Showing posts with label ICT Stock Study. Show all posts
Showing posts with label ICT Stock Study. Show all posts

Tuesday, July 28, 2026

MH Operator Journal 1: Nang Nagbenta Kami ng 50 ICT Shares sa ₱1,002

HomeBoard Lot WarriorMicro HarvestingMicro Harvesting 2.0 › MH Operator Journal › Bollinger Reversion Series › ICT › Entry 1

ICT daily chart showing a 50-share partial harvest at ₱1,002, followed by a close at ₱982 under the MH Operator Journal.
Unang ICT transaction matapos ang stock study: isang 50-share partial harvest sa ₱1,002 at isang honest review ng operator discretion.

👉 Explore the full Micro Harvesting 2.0 framework
👉 Start Here | CSSC Learning Series | MH Application Series | MH Operator Journal

Pagkatapos ng anim na bahagi ng ICT Stock Study, dumating agad ang unang totoong test ng operator. Hindi ito textbook-perfect, at hindi rin namin ipagkukunwaring ganoon—pero maliit ang deviation, malinaw ang dahilan, at may governance lesson na kailangang isulat habang sariwa pa.

Originally published: July 28, 2026 · Last updated: July 28, 2026

Links to related posts


Nilalaman

Ang Punto ng Usapan

Ito ang unang entry ng aming MH Operator Journal for ICT—at siya ring unang actual transaction pagkatapos naming tapusin ang buong ICT Stock Study.

Nagbenta kami ng 50 ICT shares at ₱1,002.

Ang position bago ang transaction ay 500 shares, kaya nanatili ang 450 shares bilang pangunahing Core Anchor exposure. Hindi ito malaking exit. Hindi rin ito full harvest. Isang maliit na partial harvest lamang ito—10% ng position—habang sinusubukan naming i-apply sa totoong market ang mga natutunan namin sa valuation, technical analysis, risk management, at portfolio governance.

At dito agad naging interesting ang unang journal entry.

Kasi sa totoo lang, hindi namin dapat ginawang basehan ang simpleng pakiramdam ng operator.

Pero ginawa pa rin namin.

Ay, siya.

Ang Dating Paniniwala

Matagal nang may particular na ugali ang ICT sa aming karanasan.

Kapag nagbenta kami, tila lalo pang umaakyat ang presyo. Parang hinihintay lamang ang sell order bago lumipad. Kapag gusto naming bumalik, mas mataas na ang re-entry price at mas mahirap nang habulin.

Dahil dito, natural na naging maingat kami sa pag-rotate ng ICT. Malakas ang long-term trend, mataas ang quality ng negosyo, at may tendency ang presyo na hindi agad bumalik kapag nakawala na pataas.

Ito rin ang dahilan kung bakit itinuring namin itong Core Anchor, hindi ordinaryong rotation stock.

Sa MH 2.0 governance, malinaw sana ang prinsipyo: hindi dapat sapat ang operator feeling. Kailangan may role confirmation, valuation context, technical evidence, risk budget, at malinaw na effect sa portfolio architecture bago mag-execute.

Kung strict textbook process ang susundin, dapat documented muna ang trigger bago ang order.

Sa pagkakataong ito, nauna ang order bago namin ganap na ma-formalize ang trigger.

Ang Binagong Pananaw

May dahilan naman kung bakit kami kumilos.

Sa daily chart, may attempt ang ICT na bumalik patungo sa upper Bollinger Band. Ang upper band noon ay nasa paligid ng ₱1,037.50, habang ang 20-day moving average ay nasa paligid ng ₱965.

Sa pagitan ng dalawang iyon, nakita namin ang ₱1,002 area bilang possible resistance zone.

Hindi namin inaasahang basta-basta maaabot muli ang upper band. Batay sa conservative FCFF valuation natin, nasa paligid ng ₱995 ang fair-value reference. Habang lumalayo ang market price roon, maaaring mas maging mabagal at mas mahirap ang susunod na leg upward.

Hindi ibig sabihin na bawal nang lumampas sa fair value ang presyo. Kaya naman ng market iyan—minsan sobra-sobra pa.

Pero para sa isang maliit na partial harvest, naging mahalaga ang kombinasyon ng:

  • presyo above conservative fair value;
  • resistance around ₱1,002;
  • failed attempt na manatili sa mas mataas na bahagi ng Bollinger range;
  • at maliit na harvest quantity na hindi sisira sa Core Anchor.

Nag-close ang ICT sa ₱982 sa araw ding iyon.

Hindi nito pinatutunayang tama ang operator intuition bilang permanenteng trading method. Pero sa particular na araw na iyon, nagkaroon ng rejection sa ₱1,002 area at bumalik ang presyo nang ₱20 bago ang close.

Paano Ito Umaandar

Ang 50 shares na naibenta sa ₱1,002 ay may gross proceeds na:

₱1,002 × 50 = ₱50,100

Using our exact total selling transaction fees rate of 0.3950%, ang estimated net proceeds ay approximately:

₱50,100 × (1−0.00395) = ₱49,902.11

Ang net cost basis ng 50 shares, gamit ang average net buy price na ₱973.5377, ay:

₱973.5377 × 50 = ₱48,676.89

Kaya ang estimated realized net harvest ay:

₱1,225.22

Equivalent iyon sa approximately ₱245 net harvest per 10-share board lot.

Pero mas mahalaga sa journal na ito ang process kaysa sa amount.

Hindi pa kumpleto ang rotation cycle.

Ang partial harvest ay isang leg lamang. Ang susunod na tanong ay kung ibibigay ng market ang refill near the previous average cost of ₱973.5377.

Mula sa ₱982 closing price, nasa paligid lamang ng 0.86% ang kinakailangang pagbaba upang bumalik doon. Batay sa historical observations natin, hindi malayong mangyari ang ganoong retracement—but it is not guaranteed.

Sa mga comparable historical harvest events, bahagyang higit sa kalahati ang bumalik sa refill-equivalent level within 10 trading days. Historical frequency iyon, hindi promise para sa susunod na dalawang linggo.

Kaya hindi namin ituturing ang ₱973.5377 bilang obligadong re-entry.

It remains an option.

Kapag bumalik, may refill opportunity. Kapag hindi bumalik, nananatili pa rin ang 450-share Core Anchor at hindi nawawala ang exposure sa possible continuation ng ICT.

Dito pumapasok ang governance value ng maliit na harvest size.

Limited ang upside na na-rotate, pero limited din ang risk na maiwan ng presyo.

Pangwakas na Kaisipan

Ang unang MH Operator Journal entry ay hindi kuwento ng perfect execution.

Mas honest sigurong sabihin na ito ay isang good outcome from an imperfectly governed decision.

May valuation basis. May technical observation. May position-size control. Pero may operator discretion ding hindi pa malinaw na nakasulat bilang formal rule bago kami nagbenta.

Kaya maliit lamang ang deviation na nais naming aminin dito.

Hindi namin tinalikuran ang MH 2.0 governance. Pero may sandaling nauna ang judgment bago ang documentation.

