Sunday, July 20, 2025

3 Pang-Bagyo Picks: Stock na Hindi Tinangay Kahit Signal No. 3

Micro Stock Trader Blog | Special Series | July 2025 – Typhoon Edition

Brass-colored 3D button with a typhoon symbol and the text “PANG-BAGYO PICKS” representing resilient stock picks

Pang-Bagyo Picks – Mga stock na kayang sumalo kahit magka-crisis o economic downturn.

Nilalaman:

  • Panimula
  • Tamang Tanong
  • Pang-Bagyo Picks
  • Aral ng Araw

Source: PSE Circular CN-2025-0001, “Updated List of Shariah-Compliant Securities,” issued January 8, 2025, covering the period ending December 25, 2024. Screening conducted by IdealRatings, Inc. and published by the Philippine Stock Exchange (www.pse.com.ph).


Panimula: Hindi Porket Baha, Baha na Rin ang Port Mo

Kapag may bagyo, lahat apektado — negosyo, trabaho, kuryente, internet. Pero ang tanong: may mga stock bang kahit lubog ang kalsada, umaahon pa rin sa kita?

Dito papasok ang Pang-Bagyo Picks Series — mga kumpanyang kayang magpatuloy ang operasyon kahit may kalamidad, at pasado sa Shariah standards. Hindi ito basta safe haven — ito ang mga stock na disaster-resilient sa tunay na kahulugan.


🌪️Tamang Tanong: Alin ang Hindi Natitinag Kapag May Sakuna?

Ang focus natin ay literal na resilience sa natural calamities — bagyo, baha, blackout. Kaya ito ang criteria:

✅ May operasyon kahit may typhoon o power outage

✅ Physical assets sa urban or disaster-ready zones

✅ Passive income sources (like REITs)

✅ Shariah-compliant, low-debt, defensive sectors


🌧️ Pang-Bagyo Picks (Q3 Typhoon Season Edition)

Stock Reason Status
CREIT Energy infra REIT, low weather disruption 🔍 Watch
DDMPR Urban BPO REIT, disaster-ready infra 🔍 Watch
RCR REIT with resilient corporate tenants 🔍 Watch

Status Legend:

  • ✅ Active – May hawak na, trade ongoing
  • 🔍 Watch – Binabantayan pa, wala pang entry

  • 📅 Published: July 21, 2025 | 6:00 AM

  • 📅 Updated: July 21, 2025 | 6:00 PM


Ito ang petsa kung kailan huling na-update ang datos sa dashboard. Parang resibo—dito mo makikita kung gaano kasariwa ang info.



Isang bahagi ng Micro Stock Trader | Board Lot Warrior Dashboard, ang donut chart na ito ay nagpapakita ng real-time allocation ng isang thematic portfolio — ang Pang-Bagyo Picks Portfolio. Layunin nitong bigyan ang micro traders ng malinaw na visual ng portfolio breakdown para mas madali ang pagbuo ng desisyon, pag-track ng diversification, at pag-adjust ng posisyon kung kinakailangan.


Aral ng Araw: Hindi Lahat ng Matibay ay Maingay

Ang tunay na pangharang sa unos, tahimik lang pero andun sa tabi mo. Hindi ito headline-grabbing stocks. Pero pag biglang nawalan ng kuryente, sila ang may ilaw.

Ang tanong: May pang-Bagyo ka ba sa port mo, o puro pang-summer lang 'yan?

📍 Abangan sa susunod na labas: Pang-Bagyo Picks Update para sa Peak Typhoon Month (August 2025) + Tension-Resilient Stocks (July 2025 Edition)


Disclaimer: This post is for informational purposes only and should not be considered financial advice. Always do your own research before making any trading decisions.

Paalala lang: Ang post na ito ay para sa informational purposes only at hindi dapat ituring na financial advice. Laging siguraduhing gumawa ng sarili mong research bago pumasok sa kahit anong trade o investment.


