lang ang Small Bowl na may 1 Topping, at kung mas gutom ka, may Large Bowl for ₱90. Pwede ka ring magpa-top up ng 2, 3 o 4 na toppings para sa ultimate lugaw overload!

🤳 Para sa mga G na umorder online

Pwede kang magpa-deliver! Text o tawag lang sa 09397785658. Hanapin lang ang GAWLOO sa Facebook para sa menu at updates.


Sa totoo lang, sa bawat higop ng lugaw sa GAWLOO, parang may yumayakap sa’yo—maalala mo si Nanay o si Lola na nagluluto ng lugaw tuwing masama ang pakiramdam mo. Ngayon, kahit wala si Nanay sa tabi mo, may GAWLOO ka sa Rosario.

Supportahan natin ang lokal! Tikman ang lugaw na may kwento. Tikman ang GAWLOO.

Featured Post

Nakaligtas Hindi Dahil Tama ang Hula

Home › Micro Harvesting Series › Mindset & Lived Experience › 10-Day Reflection Arc  › Day 10 Ang sistema ay nabubuhay hindi sa hula, k...