Ang lesson ay hindi “tama ang kutob.”

Ang lesson ay kailangang gumawa ng governance space para sa bounded discretion—isang maliit, documented, at risk-limited action kapag sabay-sabay ang valuation stretch, technical resistance, at preserved Core Anchor exposure.

Malay natin, may taga-PSE-Ateneo CSSC ngang mapadpad dito isang araw.

At least hindi natin sasabihing perfect ang process dahil lamang kumita ang trade.

Mas mahalaga pa rin ang tanong:

Kaya ba nating ipaliwanag ang ginawa, sukatin ang risk, tanggapin ang possibility na hindi bumalik ang presyo, at gamitin ang experience para gawing mas malinaw ang susunod na decision?

Sa ngayon, iyon ang unang entry ng journal.

Nagbenta kami ng 50 ICT shares sa ₱1,002.

Nag-close ang presyo sa ₱982.

May harvest na.

Ang refill, nasa kamay pa rin ng market.


Shariah Compliance Advisory (Updated Nov 26, 2025)

The PSE has confirmed that its Shariah screening program is currently paused, with no new lists to be released until their internal review is completed. Although news outlets reported quarterly updates up to mid-2025, these later lists are no longer accessible on the PSE website.

For now, the PSE’s Shariah-Compliant Securities page and all past lists have been removed from the public website. The December 24, 2024 list is the last official version in Micro Stock Trader’s possession, downloaded before the page was taken down, although other investors may still hold later copies such as the reported July 4, 2025 release.

All halal-focused strategies under Micro Stock Trader will use a conservative, self-screened approach until official guidance resumes, in shā’ Allāh.

Ang post na ito ay bahagi ng aming personal learning journey sa securities analysis at portfolio governance. Ang mga konseptong may kaugnayan sa interest-based instruments, conventional bonds, preferred shares, o iba pang financial arrangements ay binabanggit lamang bilang bahagi ng academic coverage ng module at hindi bilang rekomendasyon o endorsement.

Disclaimer

This post is for educational and documentation purposes only. It is not investment advice. Perform your own due diligence and consult qualified financial professionals before making investment decisions. All strategies, frameworks, and examples described here reflect the personal methodologies of Micro Stock Trader and are not guarantees of future performance.


Illustration of a calm, disciplined trader reviewing charts and layered ladders, symbolizing the transformation of the Board Lot Warrior ecosystem in 2025.
Micro Stock Trader Blog
Board Lot Warrior
Ang Inyong Batangueñong Retail Stock Trader

Home | About UsContact Us | Privacy Policy | Terms of Use | Disclaimer

Sunday, July 26, 2026

ICT Stock Study 6: Capital Allocation ng Isang Core Anchor

HomeBoard Lot WarriorMicro HarvestingMicro Harvesting 2.0 › MH Application Series › ICT Stock Study › ICT Capital Allocation

ICT Stock Study 6 banner showing valuation-led capital allocation, VaR, SDA refill layers, dry powder, and Core Anchor governance.
Sa culmination ng ICT Stock Study, pinagsasama-sama natin ang fundamentals, technicals, valuation, risk, SDA architecture, at dry powder upang tukuyin ang nararapat na capital allocation ng isang Core Anchor.

👉 Explore the full Micro Harvesting 2.0 framework
👉 Start Here | CSSC Learning Series | MH Application Series | MH Operator Journal

Pagkatapos ng fundamental analysis, technical analysis, FCFF valuation, at risk assessment, dumating tayo sa culmination ng ICT Stock Study: gaano kalaking kapital ang nararapat ilaan kay ICT bilang Core Anchor?

Hindi sapat na maganda ang kumpanya. Kailangan ding malinaw kung magkano ang ilalagay, saan manggagaling ang pondo, at gaano karaming risk at liquidity ang kayang dalhin ng buong portfolio.

Originally published: July 26, 2026 · Last updated: July 26, 2026

Links to related posts


Nilalaman

Ang Punto ng Usapan

Ito ang ikaanim at culmination post ng aming ICT Stock Study.

Sa mga naunang bahagi, unti-unti naming sinuri ang International Container Terminal Services, Inc. o ICT mula sa iba’t ibang anggulo.

Tiningnan namin ang:

  • business model at financial condition;
  • technical structure gamit ang MH 2.0 TMA Gate Score;
  • estimated fair value gamit ang FCFF;
  • at market, concentration, liquidity, business, at operator risks ng isang Core Anchor position.

Sa Risk Management post, binigyan din namin ng aktuwal na numero ang market risk.

Sa 500-share ICT position at ₱969 reference price, lumabas ang estimated 1-day 99% Historical Value-at-Risk na humigit-kumulang ₱28,975, habang ang 1-day 99% Delta-Normal VaR ay humigit-kumulang ₱27,601, o around 5.70% ng position.

Ngayon, pagsasamahin natin ang lahat ng inputs na iyon upang sagutin ang pangunahing tanong ng serye:

Gaano kalaking kapital ang nararapat ilaan kay ICT bilang Core Anchor?

Hindi na lamang ito tanong tungkol sa ganda ng kumpanya.

Hindi rin ito simpleng tanong kung puwedeng bumili.

Capital allocation is the process of deciding how much of our limited portfolio capital should be assigned to a particular opportunity, considering its quality, expected return, valuation, risk, liquidity, and role in the entire system.

Sa puntong ito, hindi na sapat ang sabihing gusto namin ang ICT.

Kailangan nang tukuyin kung gaano kalaking bahagi ng portfolio ang kaya at nararapat nitong hawakan.


Ang Dating Paniniwala

Noong mas simple pa ang ating Micro Harvesting process, ang capital allocation ay kadalasang nabubuo habang bumibili.

May stock na gumaganda ang chart.

May stock na bumababa sa refill zone.

May stock na gusto nating dagdagan dahil mukhang mura.

Habang sunod-sunod ang transactions, saka lamang natin napapansin na lumaki na pala ang position.

May allocation nga sa spreadsheet, pero minsan ang actual deployment ay resulta ng sunod-sunod na tactical decisions kaysa isang malinaw na portfolio decision.

Doon nagkakaroon ng disconnect.

Maaaring valid ang bawat individual buy.

Pero kapag pinagsama-sama, baka hindi na valid ang resulting concentration.

Aba’y posible palang tama ang bawat maliit na desisyon, pero mali ang kabuuang position size.

Ito ang problemang gustong ayusin ng MH 2.0.

Hindi natin gustong malaman lamang kung saan bibili.

Gusto rin nating malaman kung hanggang saan lamang dapat lumaki ang position.


Ang Binagong Pananaw

Sa bagong pananaw, ang capital allocation ay hindi nagsisimula sa number of shares.

Nagsisimula ito sa portfolio role.

Sa MH 2.0, ang bawat stock ay kailangang may malinaw na tungkulin.

May mga stock na pangunahing dividend harvesters.

May mga stock na ginagamit para sa medium-volatility rotation.

May technical probes.