Micro Stock Trader Blog | Ang inyong Batangueñong retail stock trader | Board Lot Warrior Tactical Live Portfolio Dashboard
Micro Stock Trader Blog
Ang Inyong Batangueñong Retail Stock Trader
BOARD LOT WARRIOR DASHBOARD

Mainam Basahin: Batangueñong Trade Mindset Series

Button 2Button 3


No comments:

Post a Comment

GAWLOO: Ang Lugawang May Sarap ng Southeast Asia — Gawa ng Batangueñong Galing Abroad

Kung taga-Rosario, Batangas ka at nag-crave ka ng lugaw na may level-up na twist—eto na ang sagot sa panalangin ng sikmura mo: GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience.

Kung taga-Rosario, Batangas ka at nag-crave ka ng lugaw na may level-up na twist—eto na ang sagot sa panalangin ng sikmura mo: GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience.

GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience facade

📍 Matatagpuan sa V. Escaño St., Brgy. C, Rosario Batangas, si GAWLOO ay hindi lang basta kainan — isa siyang kwento ng pangarap, passion, at panlasang umikot sa Asia.


GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience Dine-In

Ang may-ari, si Jay Ubana, ay isang Batangueñong cook na nagtrabaho sa Singapore at Dubai ng 12 taon. Sa dami ng napuntahan niyang bansa—Hong Kong, Taiwan, Singapore—natutunan niyang i-appreciate ang iba't ibang bersyon ng congee. “Paborito talaga ng mga Pinoy ang lugaw,” wika ni Jay, “Kahit anong oras, kahit anong pakiramdam—masarap maglugaw.”

⭐ Lasa't Alaala sa Bawat Higop

Hindi lang basta lugaw, kundi southeast Asian-inspired congee na may toppings na mala-ulam sa sarap:

Kung taga-Rosario, Batangas ka at nag-crave ka ng lugaw na may level-up na twist—eto na ang sagot sa panalangin ng sikmura mo: GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience.

GAWLOO, The Southeast Asian Congee Experience facade

🍲 Seafood Gawloo at Lechon Gawloo — ang kanilang best-sellers na puwedeng pang-breakfast o pang-dinner.

🍛 Mix & Match Toppings: Tuwalya, Chicharon Bulaklak, Atay, Chicken, Fried Tokwa at iba pa.

🍗 Rice Meals tulad ng Chao Fan with Pork Siomai, Chicharon Bulaklak, o Lechon Kawali — swak sa mga ayaw ng sabaw pero gusto pa rin ng siksik sa lasa.

🧋 Drinks? May Black Gulaman at Lychee para pampawi ng uhaw habang humihigop ka ng mainit-init na lugaw.

💸 Presyo na Kayang-Kaya

Hindi mo kailangang bumyahe pa sa abroad para matikman ang ganitong congee—₱80 lang ang Small Bowl na may 1 Topping, at kung mas gutom ka, may Large Bowl for ₱90. Pwede ka ring magpa-top up ng 2, 3 o 4 na toppings para sa ultimate lugaw overload!

🤳 Para sa mga G na umorder online

Pwede kang magpa-deliver! Text o tawag lang sa 09397785658. Hanapin lang ang GAWLOO sa Facebook para sa menu at updates.


Sa totoo lang, sa bawat higop ng lugaw sa GAWLOO, parang may yumayakap sa’yo—maalala mo si Nanay o si Lola na nagluluto ng lugaw tuwing masama ang pakiramdam mo. Ngayon, kahit wala si Nanay sa tabi mo, may GAWLOO ka sa Rosario.

Supportahan natin ang lokal! Tikman ang lugaw na may kwento. Tikman ang GAWLOO.

Featured Post

Jimmy Series Reflection – Week 1: Lesson of the First Loss

Board Lot Warrior › Jimmy Series › ₱5,000 Seed › Reflection › Unang Realized Loss sa MREIT Week 1 Reflection: - ₱55.44 loss sa MREIT, pero...

Blog Archive