May recovery positions.

At mayroon tayong Core Anchor o Special Engine.

Ang ICT ang kasalukuyang kandidato para sa papel na ito.

Bilang Core Anchor, inaasahan nating mas malaki ang contribution nito sa portfolio kaysa sa ordinaryong position. Maaari itong makatanggap ng mas malaking capital allocation kapag suportado ng fundamentals, valuation, technical condition, at risk capacity.

Pero hindi ibig sabihin nito na exempted na ang ICT sa discipline.

Sa katunayan, habang lumalaki ang position, mas kailangang mahigpit ang governance.

Ang pagiging Core Anchor ay hindi license para mag-concentrate nang walang limit.

Ito ay pahintulot lamang na maglaan ng mas malaking kapital kapag may sapat na dahilan at kayang dalhin ng buong portfolio ang downside.


Paano Ito Umaandar

Pagsasama-sama ng ICT Study

Ang capital-allocation decision ay hindi dapat manggaling sa isang indicator lamang.

Hindi sapat ang magandang fundamentals kung masyadong mahal ang presyo.

Hindi sapat ang murang valuation kung mahina ang negosyo.

Hindi sapat ang bullish technical setup kung wala nang liquidity ang portfolio.

At hindi sapat na kaya nating bumili kung hindi natin kayang dalhin ang potential loss.

Kaya sa ICT, pinagsasama natin ang apat na pangunahing inputs:

Fundamental analysis para malaman kung anong klaseng negosyo ang paglalaanan natin ng kapital.

Technical analysis para makita ang current price condition at timing environment.

Valuation para magkaroon ng reference kung reasonable ba ang presyong binabayaran.

Risk assessment para malaman kung gaano kalaking downside ang maaaring dalhin ng resulting position.

Kapag pinagsama ang apat, saka pa lamang nagiging portfolio decision ang isang stock idea.


Ang Kasalukuyang ICT Position

Sa kasalukuyan, mayroon kaming 500 ICT shares na may average net cost na ₱973.5377.

Sa ₱969 reference price, ang market value ng position ay humigit-kumulang ₱484,500.

Sa aming conservative FCFF case, lumabas ang:

  • estimated fair value na ₱995;
  • valuation-based buy-below price na ₱945;
  • market reference price na ₱969;
  • at actual average cost na ₱973.5377.

Magkakalapit ang market price, average cost, at conservative fair value.

Hindi malinaw na sobrang mura ang ICT sa puntong ito.

Hindi rin malinaw na mahal ito relative sa conservative estimate.

Nasa lugar ito kung saan ang existing position ay maaaring suportado ng valuation, pero ang fresh capital ay kailangang maging mas selective.

Iyon ang mahalagang distinction:

Ang pagiging acceptable ng existing shares ay hindi awtomatikong permission para dagdagan ang position sa anumang presyo.


Capital Allocation Gate 1: Portfolio Role

Unang tanong:

Ano ang trabaho ng ICT sa portfolio?

Hindi natin ito tinatrato bilang ordinaryong medium-volatility rotation stock lamang.

Ang ICT ay inilalagay sa Core Anchor / Special Engine role dahil sa business quality, historical portfolio contribution, liquidity, at potential nitong maging pangunahing growth and rotation engine ng MH.

Dahil mas mahalaga ang role nito, maaaring mas mataas ang allocation kaysa sa ibang individual stocks.

Pero ang mas mataas na allowance ay hindi automatic deployment.

Ang role ay nagbibigay lamang ng potential capacity.

Hindi nito pinapalitan ang valuation at risk controls.


Capital Allocation Gate 2: Valuation

Ang valuation ang tumutulong sagutin kung anong presyo ang reasonable para sa bagong capital.

Sa conservative case:

  • ₱995 ang estimated fair value;
  • ₱945 ang valuation-based buy-below threshold;
  • at ₱969 ang market reference price.

Ibig sabihin, ang market price ay nasa ilalim ng estimated fair value pero nasa ibabaw ng mas selective buy-below threshold.

Hindi ito malinaw na bargain zone.

Kaya sa current valuation context, mas madaling suportahan ang paghawak kaysa ang agresibong pagdagdag.

Ang buy-below price ay hindi automatic buy signal.

Isa lamang itong valuation permission.

Kailangan pa rin itong dumaan sa technical, liquidity, concentration, at risk gates.


Capital Allocation Gate 3: Technical Condition

Ang valuation ay nagsasabi kung anong presyo ang maaaring reasonable.

Ang technical analysis naman ang tumutulong makita kung paano kumikilos ang market sa kasalukuyan.

Sa MH 2.0, ginagamit natin ang TMA Gate Score para tingnan ang:

  • SMA-50;
  • EMA-200 ribbon;
  • MACD;
  • RSI;
  • at volume condition.

Ang magandang technical score ay maaaring magbigay ng permission para mag-test o magdagdag.

Pero hindi nito pinapalitan ang capital-allocation ceiling.

Kahit mataas ang TMA Gate Score, hindi dapat lumaki ang position beyond what the portfolio can responsibly carry.

Ang technical setup ay timing gate.

Hindi ito concentration waiver.


Capital Allocation Gate 4: Risk Budget

Dito pumapasok ang quantitative lesson mula sa Post 5.

Sa kasalukuyang 500-share position, ang estimated 1-day 99% Historical VaR ay humigit-kumulang ₱28,975. Bilang cross-check, ang 1-day 99% Delta-Normal VaR ay humigit-kumulang ₱27,601, o around 5.70% ng position.

Ang VaR ay statistical estimate ng potential loss sa specified confidence level at time horizon under normal market conditions. Sa equities, ginagamit ang number of shares, current stock price, at historical stock-price behavior upang tantiyahin ang possible loss.

Hindi ito forecast.

Hindi rin ito maximum possible loss.

Pero nagbibigay ito ng practical peso reference.

Kapag nadagdagan ang ICT shares, tataas din nang halos proportional ang estimated peso VaR, assuming similar price and return behavior.

Kaya bago magdagdag, kailangan nating itanong:

Kaya pa ba ng buong portfolio ang resulting downside nang hindi nasisira ang liquidity plan, dry powder, at capital capacity ng ibang MH positions?

Ito ang pagkakaiba ng position sizing at risk budgeting.

Sa position sizing, tinatanong natin kung magkano ang kaya nating bilhin.

Sa risk budgeting, tinatanong natin kung magkano ang kaya nating mawala nang hindi nasisira ang sistema.


From VaR to SDA Refill: Kapag Ang Risk ay Naging Prepared Opportunity

Isa sa pinakamahalagang carry-over concepts mula MH 1.0 patungo sa MH 2.0 ay ang SDA Refill Ladder.

Sa MH 1.0, ginagamit natin ang ladder upang hatiin ang accumulation sa magkakahiwalay na price zones. Hindi natin kailangang hulaan ang exact bottom. Sa halip, naghahanda tayo ng pre-mapped response kapag bumaba ang presyo.

Sa ICT, ang kasalukuyang 500 Core Anchor shares ay hiwalay sa trading shares.

Ibig sabihin, wala pang laman ang Layer 1 at Layer 2 ng SDA Refill Ladder.

Ang anchor price ay nasa ₱973.54.

Ang Layer 1 ay nagsisimula sa ₱925 pataas, habang ang Layer 2 range ay nasa ₱876.50 hanggang ₱924.50.

Batay sa risk study, ang 1-day 99% Delta-Normal VaR ng ICT ay humigit-kumulang 5.70%.

Kapag inilapat sa ₱973.54 anchor price, ang equivalent downside price ay malapit sa:

₱918 per share

Hindi ito forecast at hindi rin guaranteed support level.

Isa lamang itong statistical downside reference batay sa historical daily volatility ng ICT.

Pero may mahalagang operational meaning ang ₱918 sa ating architecture.

Ang presyong ito ay nasa loob ng Layer 2 refill zone.

Sa risk perspective, isa itong severe but historically plausible one-day decline.

Sa SDA perspective, isa naman itong pre-mapped accumulation opportunity.

Dahil empty pa ang Layer 1 at Layer 2 ng trading ladder, maaaring gamitin ang VaR-sized decline upang:

  • punuan ang Layer 1;
  • at partially fill ang Layer 2.

Ang planned accumulation ay 30 shares, equivalent sa tatlong ICT board lots.

At around ₱918 per share:

30×918=27,54030 \times ₱918 = ₱27{,}540

Para sa operational planning, iri-round natin ito sa:

₱30,000 capital requirement

Hindi ibig sabihin nito na automatic na bibili kapag umabot sa ₱918 ang presyo.

Kailangan pa ring tingnan ang TMA Gate Score, volume behavior, valuation, liquidity, at overall market condition.

Pero malinaw na ang possible response:

Ang VaR event ay hindi lamang downside na dapat katakutan. Maaari rin itong maging disciplined refill opportunity kapag handa na ang ladder at kapital.


Ang ₱150,000 Dry-Powder Plan

May regular liquidity requirement din tayong ₱50,000.

Kaya kung magsasabay ang:

  • ₱30,000 SDA accumulation;
  • at ₱50,000 liquidity withdrawal,

ang combined planned cash use ay:

30,000+50,000=80,000₱30{,}000 + ₱50{,}000 = ₱80{,}000

Sa ₱150,000 dry powder, may matitirang:

150,00080,000=70,000₱150{,}000 - ₱80{,}000 = ₱70{,}000

Ang natitirang ₱70,000 ay hindi idle cash.

Ito ang magiging reserve para sa:

  • further volatility;
  • deeper SDA layers;
  • unexpected liquidity needs;
  • at pagpapanatili ng optionality ng portfolio.

Hindi natin masasabi na walang risk dahil may ₱150,000 dry powder.

Maaaring lumampas ang actual decline sa VaR estimate. Maaari ring magpatuloy ang pagbaba pagkatapos ng Layer 2 entry.

Pero ang ₱150,000 reserve ay nagbibigay ng mas maayos na operating room upang:

  • tumugon sa VaR-sized decline;
  • bumili ng 30 planned trading shares;
  • matugunan ang liquidity requirement;
  • at hindi agad maubos ang dry powder pagkatapos ng unang action.

Dito nagiging practical ang risk management.

Hindi natin kontrolado kung bababa ang presyo.

Pero maaari nating kontrolin kung gaano tayo kahanda kapag dumating ang pagbaba.


Ang MH 2.0 Upgrade sa SDA

Dito natin makikita kung paano nag-e-evolve ang SDA mula MH 1.0 patungo sa MH 2.0.

Sa MH 1.0, ang ladder ang nagbibigay ng mapa kung saan maaaring mag-refill.

Sa MH 2.0, dinadagdagan natin ito ng:

  • quantitative risk estimate through VaR;
  • valuation reference;
  • technical gate;
  • liquidity planning;
  • at explicit dry-powder requirement.

Kaya hindi na lamang natin sinasabi:

Bumaba ang presyo, kaya puwedeng bumili.

Mas kumpleto na ang tanong:

Ang pagbaba ba ay nasa pre-mapped SDA zone, suportado ba ng risk analysis, at mayroon ba tayong sapat na dry powder upang kumilos nang hindi nasisira ang buong portfolio?

Ito ang connection ng risk management at capital allocation.

Ang VaR ang tumutulong sukatin ang posibleng downside.

Ang SDA ladder ang naghahanda ng response.

At ang ₱150,000 dry powder ang nagbibigay ng kapasidad upang maisagawa ang plan habang pinapanatili ang liquidity at optionality.

Sa ganitong paraan, ang risk ay hindi natin dini-deny.

Pinaghahandaan natin ito—at kapag dumating ang tamang kondisyon, maaari natin itong gawing disciplined accumulation opportunity.


Capital Allocation Gate 5: Liquidity at Dry Powder

Hindi hiwalay sa capital allocation ang liquidity.

May regular cash requirements ang portfolio. Mayroon ding pangangailangan na mapanatili ang dry powder para sa:

  • future refill opportunities;
  • market-wide selloffs;
  • liquidity withdrawals;
  • portfolio repair;
  • at better-valued opportunities sa ibang stocks.

Kapag inilagay natin ang sobrang malaking bahagi ng kapital sa ICT, maaaring maging tama ang stock thesis pero mahina ang portfolio flexibility.

At kapag nawala ang flexibility, maaaring mapilitan tayong magbenta sa hindi magandang panahon.

Kaya hindi sapat na may buying power ngayon.

Kailangan ding tingnan kung ano ang matitira pagkatapos ng buy.

Ang dry powder ay hindi idle money.

Ito ay strategic optionality.


Capital Allocation Gate 6: Concentration

Sa evolving MH 2.0 architecture, itinaas natin ang working Core Anchor target hanggang 40% ng portfolio.

Pero mahalagang malinaw ang kahulugan nito.

Ang 40% ay hindi automatic destination.

Hindi rin ito immediate purchase instruction.

Isa lamang itong maximum working capacity para sa Core Anchor role, subject sa valuation, technical condition, liquidity, at risk budget.

Habang lumalaki ang ICT position, lumalaki rin ang contribution nito sa portfolio.

Pero lumalaki rin ang dependency ng portfolio sa iisang kumpanya.

Kaya ang tanong ay hindi lamang:

Kaya ba nating pondohan ang 40%?

Ang mas mahalagang tanong ay:

Kaya ba nating dalhin ang downside ng 40% concentration nang hindi naaapektuhan ang buong MH Money Machine?

Maaaring tama ang 40% sa isang period at masyadong mataas sa iba.

Maaaring suportado ito kapag malaki ang valuation discount, malakas ang technical structure, at sapat ang liquidity.

Maaaring hindi ito nararapat kapag maliit ang margin of safety, mataas ang peso VaR, o may mas magandang allocation opportunity sa ibang stocks.

Ang target ay guide.

Hindi ito utos.


Capital Allocation Gate 7: Comparative Opportunity

Hindi maaaring suriin ang ICT nang nakahiwalay sa buong portfolio.

Ang capital allocation ay relative decision.

Bawat pisong ilalagay sa ICT ay pisong hindi mapupunta sa ibang position.

Kaya kailangan ding ihambing ang ICT sa iba pang major portfolio holdings, kabilang ang TEL at URC.

Ang TEL ay may papel bilang Low Volatility Dividend Harvester at Recovery Anchor.

Ang URC ay malaking Medium Volatility position na nangangailangan pa ng recovery at possible portfolio repair.

Ang ICT naman ang kandidato bilang Core Anchor at primary special engine.

Hindi nangangahulugang dahil pinakamaganda ang ICT sa isang metric ay dapat dito mapunta ang lahat ng bagong capital.

Kailangan pa ring tingnan:

  • saan pinakamalaki ang valuation gap;
  • saan pinakamalinaw ang expected harvest source;
  • saan pinakamataas ang recovery need;
  • saan pinakamabigat ang existing deployment;
  • at saan pinakamaganda ang paggamit ng susunod na piso ng capital.

Ito ang tinatawag nating opportunity cost.

Ang mahusay na capital allocation ay hindi lamang pagpili ng magandang stock.

Ito ay pagpili kung alin sa magagandang o kinakailangang portfolio uses ang may pinakamataas na priority.


Existing Shares Versus Fresh Capital

Isa sa pinakamahalagang distinction sa ICT study ay ang pagkakaiba ng existing position at bagong deployment.

Mayroon na tayong 500 Core Anchor shares.

Ang mga shares na ito ay may sariling history, average cost, risk exposure, at role sa portfolio.

Hiwalay dito ang trading shares na dadaan sa SDA Refill Ladder.

Hindi natin kailangang tratuhin ang bawat araw na parang nagsisimula tayo sa zero.

Maaaring valid na panatilihin ang existing position kahit hindi pa attractive ang presyo para sa fresh capital.

Maaaring valid ding huwag munang magdagdag kahit naniniwala pa rin tayo sa kumpanya.

At maaari ring valid na magbukas lamang ng maliit na trading position kapag bumaba ang presyo sa pre-mapped zone.

Ito ang optionality discipline ng MH 2.0.

Ang paghawak ay isang decision.

Ang pagdagdag ay ibang decision.

Ang pag-rebalance ay isa ring hiwalay na decision.

Hindi kailangang pare-pareho ang sagot sa tatlo.


Capital Allocation Is Not an Order

Sa lumang mindset, madaling gawing execution instruction ang isang target.

Kapag sinabing 40% ang Core Anchor allocation, maaaring isipin na kailangan itong punuin.

Pero sa MH 2.0:

Allocation capacity is not deployment obligation.

Ang target allocation ay nagsasabi kung gaano kalaki ang maaaring payagan ng architecture.

Hindi nito sinasabi kung kailan, sa anong presyo, at gaano kabilis dapat makarating doon.

Maaaring manatili ang ICT below target habang hinihintay ang:

  • mas magandang valuation;
  • technical pullback;
  • mas malinaw na risk-reward;
  • pagbuti ng liquidity;
  • o capital release mula sa ibang positions.

Maaari ring pansamantalang lumampas sa target kung may malinaw na governance justification.

Pero ang anumang overdeployment ay kailangang explicit, documented, at hindi accidental.


Ang Provisional Capital Allocation Decision

Batay sa kasalukuyang findings, may sapat na dahilan upang panatilihin ang ICT bilang Core Anchor / Special Engine ng MH 2.0.

Ang 500-share Core Anchor position ay may meaningful participation sa potential upside at nagbibigay ng sapat na operational scale para sa future rotation.

Pero sa current reference price na ₱969:

  • malapit ang market price sa conservative fair value na ₱995;
  • nasa ibabaw ito ng ₱945 valuation-based buy-below threshold;
  • at ang existing position ay mayroon nang one-day historical risk estimate na humigit-kumulang ₱29,000.

Dahil dito, ang current allocation decision ay hindi automatic aggressive expansion.

Mas angkop itong ilarawan bilang:

Maintain the 500-share Core Anchor, preserve the ₱150,000 dry-powder plan, and allow up to 30 trading shares only when the SDA, valuation, technical, liquidity, and risk conditions align.

Hindi ibig sabihin nito na bawal nang magdagdag.

Ibig sabihin lamang, ang karagdagang deployment ay kailangang kumita muna ng permission mula sa buong governance framework.

Ang 40% Core Anchor allocation ay mananatiling working capacity.

Hindi pa ito standing order na punuin agad.


Pangwakas na Kaisipan

Ang capital allocation ang culmination ng ICT Stock Study dahil dito nagsasama-sama ang lahat ng naunang analysis.

Ang fundamental analysis ang tumulong sa amin na kilalanin kung anong klaseng negosyo ang ICT.

Ang technical analysis ang nagbigay ng structure sa timing at price behavior.

Ang FCFF valuation ang nagbigay ng reference sa estimated value at buy-below threshold.

Ang risk assessment naman ang nagsalin ng concentration at volatility sa practical peso exposure.

At ang SDA Refill Ladder ang nagbigay ng disciplined response kapag dumating ang downside.

Sa kasalukuyan, mayroon tayong:

  • 500 ICT Core Anchor shares;
  • ₱973.5377 average net cost;
  • ₱969 market reference price;
  • ₱995 conservative estimated fair value;
  • ₱945 valuation-based buy-below price;
  • humigit-kumulang ₱29,000 estimated 1-day 99% Historical VaR;
  • around ₱918 Delta-Normal VaR-equivalent price;
  • planned 30-share SDA accumulation;
  • at ₱150,000 dry-powder reserve.

Hindi awtomatikong sinasabi ng mga numerong ito na bumili, magbenta, o manatili.

Ang ginagawa nila ay gawing mas malinaw ang trade-off.

Kapag dinagdagan natin ang ICT, tumataas ang participation sa potential upside.

Pero kasabay nito, tumataas din ang concentration, liquidity commitment, at potential peso loss.

Kaya ang 40% Core Anchor allocation ay mananatiling option, hindi obligation.

Maaari lamang itong lapitan kapag suportado ng:

  • business quality;
  • valuation;
  • technical condition;
  • liquidity capacity;
  • risk budget;
  • SDA architecture;
  • at comparative opportunity sa buong portfolio.

Aba’y hindi na lamang pala tanong kung maganda ang kumpanya.

Hindi rin sapat na itanong kung mura ang stock.

Ang tunay na capital-allocation question ay:

Gaano kalaking ICT position ang sapat para makinabang sa opportunity—pero hindi sobrang laki upang ilagay sa alanganin ang buong portfolio?

Dito nagtatapos ang unang ICT Stock Study.

Pero dito rin nagsisimula ang mas mahalagang bahagi ng MH 2.0.

Hindi na lamang tayo naghahanap ng magandang stock.

Pinag-aaralan na rin natin kung gaano kalaking tiwala, kapital, dry powder, at risk ang nararapat nating ilagay rito.

At sa huli, iyon ang trabaho ng capital allocation:

Hindi ang hulaan kung aling stock ang pinakamalaking tataas, kundi ang tiyaking ang bawat piso ng kapital ay may malinaw na papel, sapat na dahilan, at kayang dalhing downside.


Shariah Compliance Advisory (Updated Nov 26, 2025)

The PSE has confirmed that its Shariah screening program is currently paused, with no new lists to be released until their internal review is completed. Although news outlets reported quarterly updates up to mid-2025, these later lists are no longer accessible on the PSE website.

For now, the PSE’s Shariah-Compliant Securities page and all past lists have been removed from the public website. The December 24, 2024 list is the last official version in Micro Stock Trader’s possession, downloaded before the page was taken down, although other investors may still hold later copies such as the reported July 4, 2025 release.

All halal-focused strategies under Micro Stock Trader will use a conservative, self-screened approach until official guidance resumes, in shā’ Allāh.

Ang post na ito ay bahagi ng aming personal learning journey sa securities analysis at portfolio governance. Ang mga konseptong may kaugnayan sa interest-based instruments, conventional bonds, preferred shares, o iba pang financial arrangements ay binabanggit lamang bilang bahagi ng academic coverage ng module at hindi bilang rekomendasyon o endorsement.

Disclaimer

This post is for educational and documentation purposes only. It is not investment advice. Perform your own due diligence and consult qualified financial professionals before making investment decisions. All strategies, frameworks, and examples described here reflect the personal methodologies of Micro Stock Trader and are not guarantees of future performance.


Illustration of a calm, disciplined trader reviewing charts and layered ladders, symbolizing the transformation of the Board Lot Warrior ecosystem in 2025.
Micro Stock Trader Blog
Board Lot Warrior
Ang Inyong Batangueñong Retail Stock Trader

Home | About UsContact Us | Privacy Policy | Terms of Use | Disclaimer

ICT Stock Study 5: Risk Management ng Isang Core Anchor

HomeBoard Lot WarriorMicro HarvestingMicro Harvesting 2.0 › MH Application Series › ICT Stock Study › ICT Risk Management

ICT Stock Study 5 showing risk management controls for a concentrated Core Anchor position under Micro Harvesting 2.0.
Ang ICT ay maaaring maging pangunahing makina ng Micro Harvesting, pero habang lumalaki ang role nito, mas kailangan ding luminaw ang risk controls sa paligid nito.    

👉 Explore the full Micro Harvesting 2.0 framework
👉 Start Here | CSSC Learning Series | MH Application Series | MH Operator Journal

Hindi sapat na alam nating malakas ang ICT, liquid ito, at may malinaw na role sa Micro Harvesting. Kapag naging Core Anchor ang isang stock, hindi na lamang upside ang kailangang pag-aralan—pati kung paano tayo mananatiling buhay kapag hindi sumunod ang market sa inaasahan.

Originally published: July 26, 2026 · Last updated: July 26, 2026

Links to related posts


Nilalaman

Ang Punto ng Usapan

Ito ang ikalimang bahagi ng aming ICT Stock Study.

Sa mga naunang post, unti-unti naming sinuri ang negosyo, financial condition, technical setup, at estimated value ng International Container Terminal Services, Inc. o ICT.

Ngayon, lilipat tayo sa risk management.

Hindi lamang namin ililista ang mga posibleng panganib sa kumpanya at sa stock. Susubukan din naming bigyan ng aktuwal na numero ang isang bahagi ng risk gamit ang Value-at-Risk o VaR, batay sa historical daily closing prices ng ICT.

Ito ang mahalagang pagbabago sa MH 2.0.

Dati, kapag sinabing risky ang stock, kadalasan ang ibig lamang sabihin ay volatile ang presyo, mataas ang utang, o maraming uncertainty sa negosyo.

Tama naman iyon.

Pero bilang portfolio operator, kailangan nating itanong:

Kapag gumalaw ang presyo laban sa atin, magkano ang maaaring mawala sa aktuwal nating position?

Iba ang risk na nasa percentage lamang.

Mas dama ang risk kapag naisalin na sa piso.


Ang Dating Paniniwala

Noong mas simple pa ang ating Micro Harvesting process, ang risk management ay kadalasang umiikot sa tatlong bagay:

  • huwag bumili nang sobrang taas;
  • mag-iwan ng dry powder;
  • at huwag ilagay ang lahat ng kapital sa isang stock.

Magandang panimulang discipline iyon.

Pero hindi pa sapat para sa isang stock na binibigyan natin ng espesyal na papel bilang Core Anchor.

Kapag maliit ang position, kayang dalhin ng portfolio ang maraming pagkakamali. Kapag lumaki ang allocation, kahit ordinaryong daily price movement ay maaaring lumikha ng malaking pagbabago sa portfolio value.

Doon natin napansin na ang concentration risk ay hindi lamang usapin ng portfolio percentage.

Usapin din ito ng:

  • actual peso exposure;
  • possible one-day loss;
  • liquidity needs;
  • valuation uncertainty;
  • at kakayahan ng operator na sumunod sa sariling rules.

Aba’y iba pala ang paghawak ng paboritong stock sa pamamahala ng concentrated Core Anchor.


Ang Binagong Pananaw

Sa CSSC Module 7, ang financial risk management ay inilalarawan bilang proseso ng pagtukoy, pagsukat, at pamamahala ng financial risks. Kabilang dito ang market risk, liquidity risk, operational risk, strategic risk, compliance risk, at iba pang posibleng sources of loss.

Ito ang pananaw na gusto naming dalhin sa ICT.

Hindi sapat na sabihing maganda ang kumpanya.

Hindi rin sapat na sabihing undervalued o technically strong ang stock.

Ang mas kumpletong tanong ay:

Maganda nga ang kumpanya, pero ano ang maaaring mangyari kapag mali ang assumptions natin?

Sa MH 2.0, hindi natin tinitingnan ang risk management bilang paraan para alisin ang lahat ng risk. Imposible iyon.

Ang layunin ay mas simple:

Kilalanin ang risk, bigyan ito ng sapat na sukatan, at tiyaking hindi nito kayang sirain ang buong portfolio architecture.


Paano Ito Umaandar

ICT Risk Map

Maraming uri ng risk ang kasama sa paghawak ng ICT bilang Core Anchor.

Market Risk

Maaaring bumaba ang presyo ng ICT dahil sa broad market selloff, foreign fund outflows, interest-rate changes, geopolitical developments, o company-specific events.

Para hindi manatiling general statement lamang ang market risk, ginamit namin ang historical daily closing prices ng ICT upang tantiyahin ang possible one-day loss ng kasalukuyang position through Value-at-Risk.

Concentration Risk

Habang lumalaki ang ICT allocation, mas nagiging dependent ang portfolio sa performance ng isang kumpanya.

Ang magandang performance ng ICT ay maaaring magdala ng malaking contribution sa portfolio.

Pero kabaligtaran din iyon.

Kapag bumaba ang stock, mas malaki rin ang epekto sa total capital.

Valuation Risk

Ang aming FCFF valuation ay nakadepende sa assumptions tungkol sa growth, cash flows, discount rate, at terminal value.

Kahit maayos ang computation, maaaring mali ang assumptions.

Kaya ang estimated fair value ay reference point, hindi garantisadong future market price.

Liquidity Risk

May regular liquidity requirements ang portfolio.

Kung kailangan ng cash habang mahina ang presyo ng ICT, maaaring mapilitan tayong magbawas sa hindi magandang panahon.

Kaya ang dry powder at cash planning ay bahagi mismo ng risk management.

Business and Financial Risk

Global ang operations ng ICT. Kasama rito ang exposure sa trade volumes, currencies, interest rates, political conditions, regulations, port concessions, capital expenditures, at operational disruptions sa iba’t ibang bansa.

Ang geographic diversification ay maaaring makatulong, pero nagdadagdag din ito ng complexity.

Operator Risk

May risk din na manggaling mismo sa execution:

  • maling quantity;
  • duplicate order;
  • buy sa halip na sell;
  • maling reference price;
  • outdated spreadsheet;
  • maling classification ng shares;
  • o pag-deploy dahil lamang pinapayagan ng framework.

Ito ang risk na hindi makikita sa chart o annual report, pero kayang lumikha ng totoong pagkawala.


Quantifying ICT Market Risk Through Value-at-Risk

Hindi sapat na sabihin lamang na may market risk ang ICT.

Para bigyan ito ng aktuwal na numero, ginamit namin ang Value-at-Risk o VaR, isang statistical estimate ng potential loss sa isang specified confidence level at time horizon under normal market conditions.

Ginamit namin ang 261 daily closing prices ng ICT upang makabuo ng 260 daily returns. Ang computation ay nakabatay sa kasalukuyang position na 500 shares, gamit ang ₱969 reference price at 99% confidence level.

Ang primary method ay Historical Simulation. Sa simpleng paliwanag, ginagamit nito ang actual historical price movements bilang possible scenarios para sa susunod na trading day. Ang Module 7 ay gumagamit din ng historical simulation at delta-normal methods para sa single-stock equity VaR.

ICT VaR Snapshot

Sa 500 ICT shares at reference price na ₱969, ang position ay may market value na ₱484,500.

Gamit ang Historical Simulation method, ang estimated 1-day 99% Value-at-Risk ay ₱28,974.68, equivalent sa humigit-kumulang 5.98% ng ICT position.

Bilang cross-check, ang 1-day 99% Delta-Normal VaR ay ₱27,601.35, o humigit-kumulang 5.70% ng position.

Kapag pinalawak sa five-day horizon gamit ang square-root-of-time scaling, ang estimated 5-day 99% Historical VaR ay ₱64,789.36, equivalent sa humigit-kumulang 13.37% ng ICT position.

Ano ang Ibig Sabihin Nito sa MH?

Ang pangunahing reading namin ay ganito:

Based sa historical price behavior ng ICT, ang 500-share position ay may estimated one-day downside na humigit-kumulang ₱29,000 at 99% confidence under normal market conditions.

Hindi ito forecast ng susunod na trading day.

Hindi rin ito absolute maximum loss.

May maliit pa ring probability na mas malaki ang actual loss, lalo na kapag abnormal ang market environment. Kaya ang VaR ay risk estimate, hindi loss ceiling.

Pero mahalaga pa rin ang numerong ito.

Hindi na lamang namin sinasabing concentrated ang ICT position. Mayroon na kaming practical peso reference kung gaano kalaki ang maaaring mawala sa isang severe but historically plausible trading day.

At habang dinadagdagan ang shares, tataas din ang peso VaR.

Kaya ang VaR ay hindi buy or sell signal.

Isa itong risk-budget input.


Current ICT Risk Context

Sa kasalukuyan, mayroon kaming 500 ICT shares na may average net cost na ₱973.5377.

Sa aming conservative valuation case, lumabas ang:

  • ₱995 estimated fair value;
  • ₱945 valuation-based buy-below price;
  • ₱969 market reference price;
  • at ₱973.5377 actual average cost.

Ibig sabihin, ang kasalukuyang position ay malapit sa conservative estimated fair value, pero nasa ibabaw ng mas selective buy-below threshold para sa fresh capital.

Hindi ito malinaw na overvalued.

Hindi rin ito malaking valuation bargain.

Nasa lugar ito kung saan maaaring suportado ang paghawak ng existing position, ngunit mas mataas na discipline ang kailangan bago magdagdag ng bagong capital.

Dagdag pa rito ang VaR estimate na humigit-kumulang ₱29,000 for one trading day.

Kapag pinalaki pa ang ICT position, hindi lamang market value at portfolio weight ang tataas. Tataas din ang potential peso loss.

Dito nagkakaroon ng tunay na kahulugan ang concentration control.


Stress Scenarios Beyond VaR

Dahil normal-market estimate lamang ang VaR, kailangan pa rin nating mag-isip ng mas matitinding scenarios.

Halimbawa:

  • paano kung bumaba ang ICT ng 10%;
  • paano kung bumalik ito sa medium-term support area;
  • paano kung magkaroon ng broad market selloff;
  • paano kung lumala ang geopolitical environment;
  • o paano kung kailangan nating maglabas ng cash habang mahina ang presyo?

Sa ₱484,500 position value, ang simpleng 10% decline ay katumbas ng humigit-kumulang ₱48,450 paper loss.

Mas mataas ito kaysa sa one-day VaR dahil stress scenario na ang tinitingnan, hindi lamang historical normal-market estimate.

Hindi natin kailangang hulaan kung alin ang mangyayari.

Ang mahalaga ay alam natin kung kaya ng portfolio ang outcome kapag nangyari.


Ang Bagong Risk Rule ng ICT Core Anchor

Hindi magiging automatic sell trigger ang VaR.

Hindi rin natin gagamitin ang isang risk number para alisin ang optionality ng operator.

Sa halip, gagamitin natin ito bilang risk-budget reference.

Bago magdagdag sa ICT, kailangan naming tingnan kung:

  • kaya pa ng portfolio ang resulting peso VaR;
  • may sapat pang dry powder;
  • hindi nakokompromiso ang liquidity plan;
  • hindi nawawalan ng capital capacity ang ibang portfolio roles;
  • suportado pa rin ng valuation ang bagong deployment;
  • at malinaw ang dahilan kung bakit nararapat dagdagan ang concentration.

Ang pagiging allowed na bumili ay option lamang.

Hindi ito obligation.

At ang pagiging Core Anchor ay hindi exemption sa valuation, risk, at execution discipline.


Risk Management Before Capital Allocation

Ito ang dahilan kung bakit nauuna ang Risk Management bago ang culmination ng ICT Stock Study.

Hindi natin maaaring sagutin kung gaano kalaking kapital ang nararapat ilaan kay ICT kung hindi muna natin alam:

  • ano ang maaaring mawala;
  • gaano kalaki ang normal-market downside estimate;
  • anong stress ang kayang dalhin ng portfolio;
  • at anong controls ang kailangang manatili habang lumalaki ang position.

Ang valuation ang nagsasabi kung ano ang maaaring maging reasonable price.

Ang risk assessment naman ang tumutulong tukuyin kung gaano kalaking exposure ang kayang dalhin.

Saka lamang natin maaaring pagsamahin ang fundamental analysis, technical analysis, valuation, at risk management upang makagawa ng capital-allocation decision.


Pangwakas na Kaisipan

Ang risk management ay hindi pessimism.

Hindi ito paghahanap ng dahilan para matakot sa stock.

Ito ay paraan para manatiling operational kahit hindi sumunod ang market sa ating thesis.

Sa ICT, natutuhan naming hindi sapat na sabihing maganda ang kumpanya, mataas ang growth potential, o malapit ang market price sa estimated fair value.

Kailangan ding malaman kung ano ang maaaring mangyari sa actual portfolio kapag bumaba ang presyo.

Sa kasalukuyang 500 shares, mayroon na kaming numerical reference:

Ang severe one-day historical risk estimate ay nasa paligid ng ₱29,000.

Hindi nito kinukumpleto ang buong risk assessment.

Hindi rin nito nahuhulaan ang susunod na market move.

Pero malaking hakbang na rin ito mula sa simpleng pagsasabing “risky” ang isang concentrated stock position.

Mas grounded na ngayon ang susunod na tanong:

Kaya ba ng buong portfolio ang downside na ito kung palalakihin pa namin ang ICT bilang Core Anchor?

Iyan ang dadalhin natin sa culmination ng ICT Stock Study:

ICT Capital Allocation.

Doon natin pagsasamahin ang business quality, technical condition, estimated value, risk capacity, liquidity, concentration, at opportunity cost upang sagutin ang mas mahirap na tanong:

Maganda nga ang kumpanya—pero magkano ang nararapat nating ilagay rito?


Shariah Compliance Advisory (Updated Nov 26, 2025)

The PSE has confirmed that its Shariah screening program is currently paused, with no new lists to be released until their internal review is completed. Although news outlets reported quarterly updates up to mid-2025, these later lists are no longer accessible on the PSE website.

For now, the PSE’s Shariah-Compliant Securities page and all past lists have been removed from the public website. The December 24, 2024 list is the last official version in Micro Stock Trader’s possession, downloaded before the page was taken down, although other investors may still hold later copies such as the reported July 4, 2025 release.

All halal-focused strategies under Micro Stock Trader will use a conservative, self-screened approach until official guidance resumes, in shā’ Allāh.

Ang post na ito ay bahagi ng aming personal learning journey sa securities analysis at portfolio governance. Ang mga konseptong may kaugnayan sa interest-based instruments, conventional bonds, preferred shares, o iba pang financial arrangements ay binabanggit lamang bilang bahagi ng academic coverage ng module at hindi bilang rekomendasyon o endorsement.

Disclaimer

This post is for educational and documentation purposes only. It is not investment advice. Perform your own due diligence and consult qualified financial professionals before making investment decisions. All strategies, frameworks, and examples described here reflect the personal methodologies of Micro Stock Trader and are not guarantees of future performance.


Illustration of a calm, disciplined trader reviewing charts and layered ladders, symbolizing the transformation of the Board Lot Warrior ecosystem in 2025.
Micro Stock Trader Blog
Board Lot Warrior
Ang Inyong Batangueñong Retail Stock Trader

Home | About UsContact Us | Privacy Policy | Terms of Use | Disclaimer

GAWLOO: Ang Lugawang May Sarap ng Southeast Asia — Gawa ng Batangueñong Galing Abroad

Kung taga-Rosario, Batangas ka at nag-crave ka ng lugaw na may level-up na twist—eto na ang sagot sa panalangin ng sikmura mo: GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience.

Kung taga-Rosario, Batangas ka at nag-crave ka ng lugaw na may level-up na twist—eto na ang sagot sa panalangin ng sikmura mo: GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience.

GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience facade

📍 Matatagpuan sa V. Escaño St., Brgy. C, Rosario Batangas, si GAWLOO ay hindi lang basta kainan — isa siyang kwento ng pangarap, passion, at panlasang umikot sa Asia.


GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience Dine-In

Ang may-ari, si Jay Ubana, ay isang Batangueñong cook na nagtrabaho sa Singapore at Dubai ng 12 taon. Sa dami ng napuntahan niyang bansa—Hong Kong, Taiwan, Singapore—natutunan niyang i-appreciate ang iba't ibang bersyon ng congee. “Paborito talaga ng mga Pinoy ang lugaw,” wika ni Jay, “Kahit anong oras, kahit anong pakiramdam—masarap maglugaw.”

⭐ Lasa't Alaala sa Bawat Higop

Hindi lang basta lugaw, kundi southeast Asian-inspired congee na may toppings na mala-ulam sa sarap.

🍲 Seafood Gawloo at Lechon Gawloo — ang kanilang best-sellers na puwedeng pang-breakfast o pang-dinner.

🍛 Mix & Match Toppings: Tuwalya, Chicharon Bulaklak, Atay, Chicken, Fried Tokwa at iba pa.

🍗 Rice Meals tulad ng Chao Fan with Pork Siomai, Chicharon Bulaklak, o Lechon Kawali — swak sa mga ayaw ng sabaw pero gusto pa rin ng siksik sa lasa.

🧋 Drinks? May Black Gulaman at Lychee para pampawi ng uhaw habang humihigop ka ng mainit-init na lugaw.

💸 Presyo na Kayang-Kaya

Hindi mo kailangang bumyahe pa sa abroad para matikman ang ganitong congee—abot kaya lang ang Small Bowl na may 1 Topping, at kung mas gutom ka, may Large Bowl para iyo at para sa inyong lahat. Pwede ka ring magpa-top up ng 2, 3 o 4 na toppings para sa ultimate lugaw overload!

🤳 Para sa mga G na umorder online

Pwede kang magpa-deliver! Text o tawag lang sa 09397785658. Hanapin lang ang GAWLOO sa Facebook para sa menu at updates.


Sa totoo lang, sa bawat higop ng lugaw sa GAWLOO, parang may yumayakap sa’yo—maalala mo si Nanay o si Lola na nagluluto ng lugaw tuwing masama ang pakiramdam mo. Ngayon, kahit wala si Nanay sa tabi mo, may GAWLOO ka sa Rosario.

Supportahan natin ang lokal! Tikman ang lugaw na may kwento. Tikman ang GAWLOO.

Featured Post

MH Operator Journal Entry 8: ICT 15% MOS RTS Refill Amid Technical Weakness

Home › Board Lot Warrior › Micro Harvesting › Micro Harvesting 2.0 › MH Operator Journal › ICT › Journal Entry 7 › ICT 15% MOS RTS Refil...